Kabanata 2: Perpektong Nilalang

703 17 6
                                    

Kabanata 2: Perpektong Nilalang

Nakaupo kami ni Christian sa may canteen, nagbabasa siya ng libro katulad ng nakagawian niya samantalang ako nakatulala.. iniisip ko pa din yung mga pwedeng mangyari.. ang gulo naman kasi eh, biglang dumating si Patrick na mukang may gusto pa sakin hanggang ngayon at ako naman at si Clara.. tsssk! ang gulo talaga, alam ko namang love ni Clara si Christian eh.. pero di ako papayag na maagaw ni Clara si Christian.. akin si Christian, ako ang mahal niya

"oh, mukang malalim ang iniisip ng baby ko ah?" nagulat ako at napatingin kay Christian bigla kasi siyang nagsalita at ako nginitian ko lang siya "anung problema ng baby ko?" tanong ni Christian at humawak siya sa balikat ko

"wala.. nagaalala lang naman kasi ako! Christian, mahal mo ba ko?" sabi ko naman at biglang natawa si Christian sa tanong ko, ako naman bigla akong nagpout 

"syempre naman.. mahal na mahal kita!" sabi ni Christian at nagnakaw ng halik, hinalikan niya ko sa pisngi baliw talaga siya.. full of suprises talaga

"ah." sabi ko at napatingin ako sa kanya sa mga mata niya actually "wag mo kong ipagpapalit sa iba ah.. i'm not rich, i'm not even famous.. at lalong di naman ako ganun kagandahan katulad ng ibang babae dyan.. ikaw sikat ka at gwapo kaya di malayong habulin ka ng mga babae.. eh ako? marami nga ang nagtataka kung bakit ako pa ang niligawan mo eh!" sabi ko naman sa kanya na agad hinawakan ang dalawa kong kamay

"kasi ikaw lang ang babaeng nagpapasaya sakin.. ikaw lang Mara!" sabi ni Christian at nginitian ako ng napakatamis, kinilig naman ako bigla at napayakap ako sa kanya. "tandaan mo, walang tao at walang bagay na magpapahiwalay satin.. kasi ikaw ang mahal ko.. ikaw ang gusto ko at ikaw lang ang babae para kay Christian!" sabi ni Christian at nagpogi sign pa

Ang swerte ko talaga sa lalaking toh, perpekto na nga siya.. Gwapo na, mayaman na, mabait na, matalino na at sikat pa.. at mahal na mahal pa ko. pero may gumagambala pa din sakin eh.. hindi ko alam pero sa tuwing naaalala ko si Patrick.. nasasaktan ako! :( mas mahal ko si Christian pero anung gagawin ko sa oras na malaman kong panakip butas lang si Christian..

[flashback]

"Ella, ikaw lang ang babaeng minamahal ko ng tunay.." ang mga katagang sinabi sakin ni Patrick habang naglalakad kami sa parke, natatandaan ko pa na umuulan nung araw na yun. halos badtrip na nga siya kasi dapat magdadate kami eh di naman sumabay ang panahon.. 

"bakit mo ba sinasabi yang mga yan? dati lagi mo kong inaaway para ka ngang ewan eh.." natatawa kong sabi sa kanya at siya naman natawa din sa sinabi ko. 

"Ganun ata siguro kapag gusto ko ang isang babae, inaasar ko.." natatawang sabi ni Patrick sabay upo kami sa may bench habang pinapayungan niya ko. "sayang date natin di man lang sumabay ang panahon sa kagustuhan natin.." sabi ni Patrick sabay punas ng pawis niya

"okey lang yan at least magkasama tayo diba?" sabi ko naman sa kanya at nginitian niya ko sabay hawak sa kamay ko 

"Ella, mahal na mahal kita.." sabi ni Patrick at hinalikan ako sa noo, napangiti naman ako. kinikilig pa ko nung mga panahon na yun, hahalikan niya na sana ako sa labi nang bigla niyang mabitawan ang payong kaya napaayos kami ng upo at natawa kaming dalawa. 

[end flashback] 

Ewan ko kung bakit ganun ang nararamdaman ko.. feeling ko maiiyak na naman ako! di ko kasi akalain na dahil sa kabaliwan ko at sa pangarap ko naiwan ko yung lalaking minamahal ko at ngayon kasama ko si Christian.. na unti unti kong minahal, nung una ayaw ko sa kanya dahil napakayabang.. naaalala ko ang ugali ni Patrick sa kanya pero okey na din yun.. unti unti kong nagustuhan si Christian.. 

She Stole My HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora