Secret Eight

59.6K 1.1K 17
                                    


Mabilis lumipas ang mga araw lalo na kung naiinis ka.


Simula nung nagkaroon kami ng partner para sa General Philosophy(Genphil) ay madalas na namin nakasama si Freak at ang kaibigan nito na si Cedric.


Hindi nabawasan ang pang-aasar nung lalaking pangit. Si Athena naman at si Cedric ay mukhang nagkakamabutihan na rin dahil panay na lang ang pagttext nila sa isa't-isa at bukod doon ay kung nasaan si Athena, nandoon din si Cedric.


Katulad ngayon mahaba ang break kaya pagkatapos namin kumain ay nagsolo yung dalawa para daw mas makilala nila ang isa't-isa. Tsh. Hindi ba nila makiki;a;a ang isa't-isa kung kasama nila ako?


Nagtungo ako sa likod ng school kung saan maraming puno at puro huni lang ng ibon ang maririnig. Wala rin masyadong tao rito dahil medyo malayo ito sa college buildings.


Naupo ako sa harap ng pinakamalaking puno at sumandal rito at tiningala ang langit na bahagyang natatakpan ng mga dahon ng puno. Napangiti ako sa ganda nang nakikita.


Mula pa noon ay mga ganitong bagay na ang nagpapakalma sa akin. It silence the chaos in my thoughts. 


I always want to be one with nature. 


Hindi nagtagal ay nakatulog pala ako ngunit kung anong ngiti ko bago nakatulog ay sya'ng simangot ko nang magising dahil hanggang panaginip ay nakarating ang Freak na iyon.


Tumayo na ako at pinagpag ang aking pantalon nang mapansin ang oras at dumiretso na sa room para sa sunod na klase.


Natanaw ko kaagad si Athena na nakatayo malapit sa pintuan nang room  tila may hinihintay. "Hoy babae! Saan ka galing? Hindi ka marunong magtext? Kanina pa kita hinahanap." nagtatakang bati ni Athena nang makita nya akong palapit sa room. 


"Dyan lang sa likod ng school nagpahangin. Nakatulog ako kaya hindi ko na napansin ang text mo." Iniwan akong mag-isa tapos hahanapin ako. Tsh.


Sabay na kami pumasok nang room, dumiretso na ako sa upuan ko. Katabing muli ang Freak na ito.


"Ano?" naiiritang tanong ko sa lalaking katabi dahil ngingiti-ngiti itong nakatingin sa akin.


"Wala lang." nagpipigil na tawa naman nito.


"Eh bakit halos lagutan ka na nang hininga kakapigil nang tawa?" nanliliit na matang tanong ko sa kanya. Nasisigurado kong may ginawa itong hindi ko ikakatuwa.


"Haha. Akin na lang yun pero sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag. So maybe after a few weeks, you'll know." natatawang sabi pa nito. Tsh. Pangit!


"Psh. Whatever. Freak." wala sa mood na sabi ko.


Sasagot pa sana s'ya pero dumating na yung professor namin kaya natahimik na ang buong klase.


She's a Secret Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon