Chapter 25: Phone Call

221K 2.6K 222
                                    

Chapter 25: Phone Call

 

 

 

Ewan ko pero naiinis lang ako. di ko dapat ipakita. Dapat understanding! Sinusuyo ako ni Lance pero here comes Celina. Ano bang meron?

“Lance!” tinawag ko siya nung parang aalis na siya. nakakainis.

“about dun sa sinabi ko. kasi hindi ba parang ang bilis kasi? N-nabigla kasi ako” tumingin siya saakin kaya nag-iwas ako ng tingin. Nilaro-laro ko pa yung buhangin para hindi lang niya Makita mukha ko! NAKAKAHIYA KASI! Ano ba ‘tong ginagawa ko? baka sabihin niya pagkatapos ko siya i-turn down heto ako at pinipigilan siyang umalis!

Lumapit siya saakin at ngayon alam kong nasa harapan ko na siya.

“What do you mean? Mali ba ang interpretation ko sa sinabi mo?” eh?napatingin tuloy ako bigla sakanya. Yung kaninang badtrip na aura niya parang wala na. napayuko ulit ako kaso hinawakan niya yung chin ko para muling tumingin sakanya.

“kasi Lance a---“ hindi ko masabi. Ewan ko. tapos dagdag pa ‘tong cellphone ko na biglang nag-ring

“hello?”

[nasan ka?] patay si kuya!!! napatayo ako bigla.

“neh nii-san. Uuwi na ako. sorry di ako nagpaalam kanina. Ano mga 9pm na ako makakauwi kuya.”

[saan ka ba? Are you with Lance?]

“KUYA NO! hindi. Hindi ko siya kasama. Uuwi na ako.” binabaan ko na siya kasi baka bigla pang magsalita si Lance. natatakot ako.

“Lance hindi naman siguro masama kung---“

“natatakot ka sa mga kapatid mo?” I was struck by that question. Gusto kong sagutin kaso ayoko.

“alam ko namang galit sakin mga kapatid mo”

“ I’ll wait. Okay na ako sa ‘friends’ muna.” Tuloy nya. Hindi ko alam na wala na din pala si Celina. Kahit papaano pala marunong makiramdam yun ng tinatawag na privacy.

“hindi kita mahahatid sainyo. Sorry” ouch.

“okay lang. dala ko yung sasakyan ko.” hindi ko alam na sa simpleng salita niyang ‘hindi kita mahahatid. Sorry’ na yan masakit din pala. Parang nag-eexpect din kasi ako. pero kasi masakit din yung nasabi ko kanina. I can’t blame him for that.

9:20 ng makarating ako sa bahay. Kuya was waiting there sa may sala.

“san ka galing?”

“pwede kuya, kadarating ko lang” nilagpasan ko siya. ewan ko pero sinubukan ko naman kasi maging understanding. Sinubukan kong intindihin sila kuya at dahil tapos na nga din kaya hinayaan ko.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon