Chapter 18

977 6 0
                                    

Daniel's POV

Pagkapasok ko ng bahay. Umupo agad ako. Andito din si Julia, si Tatay at si Kath. Ang bango naman nun. Yun ba niluto ni Kath para sa akin? Oo. Siya na nga. Ako pa lang tong nakaupo, pero may mga pinggan na. Handa na talaga, ung ulam na lang. Ano naman kaya yung niluto niya?

Oh.. Eto Daniel,.. Sana magustuhan mo. Sabay lapag niya ng pinggan. Umuusok pa.

Sinigang?? Nagulat talaga ko sa nakita ko. Paano at bakit sinigang niluto niya? Alam nyang paborito ko to? Grabe. Ang tanong, masarap naman ba?

Masarap yan. Sige, kumaen ka na. Nabasa ata laman ng utak ko? Nakatingin lang siya pati si Julia. Daig pa mga imbestigador ng mga to.

Sige. Kumuha ko ng kutsara. Hinipan ko muna kasi mainit e. Saka ko tinikman.

Oh ano masarap ba Daniel? Ninamnam ko pa yung sabaw. Yung mainit at malinamnam na sabaw. EH MASARAP SIYA!! Sinigang ba talaga to? Eh bat kakaiba lasa? MASARAP siya sa MASARAP!

Hoy Daniel, natameme ka jan? Masarap noh? To naman si Julia. OO na masarap.

Daniel?? Hndi ko pala namalayan na hnhntay nila sagot ko..

Eh bat ayaw nyo pang umupo?? Maubos ko to. Bahala kayo. Sabay kong kuha ng kanin. Nakita ko silang nag-apir pa. Eh masarap naman talaga. Ibang-iba lasa sa luto ni Aling Tasing.

Kathryn's POV

Una akong pinapasok ni Daniel sa bahay. Kaya nagmadali ako, kumuha ko ng mangkok at sumandok para makakuha ng sinigang.. Na paborito niya na sabi ni Julia. ^.^

Oh.. Eto Daniel,.. Sana magustuhan mo. Nilapag ko sa mesa. Nag-ingat ako, baka matapunan ko si Daniel, mainit kasi siya.

Sinigang?? Nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya. Wala siyang idea kung bakit sinigang ang niluto ko. Nalaman ko lang kay Julia.

Masarap yan. Sige, kumaen ka na. Sigurado akong masarap dahil pinatikim ko kay tatay Danilo to e. Sana masarapan din siya.

Sige. Kumuha siya ng kutsara at kumuha ng sabaw. Hinipan niy at tnikman.

Oh ano masarap ba Daniel? Paikot-ikot yung mata niya. Talagang tinitikman niya ng mabuti?

Hoy Daniel, natameme ka jan? Masarap noh? Nagsalita si Julia. Di pa din kasi sinasagot yung tanong ko.

Daniel?? Hindi pa kasi nagsasalita. Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya o ano? Kinakabahan ako. Kahit ibang tao hndi na magustuhan, basta si Daniel. Magustuhan lang niya! Masaya na ko.

Eh bat ayaw nyo pang umupo?? Maubos ko to. Bahala kayo. Masarap siguro? Kumuha na agad siya ng kanin. Nasarapan nga siya! Nangiti ako bigla dun. Nakipag-apir din sakin si Julia. Sabay na kameng umupo.

Arte mo Daniel. Pasuspense ka pa. Mang Danilo, tara na po. Kaen na po tayo. Si Julia yan.

Paki mo? Bat ganun sumagot si Daniel?

Tse!! Sabay nguso ni Julia habang kumukuha ng kanin, pagkalagay niya. Binigay niya sakin.

Julia? Bumulong ako sa kanya. Ano yun? Sabi niya. Bat ganun sumagot si Daniel?

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon