16 ~ Never Be Enough

294K 7K 827
                                    

CHAPTER SIXTEEN


NAGMAMADALI siyang pumasok sa elevator ng makarating siya sa condominium na tinitirahan nila ni Madeleine para mailayo ang anak sa mismong ama nito.

'Me and our daughter are waiting for you. You should be at home now.'

Hindi siya pwedeng magkamali. Boses iyon ng lalaking kailanman hindi niya na ninais makita pang muli. Nakababa na siya sa elevator at lumiko pa-kanan ng mapansin na bukas ang pinto ng unit nila and that makes her feel scared na baka itinakas na ng walang hiyang lalaking iyon ang anak niya.

Wala sa sariling tinakbo niya ang unit nila and stop as she saw a gorgeous man leaning sexily on her door as if he's waiting for someone.

C-Cassidy...

"You're here." He speak as he stare at her.

Paano nito nagagawang titigan siya sa mga mata na parang hindi siya nito ipinagtulakan palayo at sinaktan? How dare him acting like nothing happened?

Hindi siya dapat magpa-apekto sa kagwapuhan at kakisigan nito kasi hindi na siya si Stella Venisse na patay na patay dito noon. Totoong nagbabago ang isang tao ayon na din sa mga pinagdaanan nito sa buhay at isa siya sa magpapatunay na nagbago na siya. She become more matured and responsible hindi tulad ng lalaking kaharap niya.

Sumilip muna siya sa loob to check her daughter. Nakaupo ito patalikod sa kanila, may kung anong pinagkakaabalahan pero hindi siya sigurado kung ano. Wala man lang itong pakialam na may ibang tao sa bahay nila.

"Get out." Mahina pero madiin ang boses niya.

"No. We need to talk."

Mapait siyang ngumiti ng bumalik sa ala-ala niya ang mga panahon na gusto niya din itong kausapin ngunit hindi siya pinagbigyan.

"For what Cassidy?"

Tumingin ito kung nasaan si Madeleine bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "I need to know everything Stella. Kung bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Madeleine. I mean kung bakit kailangan mong itago sa akin, sa aming lahat?"

Sa totoo lang pinipigil niya ang sarili na huwag itong sampalin at ayaw niya din naman makita siya ng anak niyang nananakit siya ng tao.

"Huwag ka ngang umasta na para bang kasalanan ko pa kung bakit wala kang alam. Tandaan mo Cassidy, ikaw mismo ang nagtulak sa akin palayo sa iyo kaya kung anoman ang hindi mo alam... Dapat lang na hindi mo malaman iyon." Kahit mahina ang boses niya alam niyang alam nito na galit siya at hindi siya natutuwang makita ito. "You don't deserve everything that I have. Remember that." Hahawiin niya na sana ito palabas ng biglang lumingon si Madeleine sa gawi nila.

"Mommy!" Tumayo ito at nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Get out." Halos pabulong na sabi niya sa kausap.

"No."

"Mommy!" Nakadipa ang mga kamay ni Madeleine na tanda na magpapakarga ito sa kanya habang patakbong lumalapit sa kanila. Kaya ang ginawa niya pasimple niyang hinawi si Cassidy at sinalubong ng karga ang anak niya.

"Baby..." Pinugpog niya ito ng halik at pasimpleng sinipa patalikod ang pinto para sumara kaya lang...

"Ouch!" Pinaikot niya ang mata niya ng marinig ang pagsinghap ni Cassidy. She turn around not to check if he's okey but to slam the door. "Oopps!"

"Get out!" She mouthed, showing her anger.

Ang kalahating katawan nito ay nasa labas at ang kalahati ay nasa loob. May iritasyon sa mukha nito pero wala siyang pakialam kaya mas lalo niya pang pilit isinasara ang pinto not knowing na nakikita na pala siya ni Madeleine.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Where stories live. Discover now