Kabanata 6: Ang Lihim ng Kahapon

583 13 4
                                    

Kabanata 6: Ang Lihim ng Kahapon

Kanina pa ko paikot ikot at nanlalamig na ang buo kong katawan, wala akong maisip na gawin para mailigtas si Clara. Wala din naman akong hawak na pera na isang milyon, hindi ko naman gugustuhin na tumawag kanila mommy at kay tita dahil baka pare-pareho lang kaming mapagalitan, kilala ko si dad kung magalit yun todo! Gusto kong lutasin ito on my own. 

"hindi mo pa ba tatawagan ang mommy nun?" tanong ni Britney habang nakahawak sa cellphone niya at nagiisip din kung paano namin maililigtas si Clara

"anu ka ba baby ko? kilala mo naman ang dad ni Patrick diba? pag nagalit iyon magkakaroon ng world war 3." sabi naman ni Winston, kilala niya na si dad kasi elementary pa lang mga kaibigan ko na itong mga ito at napagalitan na din ako ni dad sa harap nila. 

"ah, Patrick may alam akong makakatulong satin!" sabi naman ni Tikoy na ngumiti ng nakakaloko agad naman kaming lahat na tumingin sa kanya at para na din akong natangalan ng tinik sa sinabi ni Tikoy

"bakit kaya di na lang natin tawagan si tita Stella." seryosong sabi ni Tikoy at pare-pareho namin siyang nabatukan, magkaiba man ang ugali ni mommy at ni daddy panigurado malalaman din ni dad 

"banu ka pala eh! Tikoy ah, ayusin ang brain!" sabi naman ni Britney na binatukan pa ulit si Tikoy kaya napatawa na din ako.. >___> teka dapat iniisip ko na talaga yung pagligtas ko kay Clara.

"sandali!" sigaw naman ni Winston na napangiti at napatayo sabay hawak naman sa balikat ko

"anu?" tanong ko naman at medyo kinakabahan na talaga ako sa maaring gawin nila kay Clara

"yung dad ko! baka matulungan tayo." sabi ni Winston at bigla namang kinurot ni Britney sa tagiliran si Winston, pag humingi kami ng tulong sa dad ni Winston panigurado malalaman ni dad, medyo kumpare kasi ang dalawa. 

"baliw ka talaga!" galit na sabi ni Britney na napahawak na sa ulo niya 

"teka.. alam ko na talaga!" sigaw ni TIkoy at napatingin kami sa kanya, di na ko umasa baka kung anu na naman ang sabihin nitong si Tikoy

"humingi tayo ng tulong kay Mang Gary!" dagdag ni Tikoy 

"HUH? SINO YUN?" pare-pareho naming sabi nila Britney at ni Wnston

"kumpare ng tatay ko yun dati.. matinik yun pagdating sa mga ganyan! Anu puntahan na natin?" tanong ni Tikoy at wala kaming nagawa kundi ang puntahan yung Mang Gary na yun

Huminto kami sa isang maliit na bahay medyo luma na at sobrang dilim parang walang kuryente, tumaas tuloy ang mga balahibo ko. Kumatok muna si Tikoy at lumabas na din ang isang lalaki na kayumanggi at mukang firm naman ang katawan at nabilanggo na. 

"oh? Tikoy anung ginagawa mo dito? Gabi na ah. baka hinahanap ka na sa inyo! t-teka? sino naman yang mga kasama mo ah?" tanong ni Mang Gary na nakatingin kay Tikoy

"ah. kaibigan ko po! hihingi po sana kami ng tulong eh!" sabi ni Tikoy at napakamot pa sa ulo niya

"tulong saan?" tanong ni Mang Gary at kinuwento namin ang buong pangyayari

"sige matutulungan ko kayo.. sino ba yung nakidnap?" tanong naman ni Mang Gary

"si Clara Del Valle po.." agad na sinabi ko 

"Clara Del Valle.." inulit ulit ni Mang Gary ang sinabi ko at bigla siyang nalungkot, agad naman napahawak sa balikat si Tikoy at napatango na din si Mang Gary at sumakay na kami sa kotse tapos dumirecho na sa sinasabi nilang lugar

"pano po yun wala naman po kaming isang milyon?" tanong ko ulit sa kanila

"wag kang mag-alala." sabi ni Mang Gary na napakindat pa 

She Stole My HeartWhere stories live. Discover now