Part 13

446K 7K 677
                                    

CHOLEEN


Finally, dumating na ang kakampi ko. Willing siyang tulungan ako to get Xander and my daughter back.

“Thank you so much, sis. I really miss Chloe. Sa wakas magkakasama na rin kami ng anak ko,” I said on our way to
Xander’s house.

“Don’t mention it, girl. Ikaw naman ang mother ng cute
kong pamangkin,” Margarita replied. Tutulungan niya ako para makuha ulit ang loob ng mag-ama ko.

Gulat na gulat si Mommy Sandra nang nakita niya kami ni
Marga. “Kailan ka pa dumating, anak? At bakit mo kasama ang
babaeng ’yan?”

“I arrived yesterday,” sagot ni Marga sabay nilapitan at
niyakap ang mommy niya.

“Choleen wants to see her daughter.”

“Hindi mo alam ang mga nangyari, Margarita. Hindi mo
dapat dinala dito ang babaeng ’yan!” Mommy Sandra was
fuming mad.

“I know what happened, pero may karapatan pa rin siyang
makita ang anak niya,” depensa ni Marga. Nabilog ko na kasi
ang ulo niya, sa galing ko ba namang umarte!

“Hintayin mo na lang ang kapatid mo. Pauwi na sila.”

“Saan ba kasi siya galing and who’s with him? ’Di ba nasa
Cebu si Dad?”

“Tita Marga!” Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Sinugod niya
si Marga at niyakap ito nang mahigpit.

“Chloe, look at you. Ang laki mo na! Tita missed you so
much,” sabi ni Marga.

“I miss you more, Tita!”

“Look who’s here. Don’t you miss your mommy, too?” Sabay
silang humarap sa akin.

“She’s not my mom!” sigaw ni Chloe pagkatapos akong suriin
mula ulo hanggang paa.

“Baby, ano ka ba? Siya ang mommy mo. Don’t you
remember?” tanong ulit ni Marga sa kanya.

“No! She’s that bad girl at the mall. I hate her!” Yumakap ito
sa lola niya.

Sakto namang dumating si Xander. Nag-init tuloy ang ulo
ko nang nakita kong kasama niya ang babaeng kamukha ko.

At magkaakbay pa sila!

“Daddy! Mommy!” salubong ni Chloe sa kanila. Hindi ba
kanina lang ay umiiyak ito? Binuhat siya ni Xander at hinalikan naman siya ng impostora.

“Hello, little brother!” bati ni Marga sa kapatid niya. “And
who’s this woman with you?”

“Kailan ka pa dumating, Ate? By the way, this is Trisha…”
sagot ni Xander.

So, Trisha pala ang pangalan niya. Pero mas nawindang ako
sa sunod na sinabi ni Xander.

“…my wife,” he added.

“That’s a funny joke!” sagot ni Marga.

“Yeah, right,” sabi ko naman. Nagpapatawa ba siya?

“Xander is telling the truth, Marga,” sagot ni Mommy
Sandra.

“Sayang at hindi namin alam na nandito ka na. Nakapunta ka sana kahapon.”

Oh, my gosh! So, kahapon lang sila ikinasal?

“This is not possible! Gumaganti ka lang sa ’kin, Xander, ’di
ba?” sigaw ko.

“At bakit mo naman naisip ’yan? Mahal ko si Trisha, Choleen.
And besides, matagal na tayong tapos. Hon, mauna ka na sa taas.

Isama mo si Chloe,” sabi nito sa babae niya.

Dali-dali kong nilapitan si Chloe.

“Hindi! Akin na ang anak ko! Baby Chloe, ako talaga ang Mommy mo, hindi ang babaeng ’yan.”

“No! I hate you!” Lumayo sa akin ang anak ko.

Hindi ako papayag na pati siya ay makuha ng babaeng ’yon!
Si Chloe ang pag-asa ko para mapalapit ulit sa ama niya.

Kaya nagpaawa effect ako at tiningnan si Marga.

“Chloe, baby, she’s telling the truth. Siya talaga ang mommy
mo,” sabi ni Marga.

“You’re lying, Tita,” sabi nito saka patakbong umakyat sa
kwarto niya.

“Tingnan n’yo ang ginawa n’yong pagsisinungaling sa
kanya!” sigaw ni Marga.

“Shut up, Ate! Wala kang alam.” Galit na rin si Xander.

Nag-excuse naman si Trisha at umakyat na rin. Hindi ko na
rin naman siya napigilan.

“I want my daughter back,” pahayag ko.

“Ang lakas naman ng loob mo, Choleen. Sige, go find the
best attorney in town. Let’s see kung saan ka pupulutin,” sagot
ni Xander.

“Xander naman, aabot pa ba kayo sa ganoon? Bakit hindi mo na lang siya pagbigyang makasama at makilala ang anak niya?” sabi naman ni Marga.

“Hindi ako papayag na kunin niya sa poder ko ang anak ko,
Ate. Magkakamatayan muna kami.”

“Fine! Let me live here at makasama ang anak ko para hindi ko siya mailayo sa inyo.”

“What?!” gulat na reaksyon ni Xander.

It was my last chance. Pareho ko silang makakasama at may
pagkakataon pa akong masira ang relasyon nila with that Trisha.

“Pumayag ka na, Xander. Dito rin naman ako titira. Choleen
and I can share a room. Ang laki-laki naman ng bahay na ’to,” paliwanag ni Marga.

“Bahala nga kayo! Basta ’wag kang mangingialam sa buhay
namin ng asawa ko.”

“Fine!” maangas kong sagot, pero deep inside ay nagdidiwang na ako Humanda ka ngayong babae ka! Sisiguraduhin kong iiwan ka rin ni Xander.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon