She Stole My Heart

2.6K 29 6
                                    

She Stole My Heart. 

by: Qwerties07

~~~

Nakatingin ako sa salamin, pinagmamasdan ang itchura ko.. 

perfect.. 

I'm so lucky and i'm very pretty.. perfect lips, perfect eyes, perfect curls and perfect nose. Lahat ata sakin ay perfect.. pati buhay ko perfect, being one of the richest family here in the Philippines.. marami ang naiingit sakin dahil almost perfect na nga ang buhay ko pero nagkakamali sila.. 

Mara David, ang babaeng kinaiingitan ko. Since nakilala ko siya wala na kong ginawa kundi ikumpara ang sarili ko sa kanya.. Mabait siya at maganda halata ang pagiging Filipina niya, matalino din at siya lang ang tanging tao dito sa mundo na nakatalo sakin.. Siya ata ang pinadala dito sa lupa para pabagsakin ako.. and even Christian Toralba, my bestfriend na mahal na mahal ko ay inagaw niya sakin.. ako ang kontrabida sa love story nila

"Clara, andito na ang kaibigan mong si Cassie at Britney.." sigaw ng mahaderang yaya namin, ngumiti ako at inayos ang sarili ko at tumungo na ko sa sala. 

"Clara, katagal mo naman!" sabi naman ni Britney na nakataas ang isang kilay

"bakit sinabi ko bang bilisan niyo huh?" sabi ko naman sa kanila at tinaasan ko sila ng kilay, kahit na ganito ako kamaldita ay maswerte ako dahil may bestfriend ako na laging nandito sa tabi ko at yun sina Cassie at Britney. 

"tama na nga yan, tara na at magmalling na tayo.. excited na talaga ako promise!" sabi naman ni Cassey at tumayo na sa pagkakaupo at tumungo na kaming tatlo sa mall. Kung saan saan na kaming nakakapunta at hanggang ngayon wala pa din kaming mabili.. ang checheap kasi ng mga nakikita namin eh, nakakadiri! not my taste.. 

napaupo na lang si Britney sa bench "ang dami na nating pinuntahan, ang sakit na ng legs ko.. ang taas taas pa kasi ng shoes na dinala ko! look oh 5 inches kaya ito, napakamahadera niyo lang eh!" sabi ni Britney at nagtawanan kaming tatlo bigla akong napatingin sa isang shop. "oh, bakit?" 

"para kasing may nakita ako dun eh.. anu sama kau?" tanong ko naman sa kanila at tumanggi sila kaya umupo na lang silang dalawa sa bench at ako naman dumirecho ako sa shop na nakita ko para kasing may nakita akong pamilyar. Naglibot libot muna ako sa shop at kung anu anung kabaduyan ang nakita ko. 

"good morning, anung maipaglilingkod ko sau?" tanong naman ng isang lalaki na nakaleather jacket, feeling niya naman. ang init init kaya dito sa Pinas.. pero mukang gwapo naman siya at parang si Robin Padilla kung maglakad. 

"ah. wala naman? may tinitignan lang ako.." sabi ko naman at inirapan ko siya at nagpatuloy na ko sa paglalakad at gumayak na ko paalis. Nilapitan ko sina Britney and Cassie na parang may hinahanap pareho

"Clara, nakita namin si Christian and that Mara girl.." maarteng sabi ni Cassie, biglang nagsalubong ang mga kilay ko. 

"asan sila?" galit na tanong ko sa kanilang dalawa at tinuro lang nila kung saan pumunta ang dalawa

ice cream shop...

Pambata talaga.. naglakad na ko at sumunod naman sakin yung dalawa pagdating namin doon nakita ko si Christian at si Mara na nagsusubuan ng ice cream kaya lumapit ako sa kanila.. aagawan ko lang ng eksena tong Mara na toh, di niya alam kung anung gulo ang pinasok niya. napakalandi talaga kung makadikit kay Christian akala mo naman.. magshota!

"Christian, andito ka pala buti nakita ka ng mga friends ko.." sabi ko in a very sweet voice "bakit kasama mo yang babaeng yan?" tanong ko naman at tinignan ko ng masama si Mara

She Stole My HeartWhere stories live. Discover now