AD Room

250K 4.6K 621
                                    

Dianne's POV

"Baby A usog mo pa konti .. ahm .. no pangit. This one .. ahm too bright. How 'bout this blue one? Hmm .. perfect!"

Tuwang tuwa kong pinagmasdan ang room ni Baby AD, ang blue room ng baby boy namin, eight months na ang tummy ko at malapit ng manganak, lahat ready na pati ang kwarto ng Baby namin.

Pinagmasdan ko si Baby A na half naked, basang basa ng pawis dahil sya ang nag ayos ng room, ako ang nag conceptualize, punong puno ito ng mga pambatang laruan na panglalaki, at napakaraming blue stuff, like blue bed, blue curtain, blue stuff toys, .. basta lahat blue.

Eh paano pag bakla? Waley ang blue? Havey ang penk!

Shoo! Shoo! taboy ko sa biglang pagsingit ng kung anong negatibong presensya sa likod ng utak ko, hindi bakla ang anak namin!

Pero paano pag bakla?

Hindi maaari!

Bakla ..

Baklaa ..

Baklaaa ...

"Aaaaaahhhhh!" takip ko sa tenga ko.

"Hey Baby .. anong nangyayari sa'yo?" hawak ni Baby A ang magkabilang balikat ko.

"Diba .. hindi naman bakla ang baby natin?" kinakabahang tanong ko.

Huminga muna sya ng malalim. Bago ako hinugot at inupo sa kama.

"Dianne .. I can't assure you not. Because, me myself been there, pero kung magkaganon man, let's just accept that idea, kahit na anong gender nya, anak pa din natin sya, Magulang nya tayo, nandito tayo para intindihin sya at pangaralan. Afterall; hindi ang kasarian nya ang pinag uusapan dito, kung hindi ano sya bilang tao, gender is just a peoples sight; pero sa Kanya iisa lang tayong lahat, pantay pantay, magkakaiba lang tayo kung paano tayo mabuhay bilang tao. At bilang tao, kailangan natin irespeto ang isa't isa. Kung ano man sya ..tanggapin na lang natin."

Napatulala ako sa sinabi ni Baby A. Oo nga naman, sya nga kahit bakla dati .. tinanggap ko, minahal ko .. eto pa kayang buhay na nasa sinapupunan ko? Promise hindi ko na guguluhin ang utak ko. I will just accept it no matter what happen.

Ngayon .. hindi lang ako basta isang tao. Isang asawa at ina na din ako. May malaking responsibilidad ang naka atang sa mga balikat ko. Kailangan ko ng gumising ng maaga para sa asawa at anak ko. Kailangan kong maging isang mabuting tao para sakanila.

Bigla akong napahawak sa tyan ko ng sumipa si Baby .. he's moving and kicking..

Pinatong din ni Baby A ang kamay nya sa tummy ko and feel our baby's movement.

From now on, no worries, no pressure. Just live to the fullest.

"Hey .. kamusta na?" tanong ni Veronica sakin. After walking outside ay napagpasyahan kong dumaan sa bahay ng babaeng ito.

"Fine .. Eto mejo hirap na .." naupo ako sa garden nila.

"Hello Tita Dianne!" bati ng five years old na si Ruki sakin. "Hello Baby-" bigla nyang natanggal ang kamay nyang humahaplos sa tyan ko.

Sumipa ng malakas ang Baby ko, at naramdaman ni Ruki yun. Kaya sya nabigla.

"He's moving .." gulat na saad nya.

"It's ok. Calm him down." utos sa kanya ni Veronica. "He's going to be your baby bro .." napangiti ako ng dahan dahan ilagay ni Ruki sa tyan ko ang kamay nya. Marahan nyang pinaglandas ang palad nya paikot sa malaki kong tyan.

Makailang beses na sumipa ang Baby ko.

"Hey baby .. calm down ." napapangiti ako sa ginagawa ni Ruki.

"Baby let's go!" tawag ni Art sakin, kausap nya si Sachi.

"Mauuna na kami. Bye Veronica .. bye Ruki!" paalam ko sa mag ina.

"Bye Tita Dianne! Bye Baby!" kaway pa ng batang si Ruki.

Nagtuloy kami sa bahay at nag umpisang kunain, like the normal days, natutulog ako, kakain, hihiga, manonood ng TV. Sobra na nga ang katamaran ko eversince na buntis ako.

Nanonood ako ng Spongebob, si Baby A ay nagbabasa naman ng Parenting Guide book. Nakasampa ang paa ko sa hita nya habang nakahiga ako.

Bakit kaya ang mga lalaki parang hindi nagbabago nakakainis dahil, sa araw araw na ginawa ng Dyos parang hindi naman tumatanda si Baby A, ang pogi pogi pa din nya. 

Naisip ko nga ..ano kayang buhay ko kapag hindi si Baby A ang naging asawa ko.

"Aww .." bigla kong naradaman ang pagkirot ng tyan ko. Agad na umayos si Baby A at iniupo ako.

"What happened?" tanong nya pa.

"Teka .. aww .. sumasakit ang tyan ko. Manganganak na yata ako!"

"Pero eight months pa lang Baby.   hindi ka pa pwedeng manganak!"

"Mas marunong ka pa sakin eh! Ako yung buntis! Anong magagawa mo kung gusto ng lumabas ng anak mo!"

"Eh sandali! Pwede na ba? Baka ano .. baka.." taranta na si Baby A sa harap ko.

"Baka mapatay kita pag hindi mo pa ako dinala sa Hospital!" inis na sigaw ko dahil hindi ko na kinakaya ang sakit.

Wala ng nagawa si Baby Akung hindi ang kargahin ako at dalhin sa Hospital.

Habang byahe at patuloy pa din ang pagkirot nito.. Kahit ako ay kinakabahan .. baka malaglag ang baby ko .  i don't wanna have a miscarriage .. matagal namin itong pinapangarap ni Baby A .. i can't bear kung mawala pa samin 'to. A tear fall on my eyes while thinking that idea.

Nang makarating kami sa Hospital ay tinakbo agad ako sa emergency .. 'til they get me in to the operating room. Nasa loob ako ng kwarto habang patuloy pa din sa pag iyak .. I can see Baby A talking to the Doctor .. may kakaibang kaba ang nararamadan ko..

Lumapit si Baby A kasama ang Doctor .. "Baby A manganganak na ba ako?" tanong ko kay Baby A na agad yumakap sakin at hinalikan ako sa noo.

"Mino monitor ka pa daw nila Baby .. but there's a big possibility na mapaaga ang paglabas ni Baby, but the problem is, your not yet ready, we can take the CS kapag pumutok na daw ang water bag mo."

"Ha?" hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi makatingin si Art sakin. I know there's something he didn't tell .. Gusto ko pa sanang magtanong but the most painful feeling strikes on me ..

"Aaaaggghhh .." napasigaw ako.

"Pumutok na yung water bag nya .. ready for the operation."

"Sir sorry hindi na kayo pwede dito." naramdaman ko ang paghalik ni Baby A sakin at ang pagbitaw nya.

And everything went so painless .. Wala na kong maramdaman hanggang sa unti unti ng lumabo ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.

Pagkagising ko ay nasa isang private room na ako. Pero iba yung pakiramdam .. andoon pa din yung sakit sa bandang ibaba ng tiyan ko.

I see Baby A sleeping on my side. Pero biglang tumulo ang luha ko as I see the small tube connecting on my hand. Tanda na sumailalim ako sa isang operasyon.

Hinahanap ko yung pakiramdam na gigising kang may maraming tao sa paligid mo .. yung babatiin ka at iko-congratulate .. yung may baby kang makikita .. tapos papatahanin mo, ipaghehele at papadedeen ng gatas mula sayo ..

That's what I'm expecting. Pero bakit iba sa inaasahan ko? Bakit ang tahimik? Bakit tanging bulaklak at prutas lang ang nasa gilid .. Bakit wala yung mga Baby Stuff na binili namin para sa Baby?

Ano ng nangyayari?

"Dianne .." napalingon ako sa nakatingin na si Baby A sakin.

"Baby A anong nangyari? Nasaan yung Baby natin? Nasaan si Arthur Dane?" kinakabahang tanong ko.

Pansamantala lang syang tumingin sakin at bahagyang tumungo. Kinakabahan ako .. parang ayaw ko munang marinig ang sasabihin nya.

"Art .." kinakabang tawag ko sa kanya.

"Dianne wag kang mabibigla .. Walang Arthur Dane .." then tears fell down on my eyes.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon