#30 Pagsabihan Niyo Nga Yung Author!

216 29 13
                                    

Dumating na ang araw ng pageant at hindi parin nakaka-usap ni Timang si Fatima. Inaasahan pa man din niya ang suporta nito. Pero mukhang hindi na kailangan pa magdagdag ng supporters ni Timang sa sobrang dami ng posters na ginawa sakanya ng sandamakmak niyang fans. Akala mo’y magko-concert siya sa paaralan at hindi sasali sa pageant.

Nung malaman ng ibang kalahok na kasali si Timang sa pageant ay nadiscourage na ang mga ito na sumali dahil alam nilang wala na silang pag-asang manalo. Ang natira na lamang ay si Kendrick. At dahil dalawa na lamang sila, idineretso na lang agad sa question and answer portion ang labanan. Pero malamang pakana lang ito ng author dahil tinatamad na ito magsulat sa mga pangyayari sa pageant.

Nung Sumulat Ako Ng Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon