Chapter 47: sasama ka ba?
Ilang araw na din ang nakalipas mula noong nalaman kong aalis si Lance.
Hindi ko alam kung totoo yun.
Hindi ko din naman matanong si Lance about dun. Gusto ko siya mismo ang magsabi.
Pangarap? Ano nga bang pangarap ko?
“nakatunganga ka nanaman” si Steven, siya ang madalas kong makasama dito sa bahay sa kadahilanang GROUNDED ako! ang taray lang diba? Teenager ang drama ko.
Tumabi siya saakin.
“Problema nanaman? Akala ko ba okay na sa papa mo?”
I sighed and answered him with a question “problema ba tong matatawag?”
Nga pala! Matagal na akong nagdududa kung bakit ayaw ni Lance kay Steven! Hindi pa din nila ako sinasagot ng matino!
“oi! Bakit ayaw sayo ni Lance?”
“hah? hahaha. Wala naman. Ewan ko dun”
“di nga?”
“wala nagsuntukan lang kami nun. Pero wala naman yun. Hahhaa” casual lang ang pagkakasabi niya samantalang ako gulat na gulat sa sinabi niya!
OMG! Nagsuntakan? Nagbibiro ba siya?
“b-bakit?”
“dati pa yun hwag ng ungkatin, isa pa masaya na kayo ni Lance. hahaha.”
BINABASA MO ANG
SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)
Teen Fictionsa tatlong taong nakalipas, maari nga kayang madaming nagbago? maari kayang makalimutan ang mga dating pinagsamahan? pwede din kayang nagtanim siya ng galit? o ang tanging nakalimutan lang niya ay ang dating nararamdaman? yun lang at wala ng iba