Part 42

307K 4.4K 307
                                    


XANDER

Nagising ako sa banyagang kapaligiran. Sobrang sakit ng ulo ko. Ni wala nga akong maalala sa nangyari sa birthday party ng
kaibigan ko. Hindi ko naman matandaang naglasing ako because I wasn’t a drinker.

Then, I felt someone move sa tabi ko. Ngayon ko lang
napansing wala ako ni isang suot na damit. At kaninong kama ’to?

“Good morning, sweetheart.”
Bigla akong napatayo sabay hila ng kumot para ipantakip sa
katawan ko.

“What the hell are you doing here, Choleen?” Tumawa siya.

“Don’t tell me you forgot about last night. By the way, you’re still awesome in bed.”

“What are you talking about?!” Imposible! Walang nangyari
sa ’min. Mahal ko ang asawa ko.

“Relax, sweety. Kagabi nga lang sobrang sweet mo sa akin,
tapos ngayon hindi mo na maalala ang lahat?”

“Tigilan mo ako, Choleen! Alam kong ikaw ang may
kagagawan ng lahat ng ’to. Kung ano man ang plano mo, hindi
ka magtatagumpay.”

“Try me, sweety. Wala ka nang magagawa kundi sundin ang
lahat ng gusto ko kung ayaw mong ipaalam ko sa buong mundo ang nangyari sa ’tin kagabi.”

“What? Anong ipagkakalat mo? Tingin mo ba may maniniwala sa baliw na kagaya mo?!”

“Baliw? Pwede! Baliw sa pagmamahal sa ’yo, Xander. I’ll give you time to think. May mga ipadadala ako sa ’yo para mapadali ang desisyon mo.”

Nagmadali akong nagbihis at nilisan ang lugar na ’yon.
Narinig ko pa nga ang malulutong niyang tawa. Dapat siguro ipa-mental na siya.
Inaalala ko ang asawa ko. Hindi niya pwedeng malaman ’to. I was heading home nang nakatanggap ako ng email with
an attachment.

From: Choleen
Sweety, remembrance from last night. By the way, I need you to make up your mind ASAP. Mainipin ako.
Love you!

The email containted pictures of us kissing sa bar. Meron
din magkayakap kami, nasa may kotse, at ang panghuli, habang
magkatabi kami sa kama. Who took these photos?

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay.

Sinalubong ako ng anak ko. “Dad, where have you been? Wala na nga si Mommy, pati ba po ikaw wala rin?” pagmamaktol niya.

Nag-init ang ulo ko bigla. “Not now, Chloe.” Naalala ko sa
kanya ang ina niyang walang hiya.

“But Daddy, I miss Mommy. I want to visit her.”

“Stop it! Go to your room!”
Nagulat siya sa pagsigaw ko.

“I hate you, Daddy! You’re
mean. Sana nandito na lang si Mommy.” Umiiyak itong tumakbo paakyat ng kwarto niya.

Kasalanan ’to ni Choleen. Siya ang rason kung bakit nagkakagulo kami. I dialed Trisha’s number peroi binaba ko rin agad. Paano ko sasabihin sa kanya that I slept with my ex-wife dahil nalasing ako?
Pinili kong mag-text na lang sa kanya.

To: Trisha
Hi, honey. I miss you and our baby. Whatever happens,
tandaan mo na mahal na mahal kita. Take care, hon.
I love you.

I waited pero hindi siya sumagot. Baka busy siya sa pag-aasikaso sa bahay.

The next day, nakipagkita ako kay Choleen.

“Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya.

“Sweety naman, nagmamadali ka ba?” Kung madaliin ko rin
kaya ang buhay niya?

“Just tell me what the hell you want!” Inuubos niya talaga ang
pasensya ko, e.

“Simple lang naman, sweety. Be mine again at hindi malalaman ng iba ang tungkol sa nangyari sa atin.”

“Bago ’yon, ibigay mo sa ’kin ang kopya mo ng pictures. Lahat-lahat.”

“Sure! Pero susundin mo ang lahat ng gusto ko kung ayaw
mong pati ang Ate Marga at Mommy mo ay makatanggap ng remembrance,” banta niya.

“Sige. Just give me the damn pictures.”

“Let’s start with… Date me, Alexander.”

“Nababaliw ka na ba? May asawa ako. Ano sa tingin mo ang iisipin nang makakikita sa ’tin?”

“Date me or ang mga larawan kagabi ang makikita nila?”

“Fine! Ibigay mo muna sa ’kin ang pictures,” pag-ulit ko.

“Para ano? ’Pag nakuha mo, tapos na ang lahat ng ’to? Sundin mo muna ang gusto ko,sweety.”

Patawarin mo ako, hon, pero kailangan kong gawin ko ’to.
Kailangan kong pakisamahan ang baliw na babaeng ’to para ’di ka masaktan.

MIGGY
Ilang araw na naming sinusundan ni Jen ang impaktang si Choleen, at mukhang nakaisip na naman siya ng paraan para may matakot si Xander. I bet may inilagay siya sa inumin nito
kaya nalasing agad ito. At ang mga walang kuwentang kaibigan ni Alexander, wala man lang ginawa. May nakita rin akong
kumukuha ng larawan nila habang hinahalikan at niyayakap niya si Xander. Pati ang pagpasok ng mga ito sa kotse at pagpunta sa condo ng impakta ay kinuhanan din nito. Imposibleng wala binabalak si Choleen. Akala niya lang ay walang nakapapansin
sa pinanggagagawa niya. Pwes, nagkakamali siya.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon