Prologue

408K 9.2K 1K
                                    

PROLOGUE

"AREN'T we going to visit my grand mommy and grand daddy?" Her daughter Madeleine asked her. Kasalukuyan silang nag-aalmusal at halos kakagising lang nila. "Ayaw mo po ba na makita nila ako? You always hide me everytime na magtatalk kayo sa Skype, ayaw ba nila sa'kin, mommy?" Doon na naantig ang puso niya ng mabasa niya ang lungkot na bumadha sa mukha ng anak.

Kumurap-kurap muna siya para mapigilan ang pagbagsak ng luha niya. Hindi niya kasi sinabi sa magulang at mga kaibigan na may anak na siya, itinago niya iyon sa mga ito.

Hinaplos niya ang buhok ng anak at mataman itong tinignan, nakipagtitigan din ito sa kanya. Pakiramdam niya ay kaharap niya si Cassidy, kung bakit ba kasi lamang na lamang ang namana ng anak niya sa tatay nito.

"Your grand mommy and grand daddy loves you, okey? Its just that—"

"What?"

"Mommy isn't yet ready to—"

"To tell them that you have me?" Nanatili lang siyang nakatingin sa anak. May mga bata pala talagang matalino at isa na doon ang anak niya na para bang naiintindihan na nito ang mga bagay-bagay sa paligid. "You aren't ready to tell them about me? Because they will ask you who is my father and you cannot answer them because I don't have daddy." Nagkibit balikat pa ito at nagpatuloy sa pagkain ng potato fries na namumukadkad sa cheese. "I understand you mommy, maybe we can visit Philippines kapag may nahanap na po tayong daddy ko, I'll help you find him. Okey?"

Napatango na lang siya sa turan ng anak. Kung umasta ito parang ang laki-laki na nito eh tatlong taon pa nga lang ito pero matatas na magsalita. Maya-maya lang ay nag ring ang Skype apps sa iPhone niya.

"Who's that?" Madeleine mouthed.

"Your Tita Ganda." She mouthed back as she saw the caller's name.

Dali-dali naman bumaba sa kinauupuan ang anak niya at tumabi sa upuan niya. Ang lapad lapad ng ngiti nito kasing lapad ng ngiti ni Saleen na siyang tumawag.

"Good morning, beautiful. What are you eating?"

"Good evening Tita Ganda, I am eating potato fries with lots of cheese and mommy eating pancake." Nakikita niya ang saya at excitement sa mukha ni Madeleine. Ewan niya ba pero trip na trip ng anak niyang kausapin itong si Saleen.

"Good girl pero dapat mag-eeat ka din ng vegetables and fruits, okey? Para mas lalo kang gumanda katulad ko."

"Opo!" Tumango-tango ang anak niya. "Tita Ganda, hmn..."

"Yes sweetheart?"

"Hmn..."

"I know you want to tell something. Spit it out."

"Do you know someone who can be my dad?" Batid niyang nagulat si Saleen sa tanong na iyon at kahit siya ay ganon din. "We need to find someone who can be my dad para po makauwi na kami ni mommy sa bahay nila grand mommy and grand daddy."

Tumikhim si Saleen bago muling nagsalita. "I know someone who can help you with that sweetheart."

"Really? Really?"

"Yes and yes!"

Nag-angat ng tingin sa kanya si Madeleine, masaya ang mukha nito bago muling ibinalik ang atensyon sa screen. "Tita Ganda, can you give him our address here? Para po magpunta na siya dito. Gusto ko na po ng daddy, 'yung handsome po at may pandesal na eight."

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon