Part 51

293K 4.6K 260
                                    

CHOLEEN

Ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Xander. Hindi naman ako makalapit sa bahay nila lalo na't nand'yan sina Tita Sandra.

They don't like me, samantalang dati ay okay naman kami. It all
started when that Trisha came into the picture. Ugh, that bitch!

Kinuha niya ang dapat ay sa akin! Palagi rin akong nasa opisina ni Xander, pero hindi ko pa rin siya naaabutan doon. At kahit ang parents ko, hindi ko alam kung nasaan. Uso yata ang maglaho lately. Hindi naman sa
hinahanap ko sila, pero nagtataka lang ako kung bakit suddenly ay ang busy nila.

I was about to go downstairs nang napansin kong may
inaakyat na gamit ang mga katulong. At last, my parents were back, and I didn't know kung saang lupalop sila nanggaling.

"Anak, may good news kami ng Daddy mo sa 'yo," Mom said.
Ang saya niya yata?

"And what could that good news be?" walang gana kong
tanong.

"Nakita na namin ang kapatid mo!" Ano raw?

I was speechless for a moment. "Really? So, buhay pa pala
ang pinakamamahal n'yong anak. Akala ko nalunod na siya at kinain na ng pating." I was so mad. Sino ba ang matutuwa sa
pagbabalik ng taong kinamumuhian ko?

"Anak, hindi ka man lang ba natutuwa? Buhay ang kapatid
mo! Pwede na natin siyang makasama."

Of course not! Siya ang dahilan kung bakit naging miserable
ang buhay ko, kaya sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang nabuhay pa siya.

"Do I need to invite a band para salubungin siya? Magpapa-fiesta ka ba?" inis kong tanong kay Mom.

"Stop it, Choleen! Kung hindi mo kayang maging masaya sa pagbabalik ng kapatid mo, manahimik ka na lang." Daddy
always got mad basta ang precious Maureen nila ang pinag-uusapan, which made me hate her even more.

"Whatever, Dad." Tinalikuran ko na sila at tumakbo na pabalik ng kwarto ko. Binalibag ko pa ang pagsara ko sa pinto.

"I hate you! I hate you! Bakit nabuhay ka pa?! Peste ka sa buhay ko!" Pinagsusuntok ko ang unan ko imagining it was Maureen.

Pero hindi bale, makagaganti na rin ako sa lahat ng paghihirap
na idinulot niya sa buhay ko.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng bahay. I wanted to
drink and celebrate dahil sa wakas, makagaganti na rin ako
sa kapatid ko. I went to my favorite bar, um-order ng alak, at uminom. Gusto kong makalimot.

Bakit ba ganito ang buhay ko? Simple lang naman ang gusto
ko: ang mahalin akong muli ng lalaking mahal ko at ng parents
ko. Pero may mga taong pilit silang inilalayo sa 'kin. I hated
them all.

Pagkatapos kong maubos ang nasa baso ko, tumayo na
ako at pumunta sa dance floor. Gusto kong isayaw ang init na
nararamdaman ko. Feeling ko, dito ay malaya ako.
Pinalibutan ako ng kung sinong mga lalaki. May humila pa
nga sa 'kin.

"Hey, babe. Wala ka bang kasama? Akin ka na lang," bulong ng isang pangit na lalaki.

"Let go of me! I don't like you, you ugly freak!" sigaw ko sa
mukha niya.

Pero marahas niya akong hinawakan sa braso. "You bitch!

Ang tapang mo, ah!"

The next thing I knew, nagkakagulo na. May isang kamay na pilit akong inilalayo sa kanila.

"Hey! Sino ka ba? Bitiwan mo nga ako," sigaw ko.

"Stop it, Choleen. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?"
Pamilyar ang boses niya.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon