Chapter 106

1.1K 25 1
                                    


Chapter 106

After 2 hours..

"Shiloh..Iexsha..gising na"
"gggggrrrrr"
"Shiloh..Iexsha..alas-7 na..hapunan na"
"gggrr-"

O_O

Napabangon ako..

"ALAS-SIETE NA??"
narinig kong nagulat din si Shiloh at napabangon
"oo..iha..gabi na.."
"naku!Tita.." tumayo ako at nag-ayos ng sarili "patay ako sa bahay!!"
inaatake na ako ng pagpapanic..

PATAY AKO SA BAHAY!!

"iha.."
"PATAY!!PATAY AKO SA BAHAY!!"
"IHA!!!!"
napatahimik ako tumingin ako kay tita "natawagan ko na ang inay mo..sabi ko..dito ka na maghahapunan at ihahatid ka na lang ni Shiloh sa inyo"
"ta-talaga ho?"
tumango xa "kaya wag ka ng mag-alala..mag-ayos na kayo ni Shiloh at umakyat na kayo..para makapaghapunan na"
tapos lumabas na xa

"Alam mo xa..para kang inahing hindi magkaintindihan na umiikot-ikot dyan kanina..nakakatwa kang tingnan"
sinamaan ko nga xa ng tingin "ikaw kaya ang kabahan dahil alam mong yari ka sa inyo pag dumating ka"
"takas kasi ng takas"
"che!"

inayos na nya ang damit nya at hinila na ako "tara na..baka masugod na tayo nina kuya dahil gutom na sila"
"oo na"

umakyat na kami at dumerecho sa kusina..nangangamoy na ang niluto ni Tita..

"wow..Tita..ang bango naman ng sinigang nyo"
"oh..andyan na pala kayo"
umupo na kami ni Shiloh..magkatabi kami..katapat ko si kuya Shervon

"hi..kuya"
tumango lang xa sa akin..

Pssshhh..kahit kailan hindi ko talaga natripan maging kaclose ang kuya ni Shiloh..naalala ko kasi na xa lagi ang nagbubugbog sa bestfriend ko..pero dahil mabait ako..hindi ko na lang pinapahalata na asar ako sa kanya

Kumain na kami..sinigang na hipon ang ulam..sarap!!habang nakain kinakausap ako nina tito at tita tungkol sa kung anu-ano

"Hindi na namin kayo ginising dalawa..tulog na tulog kayo kanina..ano ba ang ginawa nyo at tulog mantika kayo kanina?" tanong ni tita
"nanuod lang po kami ni Shi ng movie.."
"ahhh..akala ko eh-"

"dad!"
"fine..masaya ka naman ngayon?"
"ho?ah eh..oho"
"good..basta kung may mangyaring development sa relationship nyo..sabihan mo lang kami ng tita mo"
"ho?" ano daw??
"DAD!!"
"oh bakit anak?"
"hindi na makakain si Sha sa ginagawa nyo..daig nyo pa ang nag-iintrview ng manliligaw ng anak nyo" asar na sabi ni Shiloh

O_O

Ano daw??????

Napatawa ang mag-asawa "bakit? Masama ba na interviewhin ang future daughter in law ko??"

Ppshhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

Natalakan ako ng di oras "ano hong sabi nyo????"
"daughter in law..aba..alam ko naman na doon din mapupunta ang relationship nyo"
namula ako pati si Shiloh
"ti-tito..magbestfriend lang po kami ni Shiloh!"
"bestfriend??kalokohan..ganyan din kami ni Gayle noon..pero tingnan nyo ngayon..masaya kami"

josku!!ano bang pinagsasabi ni tito???????

"da-"
"tumigil ka na Shiloh..wag mong sabihin sa akin na imposible ang ideang yon dahil sa-"

naku..alam ko na ang sasabihin ni tito..

"Tito..ano po..paxenxa na po kayo..pero..may boyfriend po ako ngayon"
"HUH????" sabay nilang sabi ni tita
"opo..hehe.."

alam kong nakahinga ng maluwag si Shiloh..alam kong kasi na uungkatin ni tito ang pagiging bakla ni Shiloh..magkakagulo na naman

"alam ba yan sa inyo?" tanong ni Tita
"oho..gustong-gusto nga ho nila si Aidan"
"ahh..Aidan pala ang pangalan nya..so ilang buwan na kayo?"
"9 months po kahapon"
"ahh..hindi pa naman pala ganung katagal.."

"buti pinayagan nyang nandito ka.." sabi ni Tita
"nasa France po xa ngayon.."
"vacation?"
"hindi po" napayuko ako "doon daw po muna xa"

"I'm sorry, iha"
ngumiti ako kay tita "ayos lang ho"

"so may pag-asa pa pala si Shiloh"
napatingin kaming lahat kay kuya Shervon
"kuya-" sinamaan ng tingin ni Shiloh ang kuya nya
"bakit..tunay naman..alam ko naman na matagal mo ng gusto itong si Iexsha"
"wala kang alam"
"Talaga??" tapos tumingin sa akin si kuya "alam mo ba Iexsha..2 linggo yang nagkulong sa kwarto sa England dahil ayaw nya sumama..alam mo ba ang ginagawa nya??tinitingnan lang nya ang litrato mo..kung hindi ko pa alam..ginagamit lang nyang excuse ang pagiging magbestfriend nyo para makalapit xa sayo"

napatayo si Shiloh "ANONG ALAM MO HA??MAKAPAGSALITA KAPARANG ALAM MO ANG LAHAT!!"
"Shiloh!" sabay-sabay naming sabi

"umupo ka Shiloh" matigas na utos ni Tito
umupo din si Shiloh pero hindi pa rin inaalis ang sama ng tingin kay kuya Shervon

"kumain po muna tayo" sabi ko para maalis ang tension..

siguro napahiya sila sa akin kaya sumunod na lang sila..nakakahiya..ako ang dahilan kung bakit nagkakagulo sila..

Ilang saglit pa tapos na kami kumain ng main course..naglabas ng tsaa si tita..para daw matunawan kami ng konti..

"I'm sorry..iha" narinig kong sabi ni Tito
"ho?"
"yung kanina..paxenxa na at nakita mo kaming nagkakagulo"
"wala po yun" ngumiti ako

"Shervon..Shiloh..magsorry kayo kay Iexsha"
"hindi na po yun kailanga-"
"bakit ako magsosorry sa kanya??tunay naman ang sinabi ko..kulang pa nga yun..dahil alam kong nagpapangap lang xa na wala talaga silang relasyon ng kapatid ko.." ngumisi xa "sinong matinong babae ang papayag na matulog sa kama ng isang lalaki na magkatabi pa sila??magbestfriend..cut that crap!"

tugsh!

Narinig ko na lang na bumagsak ang tasa ni Shiloh at mabilis xang tumayo at hinila ang kwelyo ng kuya nya "SINONG MAY SABING MAY KARAPATAN KANG PAGSALITAAN SI IEXSHA NG GANUN????"
"BAKIT??TUNAY NAMAN AHH..AT KAILAN PA ANG ISANG KAHIHIYAN SA PAMILYANG ITO NA NATUTONG MAGYABANG NANG GANYAN..TANDAAN MO..HINDI PORKE'T NAKAPASOK KA SA ISANG UNIVERSUTY SA ENGLAND..AT NAGBAGO KA..LUMALABAS PA RIN ANG BAHO MO..ISA KA PA RING..


WALANG KWENTANG BAKLA!!!!!"

PAK!!

Isang suntok ang naglanding sa mukha ni kuya Shervon..

Hinawakan ko na si Shiloh..alam kong gusto na nyang sugurin pa ang kuya nya..narinig kong sumigaw si Tita..

"SHILOH!" tawag ko sa kanya habang pinipigilan xa "kumalma ka lang. hindi nya sinasadya na tawagin kang ganun..atsaka kai-"
"IKAW ANG TUMIGIL IEXSHA!!!WALA NAMAN AKO PAKI KUNG ANO PA MAN ANG TAWAGIN NYA SA AKIN..SANAY NA AKO SA KANYA..ANG IKINAGAGALIT KO AY ANG PAGSASALITA NYA NG KUNG ANU-ANO LABAN SAYO!"
"pero..Shi-"

"TUMIGIL NA KAYO!!!"

Si tito yun..nakatayo na rin xa tapos tinuro nya si Shervon

"Hindi ba't sabi ko na wala ng magbabanggit ng kung ano mang tungkol doon!!"

tapos tumingin xa kay Shiloh "alam kong nagagalit ka na sa kuya mo..pero mali pa rin na suntukin mo xa sa harap pa namin ng mama mo.."

at huli tumingin xa sa akin "Iexsha..paxenxa ka na iha..sa gulo..ako na ang nagsosorry sa pinagsasabi ng panganay ko at ang gulo na ginawa ng bunso ko.."
"ayos lang po ako"
"Shiloh..ihatid mo na si Iexsha..Gayle..ibigay mo na yung mga pasalubong natin"
"oh..sige"

umalis na ang mama ni Shiloh..nakatayo na rin ngayon si kuya Shervon..masama ang tingin nya kay Shiloh..alam kong gusto pang manuntok ni Shiloh pero pinipigilan ko na xa,,mahirap na..

Ilang saglit pa..dumating si Tita na may dalawang malalaking plastic..kinuha agad yun ni Shiloh at dere-derechong lumabas..ako naman..naiwan at yumakap ako kay Tito at Tita..

"I'm sorry po" sabi ko
"hindi iha..kami talaga ang nahihiya..sana hindi ka mahiyang bumalik dito" sabi ni Tita
"ano ho ba kayo..alam nyo naman pong parang pangalawang bahay ko na po ito..pasabi po kay kuya na hindi po ako galit sa mga sinasabi nya"
"salamat iha"
"tito..tita"
"ano yun, iha?"
"Pinipilit mong magbago ni Shiloh..alam ko pong wala po akong karapatan na magsalita pero po..bilang kaibigan po ng anak nyo..gusto ko lang po na hindi na po ulit masaktan ang kaibigan ko..masyado po kayong mahal ni Shiloh kaya po nagbabago po xa para sa inyo.."
"alam namin..iha..pero alam kong nagbabago xa hindi para sa amin"
"ho?"
ngumiti si Tito "may mas mahalagng rason xa kung bakit nagbabago xa"
"ano pong ibig nyong sabihi-"

"IEXSHA!!"
"o..iha..tinatawag ka na ni Shiloh...salamat nga pala..ikamusta mo na lang kami sa mga magulang mo at sa kuya Iexzel mo"
"sige po"

at umalis na ako..paglabas ko ng gate..ang kotse ni Shiloh ang nakita ko..umupo na agad ako sa tabi nya..pagkaupo ko..umalis na agad kami

"Shi?"
"....."

pag ganito si Shiloh..alam kong lumalabas ang pagiging lalaki nya..ang ibig sabihin..mainit ang ulo nya

Tahimik lang kami sa buong byahe..hanggang makauwi ako..

"Shi naman"
tumingin xa sa akin "I'm sorry sa mga kagaguha na pinagsasabi ng kuya ko tungkol sayo"
ngumiti ako "I'm okay..alam mo naman na hindi talaga kami vibes ng kuya mo..magtataka pa nga ako kung pupurihin ako ng kuya mo..baka magsabi pa ako ng end of the world na ba?Si Shervon Cris Verrano..pinuri ako???mamamatay na ako!!!"
napatawa xa at ginulo ang buhok ko "Iexsha talaga..alam mo talaga kung paano ako papasayahin"
ngumiti ako "natural..ano pa ba ang silbi ko kung hindi pasayahin ka?"
"hindi lang naman ganun ang silbi mo sa akin"
"sige nga ano pa????"
tiningnan nya ako..pero hindi tulad ng kanina..hindi ako umiwas sa tingin nya "ikaw ang buhay ko Sha..kung wala ka..hindi ko alam kung paano pa ako.."
"Shi-"

"TARA NA!!!PATAY KA KAPAG HINDI PA TAYO BUMABA!!!!" tapos bumaba xa at kinuha yung mga plastic sa likod "DALI!!"

bumaba na rin ako at kinuha ang mga plastic sa kanya..pagkakuha ko..sumakay na xa agad sa kotse

"hindi ka ba papasok?"
"hindi na..may away pa akong aayusin sa amin"
"Shi naman"
"bye sha!!"

at nagmadali na xang umalis..Ilang saglit pa nagdoorbell na ako..

"ikaw ang buhay ko Sha..kung wala ka..hindi ko alam kung paano pa ako.."

Shiloh naman..bakit ba xa nagsasalita ng ganun?????

Magdodoorbell pa sana ako ulit kaso bumukas na ang gate

"AT SA WAKAS NAISIPAN MO DING UMUWI IEXSHA KYLIE GRZYBOWSKI!!! ABA AKALA NAMIN EH WALA KA NG BALAK UMUWI......"

pero bago ako mag-isip ng kung anu-ano..

kailangan ihanda ko pa ang tenga ko sa sermon..

"...SA PALAGAY MO BA WALANG NAG-AALALA DITO SAYO??HINDI MO BA ALAM NA..." yan na naman..niratrat na naman ako..hay naku..

mahabang gabi na naman ito..

pero buti na lang..


MAY CHOCOLATES AKO!!YEHEY!!

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Where stories live. Discover now