Kabanata 5: Kidnappers

614 16 4
                                    

Kabanata 5: 

Kidnappers!? 

Nakahilata pa din kung katawan ko sa kama, tinatamad akong gumalaw at magsalita. Kaya nga nakatingin na lang ako sa kisame at pinagmamasdan yung dalawang butiki na magkasama.. buti pa siya walang kaagaw, buti pa sila masaya.. buti pa talaga sila, samantalang ako kinalimutan na ko! Di man lang niya naramdaman kung ganu ko siya kamahal.. akala ko pa naman siya na ang taong mamahalin ko! :( 

toktoktok~!

Biglang bumukas ang pinto di ko pala nalock kanina, nakita ko si Mara na may hawak na pagkain at pinatong sa desk ko at napatingin siya sakin.. pinagmamasdan siguro kagandahan ko, ehem balat pa lang talo na yang palakang yan what more kung tangkad at ganda ang paguusapan.. edi lubog na lubog na siya?

"pinaakyat yan ng mommy mo.. kanina ka pa daw nagkukulong sa kwarto mo!" sabi ni Mara at umupo talaga sa gilid ng kama ko, ang kapaal no! 

"pwede ba wag ka dyan umupo.. dumudumi ang kama ko eh! dun ka!!" mataray na sabi ko at dali dali siyang tumayo at pumunta doon malapit sa pintuan, sabay tingin sakin 

"Clara, anu bang ginawa ko para magalit ka sakin ng sobra sobra?" sabi niya at talagang nagtaka pa siya ah.. sh*t naman oh, obvious naman siguro na inagaw niya si Christian sakin at obvious din naman na ang attensyon ng mga magulang ko nasa kanya

"di naman tau magkagalit dati.. sa katunayan friends tau!" sabi naman ni Mara at napatingin ako sa kanya, hindi ko nga akalain na ang babaeng tinuring ko na parang kadugo ko at parang kapatid na din ang turing ko sa kanya siya pala ang magwawalanghiya sakin. Siya pala ang aagaw ng mga bagay na dapat sakin

"kasi sakim ka.." seryosong sabi ko 

"SAKIM? porket ba ako ang mahal ni Christian at hindi ikaw? Porket ba mas magaling ako sayo.. porket ba hamak na mas maganda ako sayo? at porket ba mas gusto ako ng tao kesa sa ugali mo na kasing gaspang ng espalto?" pasigaw na sabi ni Mara na siyang kinainit ng dugo ko, ang kapal naman niyang sabihin na ingit ako sa kanya HELLO? wala ka pa sa kalingkingan ko Mara

"hindi mo alam ang sinasabi mo.. Mara, tigil tigilan mo ang paglipad ng mataas dahil mamaya bumagsak ka di mo pa nararating ang gusto mong puntahan!" sabi ko naman at biglang napayuko si Mara, akala mo naman kung sino lagi naman siyang taob sakin

"h-hindi ko alam sau Clara.. linisin mo kasi ang ugali mo para mahalin ka din ng ibang tao! alam mo sa ginagawa mo? pinapalayo mo lang ang mga taong nagmamahal sau!" sabi ni Mara at lumabas sabay dabog sa pinto ko 

As if naman naniniwala ako sa mga pinagsasabi niya.. masyadong paangelic di naman anghel.. mas masahol pa siya sa demonyo eh! nakakainis talaga, kala mo kung makapagsalita ang daming alam eh. nakakabadtrip kaasar! BADTRIP! Kinuha ko yung mga unan ko at pinagbabato ko sabay bato din sa mga gamit ko kaya nagkalat na at ang iba ay nabasag pa. 

tumutulo na naman ang luha ko

kringkringkring~!

"hello?" tanong ko agad pagtapos kong abutin yung telepono ko na nalaglag sa lapag buti na lang di malakas yung pagkabagsak kundi sira na toh, iphone pa naman.

"Clara, umiiyak ka na naman ba?" nabosesan ko agad siya si Patrick... walangya talaga! agad ko naman inabot yung tissue sa cabinet at pinunasan ang mga luha ko

"NO!" sabi ko naman 

"okey, mabuti kung ganun.. yayayain sana kita sa bar?" sabi naman ni Patrick at bigla akong napapalo sa noo ko, baar? akala ko pa naman good boy tong lalaking toh.

She Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon