Humberto

471K 8K 3.8K
                                    

Art's POV

"I thought you broke up with her?"

"Yeah .."

"So nagkabalikan na pala kayo?"

"Yes."

"Ibang klase ka din ahh .."

Napatingin ako sa tono ng pananalita ni Hubert. Yes, si Hubert ang kausap ko. He's here in my office to confirm about Dianne and I, unfortunately, di ko na maitatago pa ang status namin ni Dianne, dahil pati sa facebook world ay pinagsigawan na nya ang status namin. Yeah .. we're in a relationship.

"Kasalanan ko ba na ako ang mahal nya?" naiinis kong tanong kay Hubert dahil sa tono ng pananalita nya, parang ako pa ang nang agaw.

"I thought you're gonna let Dianne on me?"

"Wala akong sinabing ganyan. At hindi laruan si Dianne para ipamigay."

"Wow. You talk like a protective boyfriend here." mapanghusga nya akong tiningnan, mula ulo pababa.

"Dianne is important to me. At ayoko na syang saktan."

"At sa tingin mo, sa ginagawa mo, hindi mo sya masasaktan? Does she know that you're going to get married soon?" he smirking at me like he has an evil plan.

"You know, wala kang pakialam sa desisyon ko. It's my own risk to take. Problema ko 'to." he's really getting on my nerves.

Alam kong gusto nya din si Dianne. And unexpectedly, Dianne did'nt take seriously what he confess the night that we broke up. Never na din nyang in-open ang tungkol dun. Para ngang wala lang nangyari.

"Mas masasaktan si Dianne pag nalaman nya, kaya kung ako sa'yo, layuan mo na sya. Manglalaki ka na lang."

I grit my teeth sa sinabi nya. I tried to calm my self first. Then tiningnan ko sya. And smile.

"You are not the Hubert i know, same as, I am not the Art you know for so long. Hindi na tayo magkakilala."

Naiiling na sabi ko. Hindi ko alam na may ganito pa lang side si Hubert. Ibang klase magmahal, talo talo, walang paki alam kahit nakakasakit na, kahit nakakakasagasa na, at higit sa lahat kahit mali na yung ginagawa nya. Alam kong simula pa lang ay gusto nya na si Dianne, at pabiro kong sinasabi na 'sige sayo na' but then, everything changes. Hindi ko pala kaya.

"You know Art .. Once your a gay, you will be always a gay." madiin, masakit at mapanghusga nyang pagkakasabi sakin.

"You think so?" matapang na sagot ko. I will prove to him na kaya kong magbago. For Dianne.

"Babyyyyyyy Eyyyyyyyyy !" nawala ang tensyon sa pagitan namin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dianne.

Napatingin kami parehas ni Hubert kay Dianne. Kapansin pansin ang magaang na aura ni Dianne, idagdag pa ang summer dress na suot nito that curving her sexy body. Her hair is messy in a pony tail. Kahit kailan talaga napakatamad mag ayos ng babae na'to. Simpleng pag ayos lang ng buhok kinatatamadan pa. At ang feslak natural! Walang bahid ng kahit na anong palamuti. Palibhasa di marunong gumamit ng make up! Kahit lipstick waley, pero te! Talbog ang red lips ni Anne Curtis sa natural na pula ng labi ng Baby D ko! Pak na pak! At teka nakashade sya! Asan ang araw?! Sa loob ng office magse shade?! Minsan talaga shunga shunga tong Baby D ko eh! Yaan nyo na, maganda naman eh ..

Napangiti na lang ako when she smile at me. At poise na poise na naglakad. Tss tss dati, di ito nag de dress, pero pansin ko this past few days ang hilig na mag dress .. Pero bigo namang gumamit ng heels, frustrated heels user ang peg, kaya ayan nauwi sa flats. Pero di naman nakabawas ng ganda nya. Gandang di mo inakala!

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon