Secret Two

121K 1.7K 28
                                    

"Nica wake up." I heard Athena calling me. Ang aga naman mang gising nito. Nagtaklob ako ng unan sa mukha at nagtalukbong ng kumot. Umaasa na hindi na maririnig ang mga tawag ni Athena.


"Hoy Nica! May pasok na tayo bukas pero wala pa rin tayo school supplies. Let's go to the mall." muling sigaw n'ya. Mas malapit na ngayon. 


Naramdaman ko ang biglang paglubog nang gilid nang kama ko at ang sunod-sunod na pagtalon n'ya sa kama ko. Hinigpitan ko ang kapit sa kumot at unan sa mukha ko para hindi maalis. 


Maya-maya ay naramdaman ko na ang pag tigil n'ya sa pagtalon at bumaba ng kama ko. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pag bukas sara ng pintuan ko. She won't stop until I wake up. Gising naman na ako yun katawan ko but my eyes won't open.


"Shit! What the fuck." agad akong napabangon ng maramdaman ang malamig na tubig sa mukha ko. 


"Did you just pour water on my face?" I asked the obvious while drying my face with the tissue beside my bed. Damn this girl. Daming alam na kalokohan.


Athena just laugh like there's no tomorrow.


"Ang tagal mo kasi gumising, dadami na ang tao sa mall. Ayaw ko pumila ng mahaba, girl." she defended herself. Tinignan ko naman s'ya nang masama at inirapan.


She is Athena Mae Chavez, my best friend and she won't stop until she get what she wants. You probably know that by now.


We live in the same village kaya sanay na s'ya dito sa bahay. My house is the extension of their house and vise versa. We've been friends since pre-school and since then hindi na kami mapaghiwalay.


--- 

I couldn't stop crying dahil nawala ko yung favorite panda eraser na regalo sa akin nang nanay ko. Kasalukuyan akong nakatambay sa park  ng village ngayon, halos wala nang tao  dito dahil mukhang uulan. Ito ang takbuhan ko sa tuwing malungkot ako.


Nakaupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Niyakap ko ang mga tuhod ko at humihikbing isinubsob ang mukha sa mga ito. 


Naramdaman ko ang marahang  pagkalabit sa akin kaya naman marahan akong nag angat nang tingin at bumungad sa akin ang mukha ng batang nakapigtail at nag-aalalang nakatingin sa akin. Hindi rin nakatakas sa akin ang mapula n'yang pisngi na akala mo ay kinurot.


"Bakit ka umiiyak?" marahang tanong n'ya habang dahan-dahang umuupo sa tabi ko. 


"Naiwala ko kasi yung eraser na regalo sa akin ni Mama."humihikbi kong sagot. Tila nag susumbong sa nakatatanda sa akin.


Kinalkal n'ya ang bag nya na may teddy bear sa harap at naglabas ng eraser na hugis baboy.


"Sa'yo na lang 'tong eraser  ko, kanina pa kasi kita nakikitang umiiyak  baka maubos na ang tubig sa katawan mo at dugo na ang lumabas sa mata mo." inosenteng sabi ng bata sa tabi ko at nanghahaba ang nguso. "Hindi ito katulad ng bigay ng Mama mo pero sana magustuhan mo." dagdag n'ya pa. Iniabot na n'ya  sa akin ang eraser at nginitian ko. 


"Salamat" nahihiyang sabi ko. "pero paano ka? wala ka na eraser." tanong ko sa bata.


"Marami akong eraser. Binilhan ako ni mommy ng isang box." masayang sabi n'ya. Ang masayahin naman ng batang ito.


"Salamat." I thank her again and smile at her.


"You're welcome." she smile again. "From now on you and I are officially friend." she announced.


Kakalipat lang namin ng bahay one week ago kaya wala pa akong kaibigan masyado dito. Hindi ko alam kung sa parehong school ba kami pumapasok dahil hindi ko naman s'ya nakita sa bagong school ko kanina.


"Talaga? Friends na tayo?" masayang tanong ko.


Dahan-dahan s'yang tumango. "Oo naman."


Dahil sa isang mahiwagang eraser naging magbest bestfriend kami ni Athena at mula noon we are inseperable. 

She's a Secret Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now