Chapter 11.5: tama ba yun?

239K 2.6K 227
                                    

Chapter 11.5: tama ba yun?

 

Baliw na talaga siya! my ghad! bakit ko hinayaan ang sarili ko na ma-fall? And ghad! For that guy!  Baliw na talaga siya! o baka naman kasi talagang malas lang ako sa lalaki? Sabi ko pa naman bago ako mag high school noon na pagnagka boyfriend ako kahit pangit basta hwag lang babaero at manyak. Ano ito Lord? Bakit mo ko pinagkaitan ng lalaki T____T

“Gail! Buksan mo na kasi ‘to”

“BALIW! PAGKATAPOS MO KO BIGYAN NG GANITONG REGALO! BUTI SANA KUNG MATINO! ANO TO? EH KUNG IKAW KAYA MAG SUOT NITONG T-BACK!  BWISIT KA TALAGANG MANYAK KA!!!”

“oi! Joke lang yan! Kasi di mo ko kinakausap nung umuwi tayo galing sa reunion niyo nila Miyuki! Natural gagawa ako ng paraan pansinin mo lang ako! hoy Gail naman!”

“BAHALA KA DYAN >.<” kainis kasi! Kung sana hindi ko narinig yung usapan nila sa phone nung babae niya edi sana di ako ganito. Okay lang mambabae siya hwag lang niya ipaparinig saakin!

“Gail naman sorry na kasi. Buksan mo na tong pinto honey. Usap tayo please???” kasi naman eh! Bakit ka nagpleplease!

“sa ginagawa mong yan aminado kang may kasalanan ka!” I shouted

“wala naman akong kasalanan ah! Meron ba? Kung meron sabihin mo”

“wala ka ba talagang matandaan na kasalanan mo?” tanong ko

Lumapit na ako sa pintuan para hindi na kami nagsisigawan. Pero still di ko pa din binubuksan. Nakatayo lang ako dun

“wala naman”

“talaga?”

“yun ba yung pinakain kita ng gulay kahit ayaw mo?”

“hindi”

“may nagtext nanaman na babae sayo?”

“hindi”

“may nabasa kang message sa facebook?” loko to ah! Meron ba sa facebook??? -___-+++

Lumilitaw isa isa mga kasalanan niya!

“nung pinilit kitang halikan mo ko?”

“HINDI DIN!” nakakainis na to! Baka mamaya kung ano pang sabihin nito!

“wala na ako matandaan! Nung pinasok kita sa kwarto mo kahit nagbibihis ka?”

“bahala ka dyan mag-isip ka lang dyan ng kasalanan mo! Ilista mo na kasi mga kasalanan mo!”

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon