21 ~ Goodnight Kiss

270K 6.8K 572
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

PASADO alas tres na ng madaling araw ng magising siya ng maramdamang may matigas na bagay na pumatong sa matigas niyang tiyan. Pinilit niyang iminulat ang mga mata upang lamang makita si Madeleine na nakaunan sa tiyan niya habang dumidede ito ngunit nabibitawan naman nito ang bottled milk dahil na din siguro sa nakakatulog na pero pinipilit pa din ubusin ang gatas nito.

First time niyang makasama ang anak sa pagtulog kaya hindi niya alam kung anong trip na pwesto nito kapag natutulog.

"Anak..." He whispered.

Dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising at maingat na inilapat niya ng higaan sa tabi niya. Panandalian niya muna itong tinitigan at kinuha ang bote ng gatas nito ng makita niyang ubos na. Kinumutan niya pa ang anak bago muling nahiga sa tabi nito.





"I MISS mommy, I wanna see her." Nag-angat siya ng tingin mula sa laptop niya ng magsalita si Madeleine. Pinagmamasdan nito ang bawat patak ng ulan mula sa labas ng glass window ng silid niya. "Bakit ba kasi nag rain pa? Malungkot ba ang langit, daddy?"

Hindi kasi sila natuloy magpunta sa Hospital dahil biglang umulan ng malakas at napanood nila sa balita na may bagyo palang dumating sa bansa. Kaya heto silang mag-ama, nasa loob lang ng bahay niya.

"No sweetheart, may bagyo lang talaga ngayon. Gusto mo ba tawagan natin ang mommy mo?"

"Yes please."

"Alright, come here." Agad naman itong tumabi ng upo sa kanya habang dina-dial niya ang numero ni Stella. "I think your mom is—"

"Hello? Cassidy?"

"Oh," Naisambit niya ng sagutin bigla ng babae ang tawag niya makalipas ang ilang segundong pag-ring. "Our baby wants to talk to you."

"Okey let me talk to her." Imbes na ibigay sa anak ang cellphone ay inilapag niya lang iyon sa lamesa katabi ng laptop niya at ini-loudspeaker.

"Hello mommy! Nagrarain po ba diyan?"

"Yes baby, malakas din ang ulan sa labas kaya huwag muna kayong magpunta dito ng daddy mo. Madulas ang daan, delikado."

"Kapag nag stop na ang rain, pwede na po ba kaming magpunta diyan?"

"Pwedeng pwede na anak."

"Can I see you, mommy? Hearing your voice isn't enough, I still miss you." Muli ay napatingin siya sa anak. Halata ang lungkot sa boses nito at parang iiyak na. Kaya naman itinigil niya ang ginagawa at ikinandong ang anak niya.

"Baby, Madeleine..."

"I wanna see you mommy." And then a little sob escape from his daughter's lips.

"Cassidy!" Stella calling his name with anger.

"Ah, I don't do anything." Sansala niya. "She just missed you." Inihilig niya ang mukha ng anak sa dibdib niya. "Don't cry sweetheart, hush."

"Mommy! Mommy! I wanna see her!"

"Mag Video call tayo. Open your Skype." Utos sa kanya ni Stella. "Wait for a while anak, huwag ka ng umiyak."

"O-opo."

Kinuha niya ang cellphone and turn on the WiFi. Ilan sandali lang ay nakikita na nila si Stella Venisse.

"Baby, Madeleine..."

"Mommy..."

"I miss you."

"I miss you too, mommy. Uwi ka na po." Halatang-halata na hindi sanay si Madeleine na malayo sa mommy nito.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Where stories live. Discover now