Mahal kita, Tanga!

520K 8.2K 2.9K
                                    

[ Oh ayan Happy Birthday! Ibalik mo na yung Tamako Sia na binigay ko sayo! Haha JK]

Dianne's POV

"Chichay! Time to take a bath na!" tiningnan nya lang ako at binalik ang tingin sa pinapanuod nyang Mickey mouse club house ng Disney Junior. Dineadma ako ng baby ko.

"Hoy Chichay! Sabi ko maligo ka na!" lumapit ako sa kanya at namewang. Umungol naman sya na parang sinasabing 'mamaya na mami' at nahiga sa unan nyang color pink.

"Ok fine! After nyan maliligo ka na ah?" naupo ako sa tabi nya at kinuha yung phone ko. Itetext ko si Baby A at may ipapaalala ako.

To Baby A ..

Goodmorning Baby A, may checkup ang Baby natin later ah, sasamahan mo pa kami. Yun lang I love you.

-Baby D

"It's the Mickey mouse clubhouse it's fun inside .." sinabayan ko ang kanta ni Mickey mouse habang hinihipo ang malambot na balahibo ni Chichay. Bigla naman tumunog yung phone ko.

From Baby A ..

Kailangan pa ba talaga ko? Oo sige pupunta ako. Ily2.

Napangunot ang noo ko sa huling text ni Baby A. Mejo kinilig pa ako dahil dun. Leshe dream on!

Nang natapos yung show ay tinapik ko agad si Chichay. "C'mon Chichay! Take a bath! At may pupuntahan pa tayo." mabilis syang pumunta ng banyo at diretso sa tub na may bubbles.

Eksena namin.

"Wag kang malikot! " pero talagang malikot sya at pilit hinahabol yung mga rubber ducky sa loob ng tub .

"Hays! Akina kamay mo! Ay nako! naku kung di ka lang talaga bigay ni Baby A, nilunod na kita!" sabi ko ng lumabas sya ng tub at magpunta sa kwarto at deretso sa kama. Ok pahirap talaga si Chichay. Napaka kulit!

Dala ang tuwalya ay nilapitan ko sya, hinabol, at pilit tinuyo yung katawan nya. Sinaksak ko yung blower na for her lang talaga, may sariling dresser at cabinet sya sa kwarto ko. Habang tinutuyo ko yung buhok nya ay nanunuod naman sya ng cartoons. Hindi na nga ako halos makanuod ng favorite show ko sa ka-adikan ni Chichay sa cartoons.

"Oh! Jan ka lang! Ako naman ang maliligo." bilin ko sa kanya at pumasok na sa banyo.

Inabot ako ng ten minutes sa loob ng banyo, at hindi ko alam sa loob pala ng sampung minutong iyon ay nagka gyera na sa loob ng kwarto ko, nagkalat ang mga magazines at pati ang bet sheet ko ay warak na, yung mga unan ay nagkalat ang laman loob, dumanak din ang laman ng lotion ko.

Ok Dianne. Breath in breath out.

"Chichayyyyyyy!!!" sigaw ko at lumabas sya sa ilalim ng comforter ko, ngatngat yung thriump na bra ko na wala ng foam, "huhu .. bakit yan pa? Di mo ba alam yan lang ang nag iisa kong push up bra ?" naiiyak ako sa gulo ng kwarto ko.

"Arf arf .." lumapit sya sa akin at dinilaan ang paa ko.

"Pasalamat ka talaga anak ka namin ni Baby A kundi matagal na kitang tinapon." lumuhod ako at tinap ang ulo nya.

Wala akong ganang maglinis kaya nag buzzer na lang ako. Nagkuha ako ng bagong damit at pumasok sa cr.

Paglabas ko andun na ang isa naming katulong, nagliligpit ng kalat.

"Ate paayos na lang yan ah? Si Chichay kasi, napagtripan mag treasure hunt." kinarga ko si Chichay at kinuha yung damit nya at sapatos.

Pumunta kami sa kwarto ni Dad at dun nag ayos.

"Hi Daddy Goodmorning!" i kiss Daddy at nilapag si Chichay sa kama nya.

"Chichay behave." nilipat ko yung tv sa disney Junior dahil yun lang ang tanging paraan na alam ko para di maglikot si Chichay.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon