#38 Don't Tell Me That...NO!

216 31 12
                                    

Hindi natanggap ng TAE ang kinalabasan. Bigla nilang sinugod si Fatima at saka pinagbabato. Dali-dali namang pinuntahan ni Timang ang kanyang iniibig para sagipin. Niyakap niya ito ng mahigpit upang protektahan sa mga pinaghahagis ng mga nagwawalang fans.

Ngunit sa kasamaang palad, sa pagnais na iligtas si Fatima siya naman ang nasaktan. Tinamaan sa ulo si Timang at kinailangang dalhin sa ospital. Insert *wang wang* sound here.

“Dok, kumusta na ang lagay niya? Mabubuhay pa naman siya ‘di ba?! Sabihin nyong mabubuhay pa siya!” tanong sa doktor ng isa sa mga roommate ni Timang sa ospital pero hindi naman si Timang ang tinutukoy niya kundi ang ama niyang may sakit. Ni hindi niya man kilala si Timang. Huwag kang mag-alala, buhay si Timang dahil siya ang bida.

Nung Sumulat Ako Ng Love StoryWhere stories live. Discover now