Chapter 34

924 10 5
                                    

Supeer duuuperrr late update na ko. T.T La na kasi kami internet eh.. Kawawa naman kame, at eto na yung chance.. Kaya mejo totodo ko na to. Dame ko pa namang plano sa kwento na to. ampupu. Ayan..

I want to dedicate this chapter to... oranglarano.. Ayan, super late na din dedicate ko. T.T Sorrryyyy...

Kath's POV

Sino namiss ako? Namiss ko din si author. may POV na ulit ako. Nakakapanibago to. Kelangan na ko eh, kaya siguri di rin nakatiis si author. Para sa inyo din to. hehe. Ayan, Andito nga kame sa debut ni jane. Ganito pala nila pinagdirwang ang isang kaarawan ng babaeng tumuntong sa edad ng 18. May pagkaelegante pero andun pa din ang kasimplehan. kung ano-ano na ang naganap. Hanggang sa pagtatapos ng programa, nagbukas pa ng isang programa at iyun nga ang sayawan, Panandalian ko lang nakasayaw si Khalil sa kadahilanang kelangan na daw niyang umalis. ito daw ay importante. Buti na lang at nanjan sina Julia at Alexa. Inaya din nila si DJ na magsayaw, pero pagkakaalam ko ayaw daw ni DJ, at sapilitan pa daw siyang inaya. At di rin daw siya marunong magsayaw, parehas lang naman pala kame eh.. Pero nagsayaw pa rin ako. Nakakasayaw naman pala siya nung tumugtog yung Teach me how to dougie.

Tingnan mo nga, nakakasayaw ka naman pala. Sabi ko sa kanya habang nagsasayaw kame. Magkakatabi lang naman kameng lima. Kame-kame din ang nagsasayawan. Ngumiti lang siya. Pwede mo ba kong turuan magdougie na sinasabi nila? tanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig yung kantang yun e.

Sigurado ka? Tanong niya skin.

Oo naman. Sabay ngiti ko.

Ikaw bahala. Ganito. Tinuro niya skin ng dahan2x. Nakakasabay naman ako paunti-unti at di kalaunan natutuhan ko na. Nkakapanibago si DJ ngayon. Kinakausap na niya ko kahit pano, hindi na yung pagsusungit. Nakikisama na siya ngayon. Masaya ko at kahit pano nakakasalamuha ko siya.

Madali lang pala to e. Patuloy ko siyang sinasayaw. Nakakatuwa sayaw na to e. hehehe. Hanggang sa nasisiyahan na ko sa pagsayaw ng dougie. Napapahataw ako? Parang ganon. Sobrang galak ko, pati yung ibang nagsasayawan.. Bigla akong nabunggo at nawala ako sa balanse. Pumikit na lang ako. Bahala na kung bumagsak ako sa sahig. Pero bakit ganun, ni hindi ako nasaktan? Sa katunayan pa nga parang may umakap skn? At hwak ako sa aking bewang? Pagdilat ko..

D-DJ? Nakatingin ako sa mata niya. Nagulat ako. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. May naramdaman din akong kuryente. Yung paligid ko nagdilim, parang siya lang yung nakikita ko? Yung pagpikit niya bakit parang napakabagal? Ano to??

Kath? Ayos ka lang? Bigla namang bumalik ako sa realidad. Ano bang nangyayare skin?

Ahh.. Oo. Sabay tayo niya skin. Pumunta siya sa likod ko.

Umayos nga kayo! Sasaya nyo wah.. Pagktapos nun, humarap siya skin. Saktong paglingon niya skin, natigil ang tugtog ng teach me how to dougie. Napalitan ito ng isang romantikong kanta. Mga babae at lalake ang magkakapareha. Tumalikod si DJ, uupo na ata. Siguro pagod na siya.. Tumalikod na rin ako. Pagod na rin ako. Lalakad na sana ko. (( play the Music video.. Its PAGDATING NG PANAHON by BRYAN TERMULO. Ang gand ng version niya. Nakakainlove. ))

Oh? San ka pupunta? Tanong skin ni Julia.

Uupo na. Pagod na ko. Sabi ko na lang..

Di pa tapos oh. May kanta pa..

Wala naman akong makakapareha e? Uupo na lang ako..

Anong wala? Ano yun? Sabay turo niya sa likod ko? Ha?? ano yun? Paglingon ko.. Biglang bumulaga skin si DJ, parang tinulak e? Muntik ng mwalan ng balanse.

Ayos ka lang DJ? Tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. Tumingin siya sa likuran niya. Nung tningnan ko.. Wala naman. Ano ba ginagawa niya? Aayain niya ba ko? O ako na mag-aya? Parang ang panget tingnan kung ang babae ang mag-aayang magsayaw?

Gusto-- Natigil kame bigla. Sabay pa kameng nagsalita. Nakakailang. Nag-iwas kame ng tingin.

Gusto mo bang sumayaw? Nagulat ako sa tanong niya. Oo ba o Hindi? Siya na tong nagtanong. Wala namang masama kung kasayaw ko siya. Ngumiti na lang ako. Ibig sabhin nun, payag ako. Lumapit siya skin. Nilahad niya yung kamay niya. Kinuha ko naman. Nilagay niya ang mga kamay ko sa may bandang balikat niya. Siya naman humawak sa balikat ko. Parehas kameng naiilang.. Bat ganito? Di kame nagsasalita pareho.

Ayos ka lang? Pano ang itsura niya, saka pinagpapawisan siya. Di ko maintindhan.  Simula na kameng gumalaw. Ahe. Sumasabay na kame sa musika.

Oo. Bakit? Tanong niya.

Wa-wala. Ito na naman kame sa ilangan. Tinitingnan ko lang siya kahit di niya ko tinitingnan. Napakalayo ng tingin niya. Andito lang naman ako. maya-maya lang, tumingin siya. Mata sa mata kame. Parang yung kanina lang. Bumilis na naman tibok ng puso ko. Nakuryente na naman ako. Bakit ko nararamdaman to pag si DJ ang kasama ko? Magkasayaw kame. Yun lang naman. Bakit nung si Enrique ang kasayaw ko, walang ganito. ito ba yung kulang kay Enrique? Ano ibig sabihin nun? Aish..

Tama na.. Ayoko na. Umuwe na tayo. Bigla siyang bumitaw. Nagulat ako. Balik na naman ako sa realidad. Ano ba kasi yung mga nararamdaman ko na yun? Magkakasakit ba ko? Aish. Ipliwanag nyo nga skin. Naiwan ako dito mag-isa sa dance floor.

Ate, umuwe na daw tayo. Inaya na ko ni Alexa. kung hndi pa dumating si Alexa, di ako aalis dito sa kinatatayuan ako. Sumakay na kame sa jeep? Jeep daw tawag dito. Di man lang ako nakpagpaalam kay julia. Siguro naman nagpaalam sina DJ. Bakit ganito bigla pakiramdam ko? Daig ko pa magkakasakit. Di ko maintindihan.

Lameeggg naman.. Ang hangin kasi. nyayakap ko na yung sarili ko. Katabi ko si Alexa at katapat namin si DJ. Tumingin na lang ako sa bintana.

Oh eto.. Sabay abot niya ng jaket niyang itim.

Wag na.. Ayos lang.. Pero sa totoo lang, nilalamig na talaga ko. Napakahangin. Bilis magpaandar ng jeep. Gabi na rin kasi.

Sige na.. Halatang giniginaw ka na jan.. Tingnan mo yang braso mo. Tiningnan ko naman.. Hala! Yung balahibo ko. Nagsitaas.. Sige n nga, kukunin ko na. Di ko naman sinuot. Tinakip ko na lang sa katawan ko. Yung jakcet ni Dj, bakit ang bango? Pabango ba niya yun? Hmmm... Hanggang sa makauwe kame ng bahay. Di pa rin kame ng-uusap. Ano ba nangyare at ganun na lang kameng dalawa? Para lang nagsayaw kame eh? Problema nun? Papanik na siya ng iabot ko yung jacket niya.

Salamat dito. At pumanik siya bigla. Wala man lang 'walang anuman'? Ganun talaga ugali ni DJ. Sino kaya ang kayang intindhin ng ugali niyang yun?

-- Bitin effect muna.. HAHAHAH. Vote na po kayo!! Thanks po.. Comments na din.. Suggest kayo kung ano pwedeng gawin ng Kathniel. :)))

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon