Secret 43*** New Her***

34.7K 409 16
                                    



Nauna na akong pumasok kay Nica, sinundo kasi ako ni Cedric. Natapos na rin ang problema ng dalawang lovebirds, nanalo kasi si Tita nun sa laban. May pinagmanahan talaga ang Girlfriend ko.

Bakit kaya wala parin si Nica pati na rin si Clyde. *Sigh* baka naman sabay papasok yung dalawang yon kasi wala ng hadlang sa pagmamahal nila.

Biglang bumakas ang front at back door. Dalawa kasi ang pinto ng room namin. Sabay pumasok si Clyde at Lavish, pero hindi sila nagpapansinan, kahit maglapit ay hindi rin. Naunang naupo si Clyde at saka umubob, nakatayo lang si Nica sa tapat ng upuan niya. Hindi manlang niya tinignan at kinulbit si Clyde.

Nag-away kaya sila? kinulbit ko naman si Cedric na nakaubob din sa tabi ko na hawak-hawak ang kamay ko.

"uhmm" lumapit ako kay Cedric at bumulong sa kanya.

"May alam ka ba kung anu nangyari dun sa dalawa?"

"Bakit?"

"Hindi kasi sila nag-iimikan kahit tignan ang isa't-isa"

" Hindi pa ba sinabi ni Nica sayo na break na sila?"

(⊙o⊙) "Hindi kailan pa?"

" Nung gabing lumaban ang nanay ni Nica"

****

Naupo lang ako sa tabi niya. Napansin ko naman na mukang nagtataka si Athena kung bakit ganoon ang kinikilos namin. Hindi ko pa nga pala nasasabi sakanya na wala na kami.

Natapos rin ang klase namin at ngayon ay recess na namin.

"Nica, tara na sa canteen" Athena na kaholding hands si Cedric at nasa likod nila si Clyde.

"Kayo nalang" at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila, sa taong nag bigay ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Habang naglalakad ako sa hallway lahat ng estudyante nagbubulungan

"Uy nakita niyo ba yung lalaki kanina sa may gate?"

"May bago daw tranferee"

"Third year yata yun"

Basta nga naman pogi sikat dito sa university na to.

Nagtungo ako sa likod ng school, naupo ako sa ilalim ng puno kung saan naganap ang unang picture namin.

Bakit nga ba ako dito pumunta? kasi dito ako dinala ng mga paa ko. Sinimulan ko ng ipikit ang mga mata ko.

Papunta akong canteen ngayon. Bakit naman kasi ang laki school na to. Ang dami pang pasikot-sikot. Nakarating na ata ako sa dulo ng school na ta dahil pagod na ako at pawis na pawis na, I decided to rest for a while.

Naglakad ako papunta sa malaking puno, and someone caught my attention. A girl with a little tears in her cheeks while she was sleeping. I decided to sit beside her, she looks like someone I know in the past.

Well maybe its just my imagination. Humiga na rin ako at tumagilid paharap sa kanya. urgh... she really looks familiar did I met her before? Nakatingin lang ako sa kanya until I fell as sleep staring at her.

Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko. Tinignan ko kung anu ito at nakita ko ang isang kamay. Kamay ng lalaki..... (⊙o⊙) ka-kamay ng lalaki?

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at tinignan kung kanina ang kamay na ito. At nakita ko isang mala-anghel na mula ay payapang natutulog. Maamo ang muka niya. Gumalaw sya at unti-unting imunulat ang kanyang mata.

Agad-agad naman akong bumangon at tumayo. Ganoon din ang ginawa niya.

"Uhm ms. I'm sorry" hindi na ako nagsalita at basta ko nalang siya sinuntok. Thats what you get when you touch  LAVISH VERONICA GOSIACO.

She's a Secret Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now