HSG 12

77K 1.6K 108
                                    

*Ending*

after six years ..

"Leche ka! Ivan'tot! Saan ka na naman galing ha?! Ginabi ka na naman! Wala ka ng ginawa kung hindi puyatin ako!" sabay bato ni Kulengleng sakin ng isang throw pillow pagpasok ko sa pinto ng bahay namin.

"Teka .. teka ..! " agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya, "Si Dale ang kasama ko, wala ng iba!"

"Ayun na nga! Kapag si Dale ang kasama mo wala akong tiwala sa inyo!" sigaw pa nya.

"Grabe ka naman Kulengleng! Nakaka hurt ka! Kasalanan ko bang pag magkasama kami ni Dale ako napagkakamalang boss at sya ang body guard- aray!" napa aray ako ng ibato nya sakin ang cellphone nya.

"Hindi lang yan ang matatamo mo kung kasama mo si Dale ngayon at naririnig yang kahanginan mo!"

"Joke lang naman Kulengleng. Wag ka naman magwala masisira yung mga pinaghirapan ko, dugo at pawis ko ang pinangbili ko sa mga yan!" tukoy ko sa mga gamit namin.

"Hindi ko kelangan ang mga lecheng gamit mo! Kailangan ko ang asawa ko! At tatay ng mga anak ko!" sigaw pa din nya.

Tinabihan ko sya at inalo.

"Kulengleng naman .. alam mo naman nagtatrabaho ako ng mabuti para sa inyo, wag ka mag alala .. sinisingil ko naman kay Dale ang over time ko."

"Ivan .. how many times do i need to tell you, that your money can't satisfy me .. simula ng magka anak tayo, wala ka ng ginawa kung hindi magtrabaho, ibigay lahat ng kailangan namin, ok lang sana ang pagiging responsible mo .. but did you ever think about me? How i feel? We're acting a couple but you never said. 'i love you' to me .." this time nakita ko ang pagkislap ng mata ni Andrea dala ng luha.

Oo tama sya. Never .. as in never kong sinabing mahal ko sya.

"Action speak louder than words Kulengleng .." lusot ko pa.

Eh kasi naman .. umaatake na naman ang katorpehan ko.

"Iba pa din pag sinabi mo .."

Nagkatinginan kaming dalawa, oo nga, wala namang mawawala kung sasabihin ko yun.

Napasuklay ako sa buhok ko at lumunok.

"I love you Andrea dela Cru-"

Napapikit na lang ako ng maramdaman ang malambot na labi nya sa labi ko, alam nyo yung pagod sa maghapong pagtatrabaho, at sa isang yakap at halik lang ng asawa mo bawing bawi na ang lahat.

Niyakap ko sya sa bewang at dinamdam na lang ang halik. Magkatabi kaming naupo sa sofa at pinagsalikop ang mga kamay namin.

"Paramg dati lang pangarap lang kita .." bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa ulo.

"Parang kelan lang, but look at us now .." nakatingin sya sa picture frame ng tatlo naming anak. Puro lalaki sila. Si Jc, Jj, at Jr.

"Sing for me Ivan'tot .." bulong nya sakin. "I really miss you."

I squeezed her shoulder and start to sing.

It’s amazing
How you can speak
Right to my heart
Without saying a word,
You can light up the dark
Try as I may
I could never explain
What I hear when
You don’t say a thing

It's between Andrea and me ..

And there's three angels between us. Nagtulungan kami ni Andrea para maging maayos ang pamumuhay namin. Oo .. ang tingin ng mga tao sa mga kabataang maagang nagkaka anak ay napapariwara ang buhay .. pero may mga taong gagawin ang lahat maka ahon lang.

His Sexy Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon