Chapter 13

1K 5 0
                                    

Kathryn's POV

Masaya na ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Nakilala ko ng ibang mga tao, tinanggap ako ng buong-buo. Hndi hinusgahan ang pagkatao ko. Ipagpapatuloy ko lang to. Maaga akong nagising. Para simulan ang aking gagawin, ang maging katulong? Tama ba? Katulong? AKO? Alam ko, prinsesa ko.. pero dito sa bahay ni Daniel, ako ay katulong.. Nakakatuwang isipin na ang isang prinsesa ay magiging katulong lang. Pero nagtataka ko, paano naging ganito ang damit ko? Ang natatandaan ko lang.. Pinainom ako ng mga kalalakihan? Pag-welcome daw? Ano ibig sabihin nun. Bumaba na agad ako.

Magandang umaga, Kath. -Mang Danilo

Magandang umaga din ho.. -Ako

Anong oras kayo umuwe ni Julia? -Mang Danilo

Hndi ko po namalayan ang oras. -Ako

AaArrmmm... (nagkukusot ng mata) -Alexa

Oh.. Alexa, gising ka na pla. -Mang Danilo

Opo. Ano po ba ulam natin? -Alexa

Wala pa nga e. Halos kagigising ko lang din. -Mang Danilo

Ako na lang po ang magluluto. -Ako

Sigurado ka? -Mang Danilo

Oho. Sabi ko naman po sa inyo na pagsisilbihan ko kayo.. -Ako

Kaw talaga ate, ang baet mo.. Eh naalala mo ba yung nangyare kagabi? -Alexa

HA? Wala akong natatandaan e. -Ako 

Eh sinundo ka ni Kuya dun sa mga nag-iinuman. Lasing ka na. Balak mo pa ngang maghubad sa harapan niya e. Buti na lang tinawag niya si Ate Julia, at siya ang nagpalit sayo ng damit, amoy alak ka kasi kgabi. -Alexa

Ano? totoo ba yun Kath? -Mang Danilo

Ahh.. Ehh. Di ko na po talaga maalala. -Ako (ginawa ko ba talaga yun? bakit hndi ko matandaan?)

Ate, wag ka na iinom. Di mo naman pala kaya e. Kaw talaga. Sige po. Maliligo muna ko. Papasok pa ko. -Alexa

(pumunta ko sa kusina, lumapit si Mang Danilo) Iha, wag ka makikipag-inuman sa mga tao jan. Baka ikapahamak mo pa yun. Maiba ko, kaya mo ba talaga magluto? -Mang Danilo

Ahh ehh. Susubukan po. -Ako

Hmmm. Sige.. Dun muna ko sa labas, ikaw muna bahala jan. -Mang Danilo

Ahh. Sige po.. -Ako

Hndi ko alam ang gagawin ko?! Paano ba magluto? Sa tala ng buhay ko, hndi pa ko nagluluto e. Ako ang bnbigyan ng pagkaen, ako ang hnahandugan. Bahala na nga. Nakapagluto na ko. Siguro ayos na to? Hndi nga lang kaibig-ibig ang itsura? Ganito ba talaga itsura nito pag naluto? Hayss..

Daniel's POV

Nakatulog naman ako ng ayos. Naalala ko lang talaga yung nangyari kagabi. Maghuhubad siya sa harapan ko? hndi ba talaga siya tinuruan ng nanay niya? O dala lang ng kalasingan nya? Eh sino ba naman kasi ang may sabing uminom siya, hndi naman pala kaya. Ayoko na ngang isipin mga bagay na wala namang kahulugan. Nakapag-ayos na ko para mamasada. Bumaba na ko, nagulat ako at may nakahain na. Nakatakip pa ang mga ito. Nagulat din ako at andun na si Kath..

Ikaw ang nagluto? -Ako

Ahh.. Oo. (nakangiting sagot niya) -Kath

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon