Who's back?

447K 6.7K 1.6K
                                    

[As you requested :)) Maraming Salamat!]

Art's POV

"Dala ng sipon at ubo nya yung lagnat, so I suggest her to take a rest. And take the medicine every three hours."

"Salamat Doc."

Nasa likod lang ako ng Daddy ni Dianne habang kausap nya yung Doctor. Gusto ko sanang lumapit kay Dianne para matingnan sya kaso nahihiya ako sa Daddy nya. Hinatid ng Dad ni Dianne ang Doctor hanggang sa pinto. Nagkatinginan kami at nagtaka ko ng di nya isara yung pinto, instead, lumabas sya at sinenyasan akong sumunod. Kahit natatakot ay sumunod pa din ako.

Sa labas ay nagtinginan lang kami, feeling ko meron syang gustong marinig mula sakin, at gusto ko din naman sabihin sa kanya.

"Mahal ko po si Dianne .." mula sa pagkakatungo ay tiningnan ko sya.

Bahagya syang napangiti pero naiiling din. "I know that. But you just complicate all the things Art." naguluhan ako sa sinabi nya. Tumalikod sya, "Ipapahatid ko kayo sa driver."

"Tito Greg .." huminto sya ng tawagin ko.

"I love Dianne more than my self, and I'm not a gay anymore." taas ang noo, kahit kumakabog ang dibdib ko eh, sinabi ko yan.

"Again. Sana lang alam mo yang ginagawa mo."

Greg's POV (Dianne's Dad)

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Art. Yeah I know, he's already a man. But one thing I worried is Dianne's deal with her Grandma.

"Sir line two, Donya Divina po." speaking of what I thought.

Sya ang Lola ni Dianne sa Mother side nya. Sya din ang dahilan kung bakit napasok si Dianne sa arrange marriage thing na yan.

"Hello Ma?" i answer the line.

"Yes, Gregorio, how's my Grand daughters?"

"Si Cassandra ayos naman po Ma," tukoy ko sa bunso kong anak. "But Dianneara is sick, well she has a fever lang naman." paliwanag ko.

"Oh my God! You need to bring her in the Hospital right now!"

"Ma, calm down. She just need to take a rest."

"Are you sure Gregorio? Ayaw kong magkasakit ang apo ko sa pag uwi ko jan sa Pilipinas."

"Yes Ma, everything's fine."

"Well nakausap mo na ba ang aking future balae?"

"Yes Ma, I just closed the deal last month. Nagkaayos kami sa set up. Madlang-awa Corporation is pretty stable naman."

"Oh good! So ang pagkakakilala na lang ni Dianne at ng kanyang mapapangasawa ang kulang. Well Gregorio, kailangan ko pang mag ayos para sa pag uwi ko, ibaba ko na ito."

"Kelan ba ang uwi mo Ma?"

"Sooner." then the line went off.

Ngayon pa lang nalulungkot na ako para kay Dianne, napakabait nyang bata, minsan na lang magmahal ay nahahadlangan pa. Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Ano nga ba ang magagawa ko? Sana naman Madlang-awa's only son are too good to be true to my daughter.

Dianne's POV

Ok! Kapalit ng pait ng gamot ay ang tamis ng pagiibigan namin ni Baby A!

"Oh isa pa .." sinubuan ako ni Baby A ng sopas, inaalagaan nya po ako! Kahit na ang sama ng pakiramdam ko, basta't anjan si Baby A, sumasaya na ako.

"Ayoko na Baby A .." umiiling na sabi ko.

Nilapag nya yung bowl ng sopas at sinalat yung noo ko.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon