7 ~ SPG (Part 3)

286K 5.9K 315
                                    

CHAPTER SEVEN

"ALAM ko naman na mahirap din para sayo 'yung gustong mangyari ni dad. Siguro sinusubukan ka niya kung hanggang saan at kailan ang kakayanin mo para lang kay Charlton." Masinsinan lang silang nag-uusap ni Ryxer na para bang nasa isang business meeting sila. Ang pinagkaiba lang imbes na mga papel at folder ang nasa harap nila ay alak ang pinagkakaabalahan nila. "Mahigpit si dad sa totoo lang, lalo na kapag usapang pamilya at negosyo. Nakaka pressure minsan pero wala akong magawa, eh. Aakuin ko ang lahat dahil ako ang kuya, dahil ako ang lalaki at dahil ako lang ang pwedeng asahan."

Napailing-iling siya at napapangiti kapag naiisip ang bunsong kapatid na babae. Hindi naman kasi talaga nila maaasahan si Charlton sa pagmamanage ng business nila lalo pa at malawak na ang mga negosyong pinapatakbo ngayon ng daddy niya.

"Halos pareho lang naman tayo ng sitwasyon, Cassidy. Ano naman kasi ang aasahan namin kay Liberty? Hindi rin siya 'yung tipo ng babae na makikipagbakbakan pagdating sa negosyo." Tukoy nito sa kapatid na babae. "Ang pinagkaiba lang natin—hindi lang sa magulang ko may kailangan akong patunayan, pati na din sa magulang mo."

"And the question is, hanggang kailan mo kayang patunayan sa kanila na kaya mong bigyan ng maganda at masayang buhay si Charlton ng hindi umaasa sa kung kanino man?"

Nilaro nito ang alak sa baso nito na tila nag-iisip ng malalim. Nakakatuwa lang isipin na naging mag best friend sila ni Ryxer kagaya ng ama nila pareho na magkaibigan din hanggang ngayon.

"Kung tutuusin madali lang naman ang gustong mangyari ni Tito Clarkson. Bigyan si Charlton ng masaya at magandang buhay? That's very easy, I can easily make her happy because I know that she loves me, I can afford everything she needs because I have my own money from Race Inc. You know what's hard?" Nagkibit balikat lang siya sa tanong nito at hinayaan itong magsalita muli. "The responsibilities and the promises. Ang dali-dali magpasaya ng taong mahal mo pero mahirap umako ng kahit na anong responsibilidad para lang matupad lahat ng mga ipinangako mo sa kanya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. I still remember the time when I promised to Tito Clarkson that I will never hurt your sister pero sa tingin ko napako na ang pangakong iyon simula ng iwan ko siya." Malungkot na ngumiti si Ryxer. "Sana isang araw maintindihan niya kung bakit kailangan ko siyang iwan."

"I'm sure she will understand you basta maipaliwanag mo sa kanya ng maayos ang dahilan. I can also help you with that kaya lang matagal pa naman iyon. Baka nga isang araw makita na lang kita na may kasamang ibang babae."

"I won't do that."

"Really?" Nanunudyong tanong niya. "Kaya mo ng ilang taon na walang sex?"

"Shut up."

"Come on, Ryxer. Hindi tayo Santo, may pangangailangan din tayo."

"I get your point. You don't need to rub it on my face."

"Kaya mo ba?" Tinignan lang siya nito pero hindi sumagot. "Maiintindihan naman din kita kung makahanap ka ng babae dito at—"

"That won't happen."

"Huwag kang magsalita ng tapos, man. Masama sa katawan nating mga lalaki iyan." Natatawang sabi niya. "Mahirap lumunok ng pride at kainin lahat ng sinabi mo."

"Hindi ko alam kung gusto mo ba talaga ako para kay Charlton o ipinagtutulakan mo ako sa ibang babae?"

"Masyadong sensitive ang kapatid ko, masyado pa siyang bata kumilos at mag-isip. Wala akong ideya kung hanggang kailan siya ganon. Hindi ko pa kaya na makita siya sa piling mo o sa piling ng ibang lalaki. Hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan at umiiyak dahil sa pag-ibig. Hanggat maaari ayoko pa na ma-involve siya sa salitang 'pag-ibig' kasi alam kong masakit iyon."

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Where stories live. Discover now