#2 May Mangyayari Ba?

682 60 42
                                    

Krystle Ann, tawagin nalang natin siyang “Yetyet” dahil she is yet to have her first boyfriend. At siya ang (tama ang hula mo!) pinsan ni Timothy, sa mother side naman ‘to. Si Ederlee kasi sa father side eh. Unlike Ederlee, kahit papaano ay may papel naman si Yetyet sa istoryang ito iyon ay dahil bestfriend niya si Fatima.

Sino na naman itong babaeng ito? Pangatlo na to ah. At dahil sa tingin ko ay hindi na tatalab ang palusot na pinsan na naman siya, kaya naman gagawin ko na siyang leading lady ng istorya. Ganun na lamang ba kadali mamili ng leading lady? Actually hindi, maliban na lang kung ikaw ang author na sumusulat ng kwento, malamang kaya mong gawin ang lahat ng bagay.

Nasa dulo na tayo ng page 2 ngunit parang hindi pa gumagalaw ang istorya? Puro pakilanlanan at kagaguhan pa lamang ang nagaganap. Taktika ba ito ng author para pahabain ang binabasa mo? Oh baka naman gusto niyang tumigil kana sa pagbabasa kaya sinadya niyang gawing walang sense ang unang dalawang pahina? At bakit hindi ko alam ang kasagutan gayung ako naman ang author?

Nung Sumulat Ako Ng Love StoryWhere stories live. Discover now