Badminton

455K 7.3K 1.9K
                                    

Dianne's POV

Napapakunot talaga ang noo ko dahil sa kalandian ni Baby A, nag wawarm up daw, pero mukha naman naghahamon ng away! Kaloka! At ang matindi nakatingin pa kay Humberto! Yung totoo? May LQ sila?

"Oy teh! Boxing lang?!" tanong ko kay Baby A, sinamaan nya ako tingin kaya naman lalo pang tumindi ang hinala ko.

"Don't call me teh! First di tayo magkapatid, second mas matanda ka sakin!" ang landi talaga nito! Ipamukha daw ba sakin na mas matanda ako sa kanya?

"Eh anong gusto mong itawag ko sa'yo aber?"

"Baby. Call me Baby!" ang arte ah! Sarap lang kurutin!

"Baby ..." maarteng tawag ko.

Lumapit sya sakin at inayos yung hair ko, tapos walang kaabog abog na sumubsob sa leeg ko. He suck it damn! Of all places! Dito pa talaga lumandi!

"Awww Baby A! Nubeyen! Nakikiliti ako hihi .."

"Ay ang landi ahh!"

"Pasimple ka din lumandi ahh!" tinusok ko sya tagiliran.

"Hahaha.." maarteng tawa nya. "Assuming ka ahh .. Tinetesting ko lang yung red lipstick ko kung bumabakat talaga, patingin nga." sinilip nya yung leeg ko na hinalikan nya kanina.

Nagcross arms ako sa harap nya at saka nag pout.

"I hate you!" naiinis na sabi ko! Huhu! Gawin daw bang tester ang leeg ko?! kainis!

"Ayy di umepek! Isa pa nga!" tumungo ulit sya para itest sa leeg ko.

"Hihi .. ayy Baby A! Nakikiliti ako!" malanding sabi ko! Hihi minsan lang to! Kaya dapat lang sulitin!

"Dito pa Baby A!" turo ko pa sa kabilang part ng leeg ko. Hihi chalap chalap! F na F ko talaga!

"Art! Laro ka na!" biglang lapit ni Humberto.

Napakunot noo ako sa way ng titigan nila. Si Baby A parang naiinis na ewan, habang si Hubert parang naka smirk. Pinagmasdan ko silang dalawa. OA na sa titigan ah!

"Ano? Magtititigan na lang ba kayo o maglalaro kayo?" awat ko sa kanilang dalawa.

"Tara pre! Laro tayo!" tapik ni Baby A, kay Hubert, akmang tatanggi pa si Hubert pero hinatak na sya ni Baby A. Ano kaya talagang meron sa dalawa na yun?!

Napahawak ako sa leeg ko na hinalikan kanina ni Baby A! Ayt! Kinikilig aketch! Hihi.. Nilabas ko yung salamim sa bag ko at tiningnan yung leeg ko na ginawang tester kanina ni Baby A. Hmm wala namang bakas ng lipstick eh? Namumula sya, oo. Pero alam kong dala lang yung ng halik nya.Eeeee .. sheet! Nikikilig talaga aketch!

"Kyaaaaaaahhhhh.." napalingon ako sa grupo ng mga kababaihan na tumili, sinundan ko yung tingin nila. They are looking to the two hot mens na naglalaro ng badminton! My Gas! Bakit lantad na ang mga maskels nila?! At di ako pwedeng magkamali! Boyfriend ko yung napakagwapong nilalang na sobra ang pawis dahil sa paglalaro but then he's super duper hot! Ang sarap lang punasan ng pawis at gumawa ng eksena dito! Hihi..

Sobrang intense ng laro nila, para ngang wala silang nakikita eh. At papatalo ba naman ako sa mga babaitang ito, syempre hindi!

"Go Baby A!!!" malakas na sabi ko, napatingin sya sa gawi ko at ngumiti. Ayiiieee am so kinikilig! Hindi matapos tapos yung laro dahil palagi silang nag ta-tie. Umawat na lang yung isang friend nila kaya natapos na.

"Baby A! Your so magaling! I love you na talaga!" i hug him.

"Teka pawis pa ako!" awat nya sa akin.

"Ok! kiss na lang!" i pout. Alam kong di nya tototohanin yun, I'm expecting na babatukan nya ako or pipitikin. But when I feel his sweet lips touches mine, sobrang nawala ang utak ko! Nagkagulo! As in! Tulaley ang peg ko sa ginawa nya. He actually kiss me?

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon