Kabanata 3: Ang Buhay ni Clara

671 19 1
                                    

Kabanata 3: Ang Buhay ni Clara

Sumakay na kami ni Patrick sa kotse niya, agad siyang nagpunas ng muka niya na pawis na pawis halatang kinakabahan sa mangyayari mamaya. Miski ako wala akong kaalam alam sa mga mangyayari, siguro bahala na ang mga pamilya namin.

"Alam mo kanina ka pa dyan? para ka namang ewan eh.." sabi ko kay Patrick at tinaasan ko siya ng kilay napatingin naman si Patrick sakin

"panung di ako kakabahan? anu ba kasi plano ng mga magulang natin.. mukang ipinatawag pa ang angkan namin at ang angkan ng Del Valle.. anu ba yung paguusapan?" napakamot si Patrick sa ulo niya, para namang may alam ko.. geez!

"alam mo wala din naman akong alam eh.. hmmm, mabuti pa gawin natin ang gusto nila! mas maganda na din siguro yun, bahala na kung anung mangyari!" sabi ko sa kanya bigla akong napaisip "alam ko na, gawin natin yung gusto nila.. tutal yun naman ang gusto nila diba? ang makita na close tau sa isa't isa.." sabi ko naman 

napakamot sa ulo si Patrick "ANUNG? akala ko ba gusto mo mabawi si Christian ah?" sabi naman ni Patrick at napatingin ako sa kanya

tinaasan ko siya ng isang kilay "yeah. pero itong plano na toh sigurado ako di na tau guguluhin ng mga magulang natin at sigurado din akong magagawa natin ang mga plano ko! mababawi natin si Mara at si Christian.. tignan nio magiging okey ang lahat!" sabi ko naman at napangiti ako na parang kontra bida "wait.." sabi ko at napahawak ako sa braso niya "leggo sa mall, i need to change my clothes hindi naman pwedeng makita ko ang mga angkan nio at ang angkan namin na nakauniform.." sabi ko naman 

"Fine.. manong sa mall tau!" utos agad ni Patrick kay manong

Dali kaming dumirecho sa mall at hinatak ko siya sa isang boutique yung pinakamahal at syempre loyal customer na ko dito kaya pagdating ko binati agad kami at dali daling kumuha yung mga saleslady ng pinakamagandang damit nila.. 

"ganito ka ba kasikat? kilalang kilala ka na dito eh.." natatawang sabi ni Patrick 

"of course, loyal customer na ko dito noh! at chaka sikat ang pamilya namin.. Del Valle, ang isa sa mga pinakamayaman not just in the Philippines but internationally.." sabi ko naman at napanganga na lang si Patrick bigla kaming napatingin sa likod nang narinig naming bumukas ang pinto. Biglang nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"Hello Clara, anung ginagawa mo dito? bakit mo kasama si Patrick?" tanong naman ni Mara na napatingin kay Patrick, kasama niya si Christian at magkahawak pa ang dalawa. 

"ah, LOYAL CUSTOMER na kasi ako dito eh.. ikaw anung ginagawa mo dito? mahal ang mga damit dito ah.." sabi ko naman at napatingin ako kay Mara na hinigpitan ang pagkakahawak kay Christian

"bibilan kasi ako ng damit ni Christian eh, diba babe?" sabi ni Mara na nagpapacute pa ng boses tapos napatango si Christian at naglakad na at naghanap ng susuotin ni Mara. "sige, puntahan ko lang yung BOYFRIEND ko ah!" sabi ni Mara na inemphasize pa yung salitang boyfriend.. ang kapal talaga tsssk!

lumapit naman ako ng husto kay Mara at binulungan ko siya "Mara, anu ba kasing ginagawa mo dito? hindi bagay sau ang mga damit dito.. look oh, pangmayaman toh and i'm sure na di mo afford toh kasi isa ka lang namang katulong!" sabi ko at inirapan ko siya sakto namang napatingin ang ibang customers na narinig ata ang bulong ko kay Mara

"hello Clara? hindi porket mayaman ka ganyan ka umasta ah.. chaka si Christian ang magbabayad ng damit ko at siya din naman ang nagdala sakin dito kaya tumigil ka na!" galit na sabi ni Mara at siniko ako at naglakad na papunta kay Christian 

She Stole My HeartWhere stories live. Discover now