Secret Six

71.5K 1.3K 46
                                    

"Ouch! What the?" inis na batid ko nang madali ako nang kung sino.


Nilingon ko yung nakabungo sa akin pero agad na nanlaki ang mga ko ng bumungad sa akin yung lalaking freak sa bookstore at nakangiti sa akin. 


Nagbubudlitan sila nung kasama n'ya at may babaeng lumapit sa kanya kaya naman paatras s'ya humakbang at hindi ako napansin sa likod n'ya. Buti nalang hindi ako natumba dahil kung hindi baka nasuntok ko na ito.


Nanlaki and mata ko nang mabundol ako nang katotohanan na dito siya pumapasok. Oh hell no! Okay na yung isang beses ko s'yang na-encounter pero itong schoolmate ko pa s'ya? I can't. Lupa eat me now, please.


"Hi again, Ms. Bookshelf." he grinned and turned his back on me and walked away pero bago pa siya makalayo ay muli s'yang lumingon.


"Hey Miss, I just wanted to ask. Are you stalking me? Gwapo ko ba masyado? Now we're on the same school. Don't worry, pag-aaralan kitang magustuhan. Cute ka naman." he smirked and proceeded on walking away. Hambog.


Binilisan ko ang lakad ko at dinanggil s'ya. Tumakbo naman si Athena para mahabol ako. 


Hindi na nagsalita si Athena hanggang sa makarating kami sa room. Wala pa masyadong tao kaya sa may bintana ako naupo. 


Nilingon ko si Athena na naupo sa tabi ko at ang gaga halatang gulat na gulad pero nakangiti na tila may masamang plano na nakatingin sa akin.


"Wow! Destiny yata kayo ni Mr. Freak talagang nagkita pa ulit kayo. Syempre kami rin ni Mr. Handsome meant to be." natatawang banggit n'ya. "pero nakakagulat na ngayon lang natin sila nakita dito sa University." nagtatakang saad ni Athena.


"Hindi ko alam at hindi rin ako interesadong malamang kung bakit ngayon lang natin sila nakita. god. This will be my worst school year." iritang sagot ko kay Athena.


Nagdatingan na ang mga kaklase namin at konti-konti nang napuno nang tao ang room. Halos sila pa rin ang kaklase namin at kaunti lang ang irregular student.


Nagsitahimikan naman ang mga kaklase namin ng pumasok ang professor namin para sa first subject na naging professor na rin namin noon sa ibang subject nung first year college kami.


Agad na bumusangot ang mukha ko nang makita kung sino ang nasa likod nang professor namin. Ang mukha nang pinaka-ayaw kong makita sa loob ng Aevil University. Freak.


Nagsimula na magbulungan ang mga tao sa paligid at tila excited makilala yung dalawang lalaki na nasa likod professor. Nilingon ko naman si Athena na halos maghugis star na ang mata dahil sa saya.


"Hello class, nice to see you all again." bati ng professor at halos kilala na kaming lahat.


"Hello Miss!" bati namin pabalik.


"May mga bagong mukha sa block section n'yo ah. Irregular ba kayo?" 

She's a Secret Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now