Part 38

310K 4.1K 90
                                    

Jen

Hi everyone, ako si Jen Althea J. Monteverde. Sexy, Pretty, Gorgeous at ang angel ni Miggy. Teacher po ako, you all know me as teacher Jen ng cute na cute na si Chloe. Bakit ako may POV, tanungin nyo nalang po si Author.

     I'm watching my prince he's talking to Trisha, bestfriend nga sila, diba?, masaya siyang nakikipag usap dito, nakikita ko naman. His smile are genuine, I wonder kung anong pinag uusapan nila kasi he looks so happ. Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng bff na lalaki?

The usual kasi nagkakadevelopan, diba? Mabuti nalang si Miggy ko hindi, from laughing ay naging seryoso ang mukha niya, napakagwapo niya padin naman kahit nakasimangot na siya ngayon.

 Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko pa siya sinasagot, pwede namang hindi magmadali diba at namnamin ang bawat sandali.

" Inlove na sa akin yan, alam ko namang gwapo ako eh?" hindi ko namalayan nakalapit na pala siya.

" Ang lakas na ng hangin ngayon, mag dedecember na kasi."  again he smiled, harooh ang puso ko.

" How's Trisha?"

" Ayon, okey naman daw si Tisang, nagpapakamartir, hindi ko maintindihan ang drama ng babaeng yon. " sabay kamot niya sa ulo niya

" You're  worried, I can see it." nakikita ko sa mga mata niya kasi.

" I am Jen, kahit sino naman siguro, she's pregnant at malayo siya sa asawa niya." 

" Gusto mo siyang puntahan?"  isama mo ako Miggy please..

" Paano ko gagawin yon kung nandito ang puso ko, hindi ko maiwan." segway si Koya, adik  din to.

" Heh! Ang adik mo din ano, umalis kana nga puntahan mo iyong Trisha mo." namumula yata ako.

" She's my bestfriend,nagseselos kaba sa kanya?"

" Wala naman akong karapatan magselos, ano mo ba ako?" nagseselos ba ako kay Trish? Ang bait kaya non.

" Sagutin mo na ako, para nasayo na ang lahat ng karapatan." seryoso niyang pahayag

" Napapagod kana ba Miggy?" baka nagsasawa na siyang ligawan ako.

" Uyy nagseselos nga ang angel ko,hehehe, alam mong hindi kita minamadali, wala naman akong lakad eh, kung meron man,lakad sana papunta diyan sa puso mo."

" Corny mo." pero kayaaaahhh kinikilig ako.

" I'm willing to wait Jen, dahil alam kung may inaantay ako, meron nga ba?" seryoso na ulit siya.

" Drama? hahahaha, ano sa tingin mo?"tukso ko sa kanya.

" Sabi ng puso ko, oo, mamahalin mo din ako Jen." hawak hawak niya ang dibdib niya.

" Bakit ako Miggy?" sa itsura niya, kahit di siya mag effort manligaw marami ang maglulumuhod maging girlfriend niya lang.

" Bakit hindi ikaw Jen, you have all the qualities, a man could love in a woman, sa ganda mo pa nga lang nabighani mo na ako since day one and I'm loving you more every single day my angel." pwede naman tayo kiligin eh. Libre naman.

Kung alam niya lang. I just need more time, mahirap na baka sa pagmamadali ko masaktan lang ako, kung mahal niya ako gaya ng sabi niya, mag aantay siya. Namasyal nalang ulit kami, hindi rin siya nauubusan ng kalokohan. Gustong gusto siya ng parents ko kasi daw gwapo na mabait pa, magalang din. He's a perfect gentleman naman kasi at consistent sa pagiging thoughtful. Kaya hindi siya mahirap mahalin. In time my Miggy. Give me more time.

Itutuloy...

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon