#34 Try Mo Rin 'Yung Ganung Porma

209 29 14
                                    

T: Yun na ang tanong? Ano to slam book? Umh, Ang love ay binubuo ng apat na letra. Nag-uumpisa sa L at nagtatapos sa E. Ito rin ang nagpapa-ikot sa mundo. At ito rin…ang…

Habang sumasagot si Timang ay nakita niya si Fatima sa isang banda. Nakasuot ito ng dilaw na blouse, kulay lila na pantalon at berdeng sapatos. Ano ang kinalaman ng suot ni Fatima? Gusto ko lang pahabain ang talata para mapuno na ang pahinang ito.

Hindi muna agad naituloy ni Timang ang pagsasalita dahil sa nagulat siyang hindi lang pala basta baduy manamit si Fatima kundi jejemon pala ito. Naaayon naman dahil jejemon rin siya kung magtext. Nag-isip muna ng malalim si Timang. Ang naisip niya ay balon. At itinuloy na ni Timang ang pagsasalita.

Nung Sumulat Ako Ng Love StoryWhere stories live. Discover now