Bye Dianne, Hello Wife.

479K 7.9K 1.7K
                                    

[ For you. Enjoy reading. ]

Dianne's POV

"Kyaaaaaaaahhh .."

Sabay sabay naming sigaw nila Cass, Karla at Veronica habang naka conference call kami sa tablet ko, kung ako di maka move on sa revelation ni Baby A, eh paano pa kaya sila?

"OMG, wait isa pa! Kyaaaaaaaahhhh .."  ayaw papigil ni Veronica sa kilig.

"Walangya ka Ate! Nasa'yo na ang lahat! Mayamam, matalino, at higit sa lahat may fafable kang boyfriend!"

"Ano ba kinikilig ako!" natatawang sabi ko with matching palo ng unan sa kama ko, habang si Baby C ay busy sa panonood.

"Leshe ka! Wagi ang beauty mo 'te! Nagawa mo ng paibigin si Art, haba ng hair mo!" sigaw ni Karla

"After three years naging succesful din!"

"Kaso ang epic ng exit mo 'te! Baliw ka din eh! Sana naman nagdrana ka, o kaya umiyak ka man lang for exposure no? Andun na yung moment eh!" sira talaga tong si Veronica, pa moment-moment pang nalalaman.

"Alam nyo guys, it's all wasted, kasi babalik na si Lola, so you Ate, you better decide, maglayas ka na kung trip mo talaga si Art!" hay naku! Panira talaga tong kapatid ko.

"Hayyss .. Anu ba yan .." natahimik kaming lahat sa sinabi ni Cass.

Nang biglang nag ring yung phone ko na kinabaliw ko!

Calling ..

Baby A ..

"Oh Gosh! Si Baby A tumatawag!" tili ko.

"Kyaaaaaahhhhh-" bago pa ko madamay sa walang humpay nilang tili ay in-end ko na yung conference call at inayos ang sarili ko na para bang nandito sya sa harap ko.

"Hello .." maria clara ang peg ng boses ko sa pagsagot sa kanya.

"Baby D?" haaaaawt! Enebe! Tinawag nya lang ako kinilig na ako. Nangigil kong kinuha yung unan ko at niyakap, iniisip kong sya yun.

"Yes?" at kinagat ko yung labi ko sa sobrang tense na nararamdaman ko, feeling ko ngayon lang kami nag usap.

"Ahm .. galit ka ba?" bakit buong buo yung boses nya? Bakit ang macho ng dating? Bakit di makapag function ng maigi yung utak ko sa sobrang kilig!

"Hindi naman, na shock lang ako." napatingala ako at pigil na pigil ang  pagtawa, eh kasi naman! Naalala ko yung eksena namin kanina.

"I'm sorry .." sabi nya.

"Nah. Ok lang. Akala ko talaga all this time si Hubert ang maha-"

"Ikaw ang mahal ko .." nanigas ang paa ko at di napigilan magtadyak, shems na yan! Bakit ang lupet nya magpakilig! Sa sobrang gulo ko ay natadyakan ko si Chichay at nahulog. Nagmamadali pa akong kinuha sya sa lapag at binalik sa kama.

"Dianne .." tawag nya sakin, bakit pag sinasabi nya yung pangalan ko eh kinikilabutan ako? Napatakip tuloy ako ng mukha gamit ang unan sa sobrang pagkaligalig.

"Hmm?" yan lang ang naisagot ko.

"Mahal na mahal kita!" anak ng tinola naman! Di nya ba alam na halos hindi na ako makahinga sa sobrang kilig dito?! Paulit ulit talaga? Unli?

"Ok." sagot ko habang nilalapirot yung unan ko. Enebe! Kinikilig ako!

"So?"

"So .."

Para kaming nagliligawan sa pag uusap namin.

"Uhm .."

"Yeah .."

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon