Chapter 29: Love is--

229K 2.7K 226
  • Dedicated kay sa lahat :)
                                    

Chapter 29: Love is--

 

 Miyuki's POV

 

Naglalakad na ako ng palayo nung biglang may tumawag sa pangalan ko. at hindi lang basta tawag kundi sigaw!

“SHARLOT! Ano ba?” hinigit niya yung braso ko.

“anong problema mo? Kanina pa kita tinatawag ah”

“ah? Sorry ah. Di ko kasi narinig. Ay Lance! ikaw pala yan!” oo na! nananadya ako! kaasar kasi.

“galit ka ba?” napanganga naman daw ako sa tanong niya. galit ba ako? di naman eh.

“hindi” I answered tas lakad ulit. Tumingin ako kay Steve nakangiti lang siya sa likuran ko! Ni hindi na nga ako sinusundan! Ang sama!

“sino yung kasama mo?” eh bakit ba ako nito kinukulit?

“kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapansin” still, di ko pa din sinasagot. Kainis kasi siya.

“Miyuki naman” Miyuki? “at kelan mo pa ako tinawag na Miyuki?” asar kong tanong. Talagang tumigil pa ako sa paglalakad at nakapamaywang pa nga ako ngayon!

“pag naasar ako sayo” nakangisi siya at halata ngang naasar. “oh sorry naman kung naasar ka ah!. Sorry” naglakad na ulit ako papalayo sakanya. Bahala nga siya. naasar ako ngayon.

“Miyuki galit ka ba dahil umalis ako ng di nagpapaalam?”

“bakit ako magagalit? Boyfriend ba kita?”

“yun na nga. Di naman kita girlfriend. Bakit ang sungit mo sakin?”

“hindi ko alam Lance! hindi ko alam.”

“bahala ka. Di ka ba sasama samin?” oh ano naman pinagsasabi nito ngayon?

“obvious? Ano bang alam ko sa pupuntahan niyo?” tanong din ang sinagot ko sa tanong niya.

“hindi ba sinabi ni Gail sayo? Bakasyon daw kahit tatlong araw lang” nilagay niya pa yung kamay niya sa kanyang bulsa.

“bakit ako sasama? Invited ba ako?” di man lang ako sinabihan ni Gail :(

“I’m inviting you.”

“kelan ba?”

“ngayon na”

“wow ah! Di naman biglaan nuh? Ayoko. Wala akong damit” pero bigla nalang niya ako hinila. “hey wait up Lance! san mo ko dadalhin?” nakita ko palapit kami ng palapit dun sa mga kaibigan niya! KALABAW naman kasi eh!!! “Lance naman eh!”

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon