#1 Let The Love Story, Begin!

819 48 43
                                    

Umiikot ang istoryang ito kay Timothy, isang high school student na nag-aaral sa isang paaralang nagtuturo ng high school students.

At ang babaeng ito naman ay si Ederlee. Nakikita mo ba siya? Hintayin mo nalang malay mo magkaroon ng movie adaptation tong sinusulat ko. Pero habang hinihintay nating mangyari ang napaka-imposibleng pangarap ko na iyon, siguro ay idedescribe ko nalang siya para narin sa ikatatahimik ng iyong kaisipan.

Mala-anghel ang muhka, 36-25-37 ang hubog na katawan at  consistent number 1 sa ranking dahil siya ay naka-suot ng salamin. Yan si Ederlee.

 Ah, teka nga pala, si Ederlee ay pinsan ni Timothy. Naishare ko lamang sayo. Kung pumasok sa kokote mo na siya ang leading lady ng istorya, abay bahala ka sa buhay mo.

Nung Sumulat Ako Ng Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon