Chapter 87

1.5K 34 1
                                    


Chapter 87

Mukha lang nya ang nakikita ko..


Aidan..

Si aidan ang nagpadala ng video!!

Napapikit ako..


Aidan..aidan..

"Iexsha.." marami akong narinig na tumawag sa pangalan ko..

pinause muna ni sir ang video..

"kaya mo ba?" tanong nya

kaya ko ba??

Tumingin ako sa board..at nakikita ko lang doon ang




Mukha ng pinakamamahal ko..

Aidan..

Halos isang buwan..simula ng hindi kita nakita..
At habang nakatingin ako sa mukha mo..

Mas lalo kong nararamdaman ang sakit at ang pangungulila

"Iexsha" si Yueh yun

tumingin ako kay sir

"sige sir..karapatan po ng klase na makita po yan..yang video na galing kay Aidan"

alam kong nagulat si sir sa sinabi ko kaya naman medyo nag-aalinlangan xang ituloy ang video..

"Kamusta kayo??alam kong nagulat kayo ngayon at bigla na lang ako nagpadala ng video..gusto ko lang kasing sabihin na..sobra-sobrang laki ng pasasalamat ko sa bawat isa sa inyo..nang malaman kong si Sir Mars ulit ang prof nyo, pinadala ko na sa kanya ang video na ito..

alam kong hindi kayo ang home section ko..pero kayo ang kasama ko at sumuporta sa akin sa mga mahahalagang nangyari sa college life ko dyan sa pilipinas..

Kayo ang pinamakulit na klaseng nakilala ko!!pinakamadaldal..pinakamagulo..pero kayo din ang pinaka-united na klase..

Salamat..salamat sa lahat..salamat kasi nandyan kayo sa tabi ko..salamat kasi alam kong hanggang ngayon hindi kayo magbabago..at salamat kasi..alam kong hindi nyo iniwan ang babaeng pinakamamahal ko.."

"SIR..SI IEXSHA!!!!!!!!!"

pinause ulit ni sir ang video at lumapit na sa akin

"Iexsha!" tawag ng mga kaklase ko
"Iexsha??ayos ka lang ba talaga????"
"so-sorry sir..itu-tuloy nyo na lang po..pa-paxenxa na po kayo.." utal-utal kong sabi

nanginginig ako na pinaupo ni sir at ni yueh..lumapit na rin sa akin ang mga kabarkada ko..

nang makahinga na ako..nagsalita na ako ng ayos

"paxenxa na po kayong lahat kung nagiging oa ako..paxenxa na po..almost a month na rin ng huli ko xang makita..huli kong marinig ang boses nya..simula noon wala na akong narinig mula sa kanya..walng explanation..wala..kaya ng makita ko po xa..hindi ko po mapigilang maging emotional..sorry po" nakayuko kong sabi

"ayos lang yun sa amin..di ba class?class??"

napatingin ako sa mga kaklase ko..

sniff!sniff!

lahat ng babae..may panyo..ang mga lalaki naman ay nanahimik na lang

"kita mo naman..lahat dito umiiyak na rin.."
"sir naman" sabay sabay nilang sabi

napatawa na ako..

"sir..tuloy nyo na" mahinahon kong sabi

kaya naman umalis na ulit xa sa tabi ko at pumunta na ulit sa may unahan..

"Iexsha..alam kong nahihirapan ka..alam kong nasasaktan ka..pero dahil kilala kita..alam kong ngumingiti ka dyan at pinapakita na ayos ka lang..yan ang iexshang kilala ko..nasasaktan na..nakangiti pa rin.. tanda mo ba na yan nag una nating pinag-awayan?" tapos tumawa xa..ang sarap pakingan ng tawa nyang yun..ayan na naman..mas sumasakit ang puso ko..

"Sa inyong lahat..ang rason ng video na ito ay hindi lamang para magpasalamat o magmahili ng view sa likod ko" napatawa ng konti ang lahat doon..aidan talaga! "kundi humiling ng isang bagay..


sana..sana alagaan nyo muna ang mhine ko hangga't wala ako"

lahat ay sumagot ng oo..doon ko lang napagtanto na hindi talaga ako nag-iisa..

"alam kong um-oo kayo..kaya salamat..Iexsha..mhine..tandaan mo..hindi ka nag-iisa..maraming nasa paligid mo para suportahan ka..at kahit na malayo ako..


distance will never be a barrier for our love"

nag-yyyyyiiiiiiiieeeeehhh ang klase..

"at para naman sa pinsan kong si Yueh" tumingin ang lahat kay yueh "ingatan mo yang mhine ko ha??pag hindi mo yan iningatan at hinayaan mo lang ligawan ng iba..-" tapos ngumiti xang parang aso..



"sige ka..


baka hindi kita maging..



BESTMAN SA KASAL NAMIN!!!!!"

Sumabay ang lahat sa pagtawa nya..kahit ako napatawa na rin

"G*GO!" sabi ni Yueh na mas lalong ikinatawa ng lahat

"at nga pala..pwede ba..wag kang kukupad-kupad pagdating kay marriel!ligawan mo na!!"

another yyyyyyyyyyyyyiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeehhhhhhhhhh galing sa amin..haha

ayan..parehas naging kamatis ang dalawa!!!

After nyang mag-pause ng kaunti na para bang alam nya na mag-iingay pa kami..nagsalita ulit xa

"Sir..pwede nyo na pong ibigay sa kanya"

pagkatapos nyang sabihin yun..pinause ulit ni sir ang video at lumabas ng room..

pagkalabas ng room ni sir..tahimik pa rin ang lahat..ako naman..


Mas pinili kong namnamin lang ang pagmumukha nya..ewan ko..pero parang nawala ako sa sarili ko..para bang mukha na lang nya ang nakikita ko..parang wala na akong paki sa iba..siguro ganito talaga ang nararamdaman ng isang taong nawala ang mahal..na alam mo na ilang bundok,dagat,disyerto,gubat at lahat-lahat ang naghihiwalay sa inyo..isang buwan kang wala man lang balita sa kanya..isang buwan na hindi ko man lang xa makita..madama at mayakap..tapos ngayon..ayan xa..bigla na lang may pinasabog..dinamay pa si sir..sino ba naman ang hindi manghihina??pero sa puso ko..


Kulang pa rin..

Kulang na kulang pa ang makita ko xa..kulang pa naririnig ko xa..gusto ko xa yakapin..halikan..madama..gusto ko sabihin sa kanya ng harapan na kahit na anong mangyari..mahal na mahal ko xa..na hihintayin ko xa..pero kung ito na lang muna..

Sige na nga..

Kahit na mahirap sa akin na hanggang dito na lang muna..ayos na ako..masaya na ako na okay lang xa..masaya na ako na kahit na malayo kami..ako pa rin pala..

"Iexsha.." inabot sa akin ni Yueh ang panyo nya..kinuha ko yun at pinahid ang mga luha ko..pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha..hindi ko alam kung para saan ang luha ko..masaya ba ako dahil nakita ko xa o dahil mas masakit at mas mahirap na makita ko xa..na mas namimiss ko xa..
"Salamat"
"kita mo na..magaling talaga sa pagpapasikat ang aidan na yun"
"oo nga..kahit kailan talaga"
"ano kaya ang pinapaku-"

hindi na natapos ni Yueh ang sinasabi nya dahil bigla na lang ito natahimik at napangiti..

pagtingin ko sa likod ko..

napahawak na naman ako sa bibig ko..

si sir mars..


may hawak na..


isang pink rose..

kinuha ko yun at ngumiti si sir..sabay balik sa unahan at pinalay ulit ang video..

"Salamat sir..Iexsha.." ngumiti si aidan..ouch..mas lalo akong naiiyak dahil sa naririnig ko ang boses nya at ang pagtawa nya..

"Iexsha..halos isang buwan na nga ng umalis ako..at bawat araw na yun..mas nahihirapan ako..mas masakit..pero kahit ganun..gusto ko na kahit sa pagkawala ko dyan..maalala mo ako..paxenxa na at ngayon ko lang naisip na gawin ito..sobrang tanga ko kasi..alam ko gulat na gulat ka dahil sa pink rose na yan..pero simula pa lang yan..

dahil bawat araw..


hangga't hindi tayo nagkikita..hindi kita kasama..


ang mga roses na yan ang magiging paraan ko para iparamdam sayo kung gaano kita kamahal.."

inamoy ko ang rose na hawak ko ngayon..napakaganda nya...tama xa..nararamdaman ko nga na para bang nandito lang xa..na mahal nya ako..dahil sa mga bulaklak na ito..

"PERO NALALANTA ANG MGA BULAKLAK!!" narinig kong sabi ng isa kong kaklase..
"oo nga..e di parang malalanta din ang pagmamahal nila?"
"ala!"

tama sila..kahit anong ganda ng blue rose na ito..o kahit anong rose man yan..

malalanta rin ito..

"-nagtataka ka siguro kung bakit roses? Sabi nga nila nalalanta ang mga bulaklak..kahit gaano sila kaganda..mawawala rin ito..tunay man yun..pero tandaan mo..at ng lahat..



si Aidan Genesis Hazuell..ang nagbigay..ibig sabihin..hindi lang ito basta-basta!"

narinig kong nagbulungan ang lahat..kahit ako nalilito na rin sa iniimik nitong si Aidan..

"Bawat araw..Iexsha..bawat araw..bibigyan kita ng mga bulaklak..ng mga roses..wala akong paki kung magastos o ano..gusto ko lang ipaalam sa lahat at sa'yo..


na ang pagmamahal ko..ay hindi malalanta..o mawawala..

bago pa man malanta ang rose na una kong ibibigay..bibigyan na kita ng another rose..
ibig sabihin noon..araw-araw may rose ka..dadami ang mga rose mo bawat araw..

para yang pagmamahal ko sayo..

bawat araw..bago..bawat araw..nag-aaccumulate..nagrerenew..bawat araw..habang dumadami ang roses na nasa'yo..ipinahihiwatig ko..

na bawat araw..mas lalo kitang namimiss at mas lalo kitang



minamahal..

dahil yan ay parang puso ko..


ang pagmamahal ko sayo ay mananatiling buhay sa bawat roses na makukuha mo..

at sana hintayin mo ang araw na..

hindi lang roses ang makuha mo..


kundi ang pagbabalik ko kasama ang huling rose..

dahil ang rose na yun..ay nagpapahiwatig na nandyan na ako..ako na mismo ang maamoy, makikita at hahalikan mo..gaya ng bawat rose na nakuha mo..


Guys..Sir Mars..Yueh..salamat..


At sa taong may hawak sa pink rose na parang hawak na rin nya ang puso ko..


Hintayin mo ako..


Mahal na mahal kita..


Iexsha Kylie Grzybowski Hazuell..


Happy monthsary.."


Tapos ngumiti xa..

At doon na natapos ang video..

Nang matapos ang video..pakiramdam ko..parang mas lalong nadagdagan ng 10000000000 beses ang pagmamahal ko sa kanya..

Tama kayo...halos makalimutan ko na dapat 8 months na kami..siguro kasi maliban sa mabilis ang mga araw..eh..pagnaalala ko na kinabukasan ay isang buwan na xa exactly umalis..

May humahapdi..

Pero..no doubt

Si Aidan Genesis Hazuell lang talaga ang makakagawa at makakapagsalita ng ganung ka-



"ANG CHHHHHHHHHHEEEEEEEEESSSSSSYYYYYYYYYYY!!!!!!"

sigaw ng buong klase at nagsitawanan na ang lahat..kahit ako..yun din ang sasabihin ko!!may paroses-roses pang nalalaman!!cheesy talaga!!

"pero infairness..umiyak ako!" narinig kong sabi ng isa kong kaklase
"oo nga..at ang sweet!!"
"super!!!Iexsha..speech naman dyan!!!!"

napatawa tuloy ako..


RRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!

"okay guys..end na ng klase..sana natuwa kayo sa surprise ko!!!" daming sumang-ayon doon "and Iexsha..


stay strong for him..kaya nyo yan"

binigay nya sa akin yung video at umalis na..

pagkaalis ni sir.. binababa ko lang yung rose at sumigaw ako ng


"GROUP HUG!!!!!!!!!!!!!!!!"

nagsilapitan sila at yumakap sa akin..

at habang nagyayakapan kami..masaya kong naiisip..

Aidan..tama ka..hindi talaga ako nag-iisa

I will stay strong for you..

Kaya natin ito..

XPq98IMkQRcG�-x�&n�

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon