Chapter 108

1.2K 20 0
                                    


Chapter 107

December 31.. 11:40 pm

Alam nyo ba kung nasaan ako ngayon?nasa kwarto kasi GROUNDED NA NAMAN AKO!!!

Mag-isa ako ngayon dito sa bahay..as usual..nasa kapitbahay sila..pinalafang na nila ako kaya nilayasan na nila ako..hay naku..parang last year ganito din ako..

Ang iba lang ngayon..alam kong walang Aidan na tatakas na naman para makita ako..haaaaayyy

Binati na ako ni Yueh ng Happy New year..at alam nyo ba ang sabi nya..itatakas daw nya si marriel sa kanila para masolo nya at makapagcelebrate sila ng new year together..magpinsan talaga sila!!

Si Shiloh naman..ayun..nilagnat..nahawa sa sakit ko..sabi na kasi na wag masyadong didikit sa akin..kahit hindi ko alam na nakakahawa ang lagnat..wahahahaha..at dahil nga nabalitaan ng aking parents ang pagkakasakit ni Shiloh..lalo nila ako pinarusahan!!tanda ko pa nga ang pagkakasabi ng aking ina

"HOY BABAE KA!!ALAM MO NAMAN NA LAGI KANG NAGKAKASAKIT..MAY PAGTAKAS KA PANG NALALAMAN..NARINIG KONG NAGKAGULO KINA SHILOH DAHIL SAYO..TAPOS NAGKASAKIT PA ANG BESTFRIEND MO..KITA MO NA ANG PINAGAGAGAWA MO??????HALA! HANGGANG PASUKAN..GROUNDED KA!!!SA KWARTO KA LANG BUONG ARAW..DADALHAN KA NA LANG NANG PAGKAIN..LIMITED LANG ANG ORAS NG INTERNET..WALANG TV!!!!!!"

Kung sino man ang nagsabi ng 'Mothers know best' ..hindi nila alam na 'Mothers make worst' ..tinotorture talaga ako..grabe..buong gabi ako narindi noon ng niratrat ako ng bonggang-bongga!! At walang ginawa ang mga tatay at kuya kundi kantyawan ang inay..what a loving family!!!psssshhhhh!!!

Buti na lang at dahil new year ngayon..hinayaan lang nila ako na mag-net to the max!!!!

Una..nagfacebook ako..open din ang YM ko..wala akong makachat..puro busy ang mga tao..hay naku...pabayaan mo na nga lang magbabasa na lang ako ng manga sa net!!

Nakakailang page pa lang ako sa manga ng may nag-Buzz sa akin..

Si Aidan..

Napangiti ako..ang galing nya tumiming!!

Aidan_Iexsha28: BUZZ!!!
Iexsha_Aidan28: hoy!
Aidan_Iexsha28: mhine..webcam tayo
Iexsha_Aidan28: himala at gusto mo yun..
Aidan_Iexsha28: gusto ko lang naman na kapag nakita muli natin ang isa't isa..special ang occasion..atsaka para buong taon na rin tayo masaya..at magkasama
Iexsha_Aidan28: kahit na Internet lang talaga ang magcoconnect sa atin?
Aidan_Iexsha28: mali..Internet lang ang medium..pero puso pa rin talaga ang nagcoconnect sa atin
Iexsha_Aidan28: magnenewyear na..corny ka pa rin!
Aidan_Iexsha28: ilang minuto na lang dyan..new year na..
Iexsha_Aidan28: oo na..

Mga 5 minutes na lang before new year nang makita namin ang isa't isa..

Parehas kami nakaheadset na may mic..

"Aidan" first time nga kasi namin na mag-usap na nakikita namin ang isa't isa
"Iexsha" ngumiti xa "tumataba ka ata!"
nagpout ako "che!"
"namiss ko yan..kung nandyan ako..napisil ko na yang pisngi mo para matigil yang kakanguso mo"
inalis ko yung pagpapout ko at tiningnan xang mabuti..

gwapo pa rin xa..nakasuot xa ng sweater..nakikita ko na 4 minutes before 4 pm ang oras na doon..

"Bakit natulala ka dyan?"
umiling ako "wala..namimiss na talaga kita"
"ako din naman..mahal na mahal kita"
"I know.."
"pwede ka bang lumabas..I mean..pumunta ka sa balkonahe sa may bintana mo"
"bakit?"
"pwede bang kapag nagfafireworks na itapat mo ang webcam ng laptop mo(which is..you know na nasa taas lang ng screen) sa fireworks display?"
"oo naman.."
"tapos may ipapakita din ako sayo maya-maya"
"talaga??"
"oo naman"

pumunta ako sa may balkonahe..naririnig ko na na nagcocountdown na..

10..
9..

"heto na"

8..
7..
6..

iniikot ko na ang laptop ko..at tumingin na rin sa langit

5..
4..
3..
2..
1..

"HAPPY NEW YEAR!!"

kasabay ng sigawan sa baba ang pagputok ng sari-saring fireworks sa langit..

narinig kong nagsalita si Aidan "wow.."
"mas maganda xa ngayon..kaysa noon"
"oo nga"

Nanuod lang kami ng nanuod hanggang maubos na ang mga fireworks

Ibinaling ko ulit ang laptop sa akin at pumasok na ako sa loob..umupo ako sa kama habang nasa desk na hinila ko sa tapat ko ang laptop ko..

"Happy New Year sayo iexsha"
"Advance Happy New Year dyan..Aidan"
"Sana..maging maganda ang buong taon na ito sa atin"
"oo nga.."

nakita ko xang tumingin sa bintana nya tapos ngumiti xa "konti na lang"
"huh?"
"ahh..wala.." bumaling ulit xa ng tingin sa akin "naalala mo ba ng pumunta ako dyan dati ng New year?"
"alin..yung lasing ka?"
sumimangot xa "hindi naman ako lasing noon"
"o di hindi..teka..anong gusto mong maalala ko doon?"
"tanda ko yung sinabi mo noon"
"madami yun"


ngumiti xa tapos tiningnan nya ako ng mabuti at nagsalita "sabi mo..You're my Angel and you will guide me"
"oo nga..naalala ko yun..at may sinabi ka din sa akin na hindi ko makakalimutan"
"alin?"
ngumiti din ako "mawala na silang lahat sayo..wag lang ako"

"hanggang ngayon..naman ganun pa rin..mawala na silang lahat..wag ka lang"
"hindi naman kita iiwan..alam mo yun"
"alam ko..at nagpapasalamat ako dahil doon.."

magsasalita pa sana ako kaso bigla xang tumayo at nagsisigaw ng yes

"YES!YES!!YES!!SAKTO!!ANG GALING TALAGA!!AKALA KO HINDI NA MANGYAYARI!!"
"hoy..Aidan..anong nangyayari na dyan?????"

ngumiti xa naramdaman kong kinuha nya ang laptop nya at naglakad na rin xa..

"di ba sabi ko sayo may ipapakita ako sayo?"
"oo..pero-"
"di ba sabi ko sayo..kahit papaano gagawa ako ng paraan para makita mo ang Eiffel tower?"
"oo..ano bang-"

"pwes!!Ipapakita ko sayo ang pinakamagandang view ng Eiffel Tower"
"huh??ano bang-"

hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil isang napakagandang view ang nakita ko..

"OHMYGOSHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Isang napakagandang view na pang postcard lang ang nakita ko..

Ang Eiffel tower..sobrang ganda,,kumikinang xa..kumikinang sa rays ng sunset..at hindi lang yun..

O_O


"wag mong sabihing-"
"uhuh!!!"

mas naging maganda ang Eiffel tower dahil sa mga magagandang pumapatak mula sa langit


Snow..

Tunay na puting snow..na tunay na pumapatak mula sa langit..

Ang ganda..sobra!!!!

"Mhine.."
"hmmm?"
"pwede-pwede bang kumuha ka ng isang snow..kaya mo ba?"
"wait lang mhine huh?"

Ilang saglit pa..naramdaman kong nilapag nya yung laptop sa isang lamesa..kita ko pa rin ang view..tapos biglang may pumatak na snow sa kamay nya na nakikita ko..

Mabilis lang ito natunaw

"Sorry mhine..gustuhin ko man ipakita xa ng ayos kaso natutunaw.."
"ayos lang mhine..pumasok ka na sa loob baka magkasakit ka pa.."
"sige"

Ilang saglit pa umayos na ulit ang view ko..nandun na naman ang paningin ko sa room ni Aidan

"Mhine..bakit umiiyak ka?"
"huh?" napahawak ako sa may pisngi ko "oo nga noh" pinahid ko yun at ngumiti
"mhine..hindi ko yun pinakita para umiyak ka"
"oo nga..pero tears of joy yun.."
"talaga?"
tumango ako "oo..tears of joy yun..masaya ako kasi ikaw ang nagpakita ng first snow ko.."
"I'm happy na napapasaya kita..hindi ko na kasi alam ang gagawin ko..gustong-gusto na kita makasama.."

tiningnan ko xang mabuti "Aidan..pinipilit kong kayanin" yun lang ang nasabi ko
"ako din..Iexsha..pinipilit ko na kayanin..sa gitna ng lahat ng snow dito..pinipilit kong buhayin ang sarili ko sa pag-asang..magkakasama ulit tayo..2 months pa lang..hindi ko na alam kung anong mangyayari pa"

itinaas ko ang tuhod ko at ipinatong ang ulo ko..umiiyak na naman ako habang nakatingin sa kanya..alam kong umiiyak na rin xa.. "nagpapakatatag ako Aidan..pero..pero..hindi sapat ang mga roses para punuan ito" tinuro ko ang puso ko "ang daming spaces.."

"please..Keep Holding on..kayanin mo..kasi ako..kinakaya ko.."
"kaya ko naman Aidan..pero natatakot ako..ngayon kaya ko pa..pero kapag may mangyari pang iba..hindi ko alam Aidan..natatakot na akong mas masaktan"
"gusto kita hawakan ngayon..gusto kita yakapin..gusto kong ako ang magpanatag sayo..pero..nandito ako..malayo..ang tanging magagawa ko na lang ay.."


nakita kong inilalapit nya sa screen nya ang kamay nya..at nakita kong lumapat na ito

"..ang tanging magagawa ko na lang ay ipakita na mahahawakan ko ang kamay mo..magkakalapit ito..magkakasama tayo..kahit anong mangyari..kasi ito"inilagay nya ang isa nyang kamay sa puso "gagawin ang lahat para humawak.."

Unti-Unti inilapit ko na rin ang kamay ko..at itinapat sa kamay nya..kung titingnan mo..mukhang magkalapat ang mga kamay namin..pero hindi pa rin..mas lalo akong umiyak..mas naramdaman ko ang sakit..kung titingnan mo..kapirasong screen lang ang naghihiwalay sa amin..at kapirasong screen lang ang nag-uugnay sa amin..pero sa totoo lang milya-milya ang layo namin sa isa't isa..at mas masakit yun sa akin..dahil bawat araw..doon ko lang mas lalong nararamdaman na malayo xa..

Pero..kailangan kong humawak..kailangan kong manindigan..corny na kung corny..daig man namin ang bawat teleserye na alam ko..pero ito ang tunay na buhay..at buhay ko ito..puso ko ito..

At ang sinasabi ng puso ko..

"oo..ako din..hahawak..kahit gaano kasakit..kahit pagod na ako..hindi ako bibitaw..basta ba...hindi ka din bibitaw"
"oo.." tapos nakita ko xang tumitingin sa mga kamay namin "kahit ito lang ang paraan para mahawakan ka..at ito lang ang paraan para makasama ka..gagawin ko..mahal na mahal kita Iexsha.."

"ako din Aidan..nakakaasar,,akala ko sa teleserye lang ang ganito"
ngumiti xa "reality ito..,as makulay..at mas mahirap..pero mas totoo"

"tama na nga ito..nakakasar..bagong taon na bagong taon..naiyak tayo"
"oo nga..Iexsha?"
"hmmm?"

"kahit anong mangyari..kahit magbago ang takbo ng buhay natin..kahit na isang taon ito na mas mahihirapan tayo..isa lang ang gusto kong marinig sayo...


Just keep holding on..yun lang..lumaban ka na kasama ako"

"oo..lalaban na ako kasama mo.."

inilapit ko ang ulo ko at katulad ng kamay ko itinuon ko ang noo ko sa screen..alam kong ganun din ang ginawa nya

"I Love you"
"I love you"



Kahit na mahirap..kahit imposible..

Ang pangakong yun..kasama ng napakadaming pangako..


Ang panghahawakan ko para huwag bumitaw..

Hindi ako bibitaw..

Hinding-hindi

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Where stories live. Discover now