#18 Love Story Nga Pala Ito Kaya Dapat May Love

279 36 22
                                    

Tuwing lunch break ay nagpapaturo si Timang kay Fatima mag Kapampangan. Kung minsan naman ay naglalaro lamang sila ng baraha. Pero hindi sila nagsusugal ah, UNO lang naman nilalaro nila. May mga pagkakataong din magkasama silang gumigimik kasama ang iba nilang kaibigan. Masaya si Timang tuwing kasama niya si Fatima.

Lumipas ang mga araw, hindi namalayan ni Timang na napapalapit siya kay Fatima. Lumipas muli ang ilang pang-araw ay tila nahulog na ang loob niya rito.

Oh ayan ah, ilang araw na yung lumipas, medyo matagal-tagal na rin silang magkakilala at masasabing may mga napagsamahan na kahit papano kaya ayoko sana makadinig mula sayo ng “Love agad?! Ano to PBB Teens?”

Nung Sumulat Ako Ng Love StoryWhere stories live. Discover now