Part 19

401K 6.1K 308
                                    

XANDER

Panatag kong iniwan sina Trisha at Chloe, nag-hire naman kasi
ako ng bodyguard para sa kanila. Mahirap na baka ano nanaman
ang maisipan ni Choleen.

Parang ibang tao na kasi siya kumpara sa babaeng minahal ko dati. Hindi ko alam kung may kasalanan ako sa pagbabago niya, pero siya naman ang unang nang-iwan at nakipaghiwalay sa akin. At kung kailan masaya na kami ng anak ko, saka naman siya babalik at manggugulo.

I wouldn’t let her ruin my family. Katatapos lang ng meeting ko nang salubungin ako ni Lea.
Nasa office daw ang asawa ko, pero hindi naman sinabi ni Trisha na pupunta siya.

Nagmadali akong pumasok sa office ko.

“Honey! What brought you here?” Niyakap ko siya. I really
loved hugging her. Simple lang ang damit niya pero maganda
pa rin.

“Gusto lang kita i-surprise,” mahinang sagot niya.

“Something wrong? Bakit parang may iba sa ’yo? Nahihilo
ka ba?” tanong ko sa kanya. Tapos parang bigla siyang naging balisa.

“I just miss you,” sagot niya.
Buntis nga siya, pabago-bago ang mood. Maya-maya pa, hinalikan niya ako sa labi at ipinulupot ang mga braso niya sa akin. Niyakap ko naman siya, pero parang may iba.

Napaupo na ako sa mesa, at halos nakakandong na siya sa akin. Napakaagresibo naman yata ng honey ko ngayon. She pulled me closer para mas lumalim ang halikan namin.
Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko sina Chloe at Trisha. Kitang-kita kong mabilis na tinakpan ni Trisha ang mga mata Chloe, saka ito hinila palabas.

Paano ba naman kasi, halos nakataas na ang skirt nitong si…sino nga ba ito? Naitulak ko ang babaeng kayakap ko.

“Sweetheart, what’s wrong?”

Nakumpirma nitong hindi nga siya si Trisha. Never akong
tinawag na sweetheart ng asawa ko. Kung kapre pa siguro ay
maniniwala ako.

“How dare you, Choleen?Makatitikim ka talaga sa akin
kapag may nangyaring masama sa asawa ko. Magtago ka sa
lugar na hindi kita mahahanap!” Iniwan ko na siya at mabilis na
sinundan sina Chloe.

“Where are they?” tanong ko kay Lea.

Itinuro niya ang daan papuntang elevator. Papasok na sana
sila sa elevator pero napigilan ko sa kamay si Chloe.

“Daddy!” sigaw nito.

Inutusan ko ang bodyguard na kunin muna si Chloe at dalhin
sa cafeteria. Hinila ko naman si Trisha. Hindi siya nagsalita
hanggang nakapasok na kami sa conference room.

“Hon, I’m sorry. Nalinlang niya ako. Akala ko ikaw siya.”
Nakayuko lang siya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, pero binawi niya agad ’yon.

“Please, hon, I’m sorry. I’m so stupid dahil hindi ko agad
nakilala na hindi ikaw ’yon.”

“I want to go home. Naghihintay si Chloe sa akin.”At nauna na siyang lumabas ng conference room.

Takte!

Kasalanan ’to ni Choleen, e.
Hanggang sa kotse ay hindi ako pinansin si Trisha, at si
Chloe lang ang kinausap nito. How stupid of me na hindi agad nakilala si Choleen! Kaya pala I felt different kanina, dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.

Pagdating sa bahay, deretso silang bumaba ni Chloe ng
sasakyan saka umakyat sa kwarto. Maya-maya rin ay nakita kong pumasok na siya sa kwarto namin.

Sinundan ko siya at naabutan ko siyang umiiyak. Nilapitan
ko siya at niyakap nang mahigpit mula.

“Honey, please. Hindi ko
ginusto ang nangyari. Please, patawarin mo ako.”

Itutuloy...

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon