Chapter 47

729 4 1
                                    

DJ's POV

Ano bang pagsubok na to?! Bakit ang bigat-bigat? Parang gusto ko ng sumuko? Nasaktan ako e. Ano ba gusto nilang gawin ko? Nahihirapan na ko. Bakit ganito?!!? >.<

Anak... Boses babae na pamilyar skin. Nasan ba ko? Kagabi lang kainuman ko si tatay, tapos andito na ko maputing paligid na to? San ba to?

Nay... Kaboses niya nanay ko. Nasa malayo siya.

Patawarin mo ang nanay.. Mahal na mahal kita.

Hmmmm... Nay.... Di ko alam ang sasabihin ko, tingin ko naging masama na kong anak dahil sa inasta ko sa kanya..

Kung di mo ko mpapatawad. Mas mabuti pang lumayo na lang ulit ako.. Sabi niya, totoo ba tong naririnig ko?

Wag nay, ayoko... Eto na yung lumabas sa bibig ko, kahit alam kong galit ako sa kanya, ayoko pa rin siyang lumayo. Baka nanaginip lang ako? Nadilat ko ng konti mata ko. Si Kath ba tong nasa harapan ko? Mejo malabo paningin ko. Parang binibihsan ako? Teka, bat ako binbihisan nito?

Kaya ko naaa. Sabi ko. Bat pa kasi ko binibihisan ng babaeng to? Kausap ko nanay ko kanina, tapos pagdilat ng mata ko siya makikita ko? Pero para ngang mejo hilo pa ko e. Tsss.

Di mo nga masuot ng maayos eh. Sabi niya. Oh, suot mo dito, sa kabila pa. Sige na na, di na ko magtatanong, parang di ko rin kaya kumilos mag-isa eh. Sige, DJ.. Magpahinga ka na. Bukas sana ok ka na. Bago pa man din siyat tumayo, hinawakan ko siya sa braso..

Salamat.. zzzz

Nay.. wag mo kong iwan! Dito ka lang... Pinapatawad ko na po kayo! Nay..

Paalam na Anak ko.. Mahal na mahal kita.

NAAAAYYYYY!!!....... NAY! Takte, biglang bangon ko, anong nangyare? Potek, panaginip lang pala! AAAHHHHH. Napahawak ako sa ulo ko. Sakit ng ulo ko.. Ano bang nangyare?

Kahit panaginip, pakiramdam ko totoo. Iiwan na naman ba ko ng nanay ko? Bakit kelangan niya kameng iwan ulit? To na ba yung oras at araw na kelangan ko na siyang patawarin? Pano na lamang kung hindi niya tanggapin ang sorry ko? Kasi sa mga masasakit na salitang nabitawan ko sa kanya. Ano ba dapat kong gawin?

Humingi ako kaya ng tulong kay Tatay? malay niya ba sa ganon? Kay Alexa? Masyado pa siyang bata? Hmmm. Kay Diego? Ni anino nga nun hindi ko nakiktia e. Eh kung si Kath kaya? Takte, wala akong maisip na dhilan wa para di siya maisip ko... Oo, tama sa kanya na lang.. Makababa na nga. Saktong pababa ako ng hagdanan.. Narinig ko pag-uusap ni Kath at tatay.

Sa tingin nyo po ba tay, mapapatawad pa ni DJ ang nanay niya? Tanong ni Kath kay tatay.

Alam ko sa puso ko.. Mapapatawad ni DJ ang nanay niya. Sagot naman ni Tatay. Tama ka tay, handa na kong patawarin ang nanay. Pero di ko alam kung pano siya haharapin.

Sana nga po. Umaasa po ako.

Salamat talaga Kath.

Para san naman po yun?

Dahil gusto mong mabuo ang pamilya namen. Hinawakan ni Kath ang kamay ni Tatay.

Pamilya ko na rin naman po kayo. Saka gusto ko po talagang makitang maging masaya si DJ. Ha? Bakit gusto niya kong makitang sumaya? Ano naman sa kanya kung maging masaya ko?

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon