Chapter 14

1K 6 0
                                    

Kathryn's POV

Umalis kami ni Julia. Dinala niya ko sa isang lugar na maraming tao. Ang ingay at may kakaibang amoy. Amoy na masakit sa ilong? Pero ayos lang.. Dahil ang tawag pala dito, palengke. Dito daw makikita lahat ng pwedeng makain. Bibili daw kame para sa aming tanghalian.

Ang dame naman. -Ako

Oo. Mga gulay yan. Ngayon ka lang ba nakapunta sa palengke? -Julia

Oo. Sa unang pagkakataon, ngayon lang.. -Ako

Kakaiba ka talaga e noh? Tara dun tayo.. -Julia

Ang dameng isda.. Iba't ibang klase.. -Ako

Oo. Dapat pag bibili ka ng gnyan. Siguraduhin mong sariwa at buhay. -Julia

Bakit? -Ako

Syempre. Para masarap kainin at masustansiya. -Julia

Ahh. Ganon pala. Ano-ano ba ang mga bibilin mo? -Ako

Wala naman akong bibilin. Ikaw ang may bibilin. -Julia

Ngunit wala akong pera? -Ako

Ano ka ba naman? Syempre.. Sagot ko na yun noh? hahaha. -Julia

Ehe. Salamat. -Ako

Papalitan lang nating yung mga naluto mo kanina. Mga basic muna na pagkain. Katulad nung itlog, hotdog, ham, tuyo.. Ganun. -Julia

Salamat talaga Julia. -Ako

Nako, wala iyon.. -Julia

Matapos nameng mamili. Umuwe kame agad. At tinuruan nya ko at bngay ang mga pangalan nito. Tulad ng hotdog, itlog, ham at tuyo.. Madali ko namang nasaulo.

Mabilis ka pa lang matuto e. -Julia

Kasi magaling ang aking tagapagturo. -Ako

Yun oh.. Maganda yan. HEhehe. -Julia

(bumaba) Ano yung mabango kong naaamoy?? -Mang Danilo

Tadan... Mang Danilo, si Kath po nagluto ng mga yan.. -Julia

Aba.. Kanina lang e, ay.. Ehe. Mukang masarap yan.. Ito ba ang tanghalian natin? -Mang Danilo

Paumanhin po Mang Danilo, at ito po ang aking naihanda. Pag marami na po akong nasaulo, iluluto ko ang mga paborito nyo. -Ako

Naku, Ikaw talaga iha.. Sige, kumain na tayo. Pasalamat tayo kahit ganito katayuan natin sa buhay. Tatlong beses tayong kumakain sa loob ng isang araw. -Mang Danilo

Tama.. -Julia

Daniel's POV

Hapon na. Otw na ko pauwe. Magpapahinga pa ko para mamaya, nagutom ako wa? Ayaw ko namang pumunta ulit kina Aling Tasing, doon na nga ako nag-almusal at tanghalian. Puro ko gastos. Sa bahay na lang kaya ako kumaen? Teka.. Yung babaeng yun. Sunog kung magluto. Tss. Bahala na nga. Andito na ko sa bahay.

Tay!!? Andito na po ako. -Ako

(sigaw mula sa taas) O sige Anak. Nagugutom ka ba May pagkain jan sa mesa. -tatay

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon