Kabanata 10: Isang buwan na Paghihirap

138 9 4
                                    

Halos isang buwan na din ang nakalipas nung nandito kaming dalawa ni Clara. Wala din namang ginagawa si Mang Gary dahil nung naandito siya umaalis alis din siya kaya hindi na din naging malaking problema si Mang Gary sa amin. 

"Oi, isang buwan na nakalipas ha!" sabi ni Clara na tuwang tuwa. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. Hahaha finally masaya si Clara. Masaya ako dahil doon. "Panalo ako, o panu ba yan? You're gonna be my slave ha!" sabi ni Clara at napatingin ako sa kanya. Mukhang wala naman kaming napagusapan 

"Anong.. Wala naman tayong napagusapan tungkol dyan ha! Anong slave?" tanong ko kay Clara at tinignan lang ako ni Clara at ngumiti ng napakacute. First kong makita ang ganung ngiti sa kanya. Ang ganda niya pala! -_- este mukha pala siyang tao.. 

"Wag ka na makulit dyan ha! Tutal natapos ko yung isang buwan na paghihirap kaya eto I can do whatever I want. tutal ikaw ang nagmayabang dyan na di ko kaya! Akala mo ha." sabi ni Clara na proud na proud sa sarili niya. Oo nga naman miski ako proud dahil nagtagal siya. Sa isang maliit na barong barong at walang kuryente nakaya niya. Masaya na din ako para sa kanya. 

"Andito na tayo.." sabi ni Mang Gary. Hindi na kami masyadong ginulo ni Mang Gary nag usap na din kasi kaming dalawa tungkol doon. Sumanggayon naman siya na walang kasalan si Clara at hindi ako papayag na anuhin niya si Clara. Ako ata ang batman ni Clara!

"Mang Gary maraming salamat po at pinatuloy niyo po kami sa bahay niyo! Thank you po marami po akong natutunan." sabi ni Clara at niyakap niya si Mang Gary. Umalis na kami at naglakad. 

"Ang bait ni Mang Gary saakin. Ngayon ko lang naramdaman na para akong may tatay!" sabi ni Clara saakin. "I wonder if namimiss ba ako ng magulang ko. So here we are in this lonely mansion. Malaki nga pero walang kaligayahan!" sabi ni Clara na napatingin ba sa bahay nila

"Don't worry Clara, I promise na nandito lang ako para sayo! If you ever need me. I'll be your clown when you're feeling blue. I can be your friend!" sabi ko kay Clara at nginitian ako. Hindi ko alam kung anung nangyari saakin at nasabi ko ung mga katagang yun kay Clara. Anu pa nga ba? =_= mukhang nagiging mabait lang talaga ako sa kanya

[Clara's POV]

Pumasok ako sa bahay namin. Ni isang salita wala akong narinig sa magulang ko.They don't really care about me! Hays. Dumirecho na ko sa room ko! Namiss ko din tong kwarto ko. Agad akong nag ayos ng sarili ko. At dumirecho na sa paghiga sa kama ko. 

*toot*

"From Yabang? Hmm. Anu na naman kayang sasabihin nito?" sabi ko at tinignan ko ung message "Nasa house na ako. Ikaw kamusta ka? Namiss ka nila noh?" binasa ko ung text niya

Agad ko namang nireplyan si Patrick.. 

"Hindi, okey lang. Parang walang nangyari! Tanggap ko na din naman" sabi ko at sinend ko na agad kay Patrick. Haays. Wala ngang nangyari.. Baka kahit isang taon na wala ako dito sa bahay di ako mamimiss ng mga magulang ko. Kakahiya naman!

*toot*

"Wag ka na malungkot.. Be happy Clara! :* Goodnight sleep tight. Kita kits tomorrow sa school. Tapos na bakasyon!" nabasa ko sa text. Hmm ang ewan ha! Bakit may kiss emoticon? Don't tell me gusto niya na ako ha. Nakakahiya naman sa kanya. Tss! Bigla na din akong napatingin sa kisame at napangiti ako. Hmmm. Sarap din pala sa feeling pag may nagsasabi sayo ng ganito. 

-- 

"Good Morning prinsesa!" bati saakin ni Patrick. Anung problema nito? Hmmm. Parang ewan lang siya ha. Agad naman kaming naglakad patunggo sa school. Di na ako nagpahatid sa school, kaya ko naman maglakad ee. Actually tinatamad ako. Simula kasi nung nangyari ung adventure namin. Pinasabay na ni mommy si Mara sa kotse at ayaw ko namang makasalimuha yun. I don't need her at shempre may galit pa din ako sa magulang ko. "Bakit naglalakad ka ata prinsesa?" tanong sa akin ni Patrick sabay agaw ng gamit ko. 

"Anung gagawin mo sa gamit ko? And excuse me Patrick.. Its not that I'm poor na sadyang I don't really want to make sabay sabay doon sa kotse namin. Ayaw kong mabadtrip okey?" sabi ko sa kanya at inirapan ko lang siya. 

"Prinsesa naman, ang aga aga oh nababadtrip ka! chaka ako na magbubuhat nito prinsesa" sabi ni Patrick. Hey what's wrong with him ba? Para siyang ewan.. Tss. Kabadtrip ha! -_- Puro prinsesa ang sinasabi.

"Anu bang meron sayo ha? Don't call me prinsesa! Anu ba nangyari sayo ha?" tanong ko at inunahan ko na siya sa paglalakad. Agad naman akong sinundan ni Patrick

"Hoy Patrick.. Wag kang ewan dyan ha! Anu bang trip mo at parang ewan ka dyan." sabi ko naman kay Patrick

"e diba, gusto mo maging sweet tayo para mapunta sa atin ung mahal natin. Eto ginagawa ko na? Anu okey ba acting ko?" sabi ni Patrick at kinindatan pa ako. 

"Ok. Tara na nga!" sabi ko at naglakad na kami. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Stole My HeartWhere stories live. Discover now