17 ~ Baby

323K 8K 1.2K
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

PINAHID niya ang luha sa pisngi niya at nanatiling nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa frame ng pinto. Narinig niya din ang tila pagdausdos ng kung ano sa kabilang panig, animo iisa lang ang posisyon nila ni Cassidy... Nakaupo ngunit magkatalikod at ang pinto lamang ang nagsisilbing harang sa kanilang dalawa.

"I know you still there, I know you can still hear me, Stella Venisse."

Tahimik lang ulit siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya sa kamay. Ayaw niyang magsalita, may parte ng isip at puso niya na gusto niya lang marinig ang boses ni Cassidy at kung anoman ang mga sasabihin nito.

"Akala mo siguro nakalimutan ko na 'yung mga ginawa kong pananakit sa iyo noon. Hindi, hindi ko nakakalimutan lahat ng iyon. Every time I remember those days, it made me realize how stupid I am to hurt you and to let you leave me. It made me realize how insensitive I am as a man kasi hinayaan kong umalis 'yung nag-iisang babaeng totoong nagmamahal sa akin sa kabila ng ugali ko. 'Yung nag-iisang babaeng walang takot na sabihin sa akin lahat ng nararamdaman niya pero binalewala ko lahat iyon."

Tumawa ito, 'yung tawang may kalakip na bitterness. "I was stupid, right?"

She nods her head kahit hindi naman siya nito nakikita.

Yes you're stupid, Cassidy.

"Bilib ako sa iyo kasi matapang ka. Nasasabi mo kung anoman 'yung nararamdaman mo hindi katulad ko..." Ilan segundo itong hindi nagsalita pero alam niya nando'n pa ito sa kabilang panig ng pinto na kinauupuan niya. "I can't tell what's inside me. Hindi ko na nga kayang sabihin hindi ko pa kayang iparamdam. Ni minsan hindi ko naiparamdam sa iyo kahit kaunti na... I cared. I care for you Stella Venisse not as my sister or as my friend but it is something I can't explain." Maniniwala ba siya na kahit minsan pinahalagahan siya ni Cassidy? "I like the way you smile, I like the twinkle in your eyes every time you look at me but I don't like the way you talk..."

At doon tumaas ang isang kilay niya upang sana magprotesta ngunit nagsalita ulit ito na mas lalong ikinangitngit ng damdamin niya.

"I hate talkative you know? I hate the color of your skin."

"I hate everything about you!"

Hindi niya na napigilan ang magsalita ngunit mahina lang iyon kaya hindi siya sigurado kung narinig ba nito o hindi.

"Sa lahat ng ayoko sa iyo hindi ko akalain na iyon ang mga mamimiss ko kapag nawala ka." And that makes her heart beat fast. "Nung nalaman kong umalis ka, pakiramdam ko naging malaya ako kasi wala ka na pero pansamantala lang pala 'yung freedom without you and your presence na sinasabi ko kasi... Hindi pala masaya kapag hindi ko naririnig 'yung boses mo. Hindi pala masaya kapag hindi ko nakikita 'yung mga kislap sa mga mata mo. Hindi pala talaga masaya kapag nawala 'yung taong akala mo mananatili lang sa tabi mo." Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na huwag magsalita. "Until I realize one thing..." She heard him sighed. "I am not really happy with my life."

"Why? I heard you're a successful businessman, you rock the business world."

"It's not really about the success of the people Stella Venisse, its not about the money or the fame. This is about happiness." May mumunting kalungkutan siyang nahimigan sa boses nito o baka nagkakamali lang siya dahil sa estado nito mukhang hindi naman ito hindi masaya.

"Everyone wants to be in your shoes Cassidy, you should be proud of yourself kasi pinaghirapan mo kung nasaan ka man ngayon."

"Aanhin ko ba ang yaman ko kung hindi ko naman kasama 'yung anak ko? Mabibili ba ng lahat ng kayamanan ko si Madeleine? Kasi kung oo, handa akong ibigay lahat sa kanya makasama ko lang siya."

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Where stories live. Discover now