13 ~ Revelations

284K 7.4K 618
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"LILIPAT na po ba tayo sa house niyo mommy?" Maang na tanong ni Madeleine habang tinutulungan siya nitong maglagay ng mga damit nila sa maleta o kung tulong ba talaga ang ginagawa ng anak niya dahil panay salaksak lang nito ng mga damit na mahawakan nito.

"No baby, hindi pa tayo pupunta sa house nila grandmommy. Lilipat lang tayo ng ibang house."

"Hmm..." Madeleine purse her lips. "Bakit tayo lilipat ng house mommy? Ayaw mo na ba dito?"

Umakyat ito sa ibabaw ng kama at nagpasyang panoorin na lang siyang magligpit.

"Nalipat kasi si mommy ng ibang Clinic anak kaya kailangan natin lumipat ng house 'yung mas malapit sa bago kong Clinic."

Sinadya niyang maghanap ng bagong Clinic or Hospital na mapapasukan niya dahil na din nasabihan na siya ni Mazda na patuloy lang sa paghahanap sa kanila si Cassidy sa halagang isang bilyon. Hindi niya alam kung saan at paano nalaman iyon ni Mazda. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makapagtago sila ni Madeleine.

Wala siyang idea kung bakit kailangan pa siyang hanapin ni Cassidy... Siya ba talaga ang hinahanap? O si Madeleine? Its confusing.

"Are we going to ride on a plane?" Inabot nito ang bag niya at may kinalkal do'n. Inalabas nito ang passport nilang dalawa. "Are we going to fyay mommy?"

"Yes baby. Are you ready to fly?"

"Opo! Opo!" At nagtatatalon na naman ito sa kama nila. "I will going to touch the clouds mommy." Umakto pa itong tila inaabot ang langit na ikinatawa niya lang.

"You can't touch clouds Madeleine but you can see them."

"But why? Why can't I touch clouds?" Ito na naman po sila, tanungan portion na naman.

"Because clouds can't touch. You can only see them. Parang hangin lang din sila anak, ang pinagkaiba lang nila ang hangin mararamdaman mo pero hindi mo makikita. Ang clouds naman makikita mo pero hindi mo mararamdaman."

"Like ghost?"

"Exactly."

"Like a stayrs in the night?"

"Yes honey, like a stars."

"I can see stayrs but I can't touch them. May hands were too small to r-reach them." Ibinalik nito ang passport sa shoulder bag niya at nahiga naman sa kama. Nakatingin lang ito sa kisame, nakadipa ang mga braso. Alam niya kapag ganito na ang anak.

"Are you sleepy?"

"A little."

"You can take a nap baby." Nakita niya ang paghikab nito at ang pagpikit-pikit ng mata kaya napilitan siyang ihinto ang ginagawa at tinabihan si Madeleine. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito para makatulog na ito ng tuluyan.

Mamayang gabi pa naman ang flight nila papunta sa bansa na lilipatan nila. Yes, kailangan nilang umalis ng Amerika bago pa sila matunton ng lalaking hindi niya na ninais pang makita at sana nga ay huwag na mangyari iyon pero alam niyang sobrang imposible ng gusto niya. Maya-maya lang ay tumunog ang ringtone ng Skype apps niya. Lumabas muna siya ng kwarto bago iyon sinagot.

"Mom?" Nakita niya ang pagngiti ng ina sa screen ng iPhone niya. "Late na ha. Napatawag po kayo?"

"Ang daddy mo kasi lagi akong kinukulit. Gusto na daw niyang makita ang baby girl niya. Kailan ka ba uuwi anak? Gusto na din kitang makasama."

"Mom, I already told you my reasons kung bakit hindi pa ako makauwi-uwi dyan. Isang taon pa bago ko matapos 'yung kontrata na pinirmahan ko. Don't worry malapit na naman iyon, magkakasama na po ulit tayo nila dad." Sumulyap siya sa pinto ng silid nila bago muling itinuon ang atensyon sa screen. "Na-assign din ako sa Canada mom, actually mamaya na ang flight namin—I mean ko."

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Where stories live. Discover now