Chapter 108

1.2K 22 0
                                    


Chapter 108

Pasukan..

Asar..pasukan na naman..ang daming ginagawa..kakatapos ko lang magpuyat para sangkatutak na project at assignment na pinagawa sa amin..tapos next week, exams na..asar..

Antok na antok ako..umupo ako sa likod..mas madaling matulog kapag nasa likod ka..haha..atsaka, maririnig ko lang ang chismisan nila, ayoko ng ganun..matutulog na lang ako..wahahahahaha..

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

"HOY!"
"AY KAMBING!!!" nagulat ako bigla na lang may sumigaw..at nang makita ko kung sino "good morning..Yueh" sarcastic kong sabi "hindi ko alam na alam clock ka na"
tawa xa ng tawa "bagong taon na bagong taon..tulog na tulog ka dyan"
"psssshh...walang pakialamanan..nagpuyat kaya ako sa kagagawa ng mga assignment..bwisit na programming..maloloka na ako.. bago ko pa napa-run ng ayos"
"di ba tinuro ko na kung paano gawin yun?"
"HALLER..nang-aasar ka ba..tinuro mo nga..ALIEN LANGUAGE NAMAN!!! Pambihira!!alam mo naman na hindi ko maintindihan yung mga hinayupak na codes dyan tapos sasabihin mo yun ang gamitin ko???gusto mong taasan ako ng kilay ng prof ko??"
"huh??ang bilis mo magsalita..hindi kita maintindihan!"
nag-roll eyes na lang ako "ewan ko sayo Yueh..sumasakit ang ulo ko sayo"
"aba? Ikaw pa ang sumakit ang ulo??ako nga ang naliyo sa kaiimik mo dyan"
sinamaan ko xa ng tingin "pasalamat ka..mahal ka ng kaibigan ko"
ngumiti xa "ako din naman"
another roll eyes "ang cheesy"

Tapos ipinatong ko ang ulo ko sa aking portable unan (courtesy of Seth) alam nyo ba na kapag makikita ko si Seth..mayayakap ko xa ng bonggang-bongga! Napakaganda ng binigay nya sa akin.. maliit lang xa na unan na pwede mong ilagay sa bag mo at pwede mong magamit kung kailan mo gusto..at take note..hindi xa space consuming..dahil para xang mga throw pillow sa bahay..pwede mong pisain para numipis at mailagay mo sa bag..wahahahaha..

"kamusta ang new year mo?" tanong sa akin ni Yueh
"Ayos lang.."
"di ba grounded ka?"
"oo..pero ayos lang..magkausap kami ni Aidan..nagwebcam kami at voice chuva(hindi ko tanda ang tawag..hehe) kaya buong madaling araw..mulaga ako.."
ngumiti xa "that's good.."
tiningnan ko xa at ningitian na parang nang-aasar "gusto mo lang ata ikuwento yung NEW YEAR nyo ni marriel..ikaw talaga Yueh"
namula xa "hindi naman!"

"weh?alam mo Yueh, kung gusto mong magkwento..makikinig ako..haha"
"ewan ko sayo"
"nagtampo na..haha"
"....."
"magkukwento na yan"
"...."
"binibiro ka lang naman..dali na..magkwento ka na para hindi ako makatulog"
"fine!" kita nyo na..haha..sabik din nyang magkwento "di ba sabi ko sayo na itatakas ko xa?"
"oo nga"
"ginawa ko yun"
"paano?"
"ganito kasi-"

Flash back!

Yueh's POV

20 minutes na lang..new year na..malayo-layo ako sa bahay nina Marriel..mahirap na..baka makita pa ako..ang usapan namin lalabas xa ng bahay kapag alam nya na hindi na xa mapapansin

speaking of which..lumabas na nga xa sa gate nila..lumilingon-lingon xa sa paligid..hinahanap siguro ako..lumabas na ako ng sasakyan at naglakad ng mabilis..limited lang ang oras namin!

Nang mapansin nya ako naglakad na rin xa papalapit sa akin

"Yueh!" palingon-lingon nyang sinabi "nagulat ako sa text mo kanina..buti na lang at inutusan ako ni Papa na bumili ng softdrinks sa tindahan..hindi ko talaga alam kung paano ako makakatakas"
ngumiti ako "I'm glad you're here"
"ako din..teka..saan ba tayo???"
hinila ko na xa sa kotse..sumakay xa sa passenger's seat at tumingin sa akin "madali lang dapat tayo"

pinaandar ko na ang makina at sinabi sa kanya "oo naman..may ipapakita lang talaga ako sayo..mas magandang view ng mga fireworks"

hindi na xa umusisa kung saan kami dahil mabilis kong pinaandar ang kotse..malapit lang naman kaso baka hindi namin maabutan ang fireworks display..

Ilang minuto pa..dumating din kami sa pupuntahan naming

"chapel?" tanong nya
"oo..dito tayo"
"pero-"
"bumaba ka na..5 minutes na lang new year na" bumaba na ako..ilang saglit pa..bumaba na rin xa..

Maliwanag ngayon ang chapel na ito..malapit lang ito sa kanila..open chapel kasi xa kaya naman hindi ko na kailangan pa problemahin ang mga pinto..hinawakan ko ang kamay nya at pumasok kami sa loob

"anong ginagawa natin dito?"
"basta..sumunod ka na lang"

Hinila ko ulit xa hanggang dumating kami sa may hagdanan pataas..

"tara"
'huh?"
"dali"

hinila ko na rin xa pataas..hindi naman kami nahirapan umakyat dahil maliwanag ang ibaba ng hagdanan..kaya abot pa rin kami ng liwanag..Nang makaakyat na kami parehas..kumapit agad xa sa akin

"ang dilim naman dito"
"hindi naman..buti nga at maliwanag ang buwan.." tapos hinila ko xa sa may bintana.. xempre iniwasan namin yung kampana..hehe

"wow.." tumingin sa akin si Marriel "paano mo nalaman na kitang-kita pala dito ang buong lugar namin?"
"napansin ko yun ng mapadaan ako dito dati..mas mataas kasi ang lugar ng chapel na ito sa ibang lugar dito sa inyo..kaya alam ko na kapag nandito tayo sa taas..mas maganda pa lalo ang view"
"ako ang taga-dito pero hindi ko alam ito..ang ganda"
"mas maganda pa yan kapag" tiningnan ko ang relo ko..

5..
4..
3..
2..
1..

BOOGSH!!!!
"HAPPY NEW YEAR!!!!!!!"

mas kitang-kita namin ang mga nag-gagandahang fireworks sa itaas..kitang-kita din naming ang mga iba't ibang fireworks sa ibaba..

"Happy new year, Yueh"
"happy new year, marriel"

"thanks Yueh..sobrang ganda ang nakita ko"
"wag kang magpasalamat sa akin..gusto ko din naman na makita ang mga fireworks sa lugar na ito..at mas gusto ko na kasama kita.."
"yueh-"
"at least ngayon..hindi na ako nag-iisa makita ang mga fireworks at hindi na ako nag-iisang icelebrate ang new year"

hinawakan nya ang kamay ko "salamat..at ako ang ginusto mong makasama"
pinisil ko ang kamay nya "mas nagpapasalamat ako.."

tapos tumingin ulit kami sa view..na unti-unting nawawalan ng fireworks..pero kitang kita pa rin ang mga bituin..

Ilang saglit pa nakita kong inilabas ni marriel ang cellphone nya "kailangan ko na umuwi"
"tara..sasamahan na kita sa pagbili ng softdrinks.."
"sige"

at bumaba na kami

Flashback ends!

"Hindi naman daw xa pinagalitan..sinabi na lang daw nya na walang tindahan na malapit kaya nagpakalayo pa xa sa pagbili ng softdrinks"

"alam mo" panimula ko
"ano?"
pinisil ko ang pisngi nya "IKAW LANG ANG MAKAKAISIP NG GANUNG KACUTE NA BAGAY!!WAAAHHHH!!INFAIRNESS ANG CUTE TALAGA NG CHAPEL EFFECT!!HAHAHAHAHA..MAGIGING PROUD SAYO SI AIDAN!!!"
"ARAY!!"
inalis ko ang pagkakapisil ko at tumawa "wahahahaha..siguro nakuha mo yung chuva mo sa libro na ibinigay sayo ni Aidan ano?aminin!"
mas namula xa "paano mo nalaman??"
at mas tumawa ako..wahahahahahahaa..tunay nga!!!hahahahahahahahahahaha

"mamamatay ka na sa pagtawa dyan ahh"
napalingon kami sa nagsalita

O_O


"SHILLOOOOOOHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!"
tatakbo akong niyakap xa tawa naman xa ng tawa sa ginawa ko "nakakabingi ka pa rin Sha..parehas tayong galing sa sakit pero parang walang nangyari sayo sa energy mo!"
"hehehehe..kamusta na ang okra ko??"
"mabuti na naman..eggplant"

hinila ko xa sa upuan na katabi ko "ito din pala ang klase mo?"
"oo..haha.." tapos napatingin xa sa katabi ko "nakakahiya naman at ginambala ko kayo"
tapos naala ko..oo nga pala may kausap nga pala ako "naku..sorry..siguro naman tanda nyo pa ang isa't isa"
"Shiloh..pare" inilahad nya ang kamay nya
"Yueh" at nagkamay sila pero mabilis lang..

"So ikaw pala yung pinsan ni Aidan?"
"oo ako nga"
"at ikaw din yung dating may gusto sa bestfriend ko"
"SHI!!!" sinamaan ko ng tingin si Shiloh..
pero dinedma lang ako ng bakla "ikaw nga ba?"
lumingon ako kay Yueh na tinitingnan xa na parang nagsasabing 'akala-mo-ba-uurungan-kita?' "oo..ako nga"
medyo napaatras ako para tingnan sila parehas pero si Shiloh ang kinausap ko "ano ka ba..past na yun!"
tiningnan lang ako ni Shiloh..ayoko kapag ganun ang tingin nya..nagmumukha xang...uhmmm..mas lalaki?oo..para ngang lalaking-lalaki na xa

"xa pala ang nagpahirap sayo dati..habang wala ako"
"SHILOH!!!" alam kong pinagtitinginan na rin kami ng iba..nakita ko si Marriel na nag-aalala ang tingin..ganun din sina jhas..actually..lalo na si jhas..siguro alam nya kapag ganun ang aura ni Shiloh..seryoso na ito..

"hindi ko ginusto na mangyari yun!" medyo tumataas na ang octave ng boses ni yueh..pag ganun na xa..nanginginig na ang nakakarinig..hindi xa 'dragon ng CoE' kung hindi di ba?
"talaga lang ha??hindi mo ba alam na nahirapan ang bestfriend ko dahil sayo??"
"alam ko!kaya nga sumuko na ako..dahil ayaw kong masaktan xa!!!" napatayo na si Yueh..nakupo!!..
tumayo na rin si Shiloh "sana inisip mo yun bago mo xa pinahirapan ng ganun!!"

"ano bang pinahihiwatig mo ha??akala mo kung makapagsalita ka..alam mo ang lahat??BAKIT NASAAN KA BA NUNG NAGHIHIRAP XA???WALA DI BA???WALA!!KAYA WAG KANG MAGSALITA NA PARA BANG KASALANAN KO ANG LAHAT!!!TAPOS NA ANG LAHAT!!DADATING-DATING KA NA PARA BANG KUNG SINO KANG MAGALING..MANGGUGULO AT IBABALIK ANG NAKARAAN..PERO WALA KA NAMAN TALAGANG ALAM SA MGA NANGYARI!!!!!!!!!!!"

napatahimik si Shiloh.. nilapitan na xa ni marriel para pakalmahin.. ako naman..wala akong magawa..tumingin lang ako kay marriel..tumango xa sa akin at hinila na nya palabas si Yueh..ako naman tiningnan ko lang si Shiloh

"ANO BANG PROBLEMA MO???????"
nakatungo lang xa "I'm sorry.."
umupo na ako at iniwasan xang tingnan..

"Good morning class!!!!!!oh..Mr. Verrano is here already..kilala nyo naman siguro xa di ba?okay..now..we will discuss..Aesthetics" panimula ni Sir..


Natapos ang buong period na..

Tahimik si Shiloh
Hindi ko xa nililingon

At


Wala sina Yueh at marriel..

Ang ganda ng simula ng taon ko!!

ASAR!!

$

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon