Chapter 34: Bakit kaya?

230K 2.5K 176
                                    

Chapter 34: Bakit kaya?

 

 

 

“san ka galing?” ayan nanaman si kuya. >.<

“kina Gail lang po” pagsisinungaling ko. ang totoo niyan nauna na akong umalis dun sa bahay bakasyunan nila Lance.

“kaninong kotse yung naghatid sayo?” kay Lance po.

“ah ano sasakyan ni Seb.”

“siguraduhin mong di ka nagsisinungaling”

“opo tay” kainis! Sa pangsesermon niyang yan nagmumukha na siyang si papa.

Paakyat na ako, actually nasa stairs na ako nang nagsalita nanaman si kuya “mag-ayos ka na ng gamit mo. Aalis na tayo mamaya”

“teka! Diba kuya sa susunod pa?” magkikita pa kami ni Lance mamaya. Aish! Manunuod ako ng first practice game niya mula nung makabalik siya eh! ANG DAYA NI KUYA!

“aalis na tayo mamaya. Isang buwan tayo dun”

“h-hah? isang buwan? Akala ko ba ilang araw lang? teka paano yung trabaho niyo?” bumaba pa ulit ako. nakakaparanoid si kuya. amp.

“maiiwan naman si Shizu dito, don’t worry we’ll bring Aki” napanganga nanaman ako. ano yun? Baby sitter nanaman ako? >3<

“dali na hime! Mag-ayos ka na ng gamit mo”pinagtulakan pa talaga niya ako >3< “oo na!”

Katulad ng inutos niya, hayun nag-aayos na ako ng gamit. Lagi namang ganito laging sila ang nasusunod. Bunso ako eh. Tas ako pa ang nag-iisang babae. Sana sumama si kuya Shizu >.<

Ang boring kasi kung si kuya Lavi baka pagalitan ako nun pag nahuli akong may katext parati.

Kakaayos lang namin ni Lance. ang dami ko pa din gusto malaman.

Katulad ng anong ginawa niya nung wala ako?

Nag-aral ba syang mabuti?

Nagpakabait ba siya?

Pero sa mga sinasbai palang ni JL, mukhang hindi talaga.

Anong naramdaman niya noong nakita niya akong kasama si Jake?

Pfft.

Gusto ko mag-stargazing kasama siya.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon