Secret Seven

61.8K 1.1K 23
                                    


Nakasimangot akong lumabas ng room matapos i-announce na kailangan namin kilalanin ang mga ka-partner namin. Bakit hindi nalang kami bigyan nang kailangan ireport? Tsh.


Unang araw pa lang pero alam ko na kaagad na hindi ko makakasundo itong freak na ito. At isa pa wala din sa plano ko ang magkwento sa ibang tao tungkol sa akin.


Bukod sa pagkilala ay kailangan din daw na may picture kami na magkasama. Makatabi nga s'ya ay ayaw ko, picture pa kaya. Hindi ko maintindihan ang goal ng subject na ito.


Just when I thought na this subject would be easy. Mahirap pa ata ito sa Basic Accounting na subject dahil sa gustong mangyari sa subject na ito. Ito ba yung sinasabi nila na minor subject pero feeling major? Ipinagbuntong hininga ko nalang ang iniisip.


"Hey!" Humahabol na tawag nung freak sa akin pero hindi ko na ito nilingon. Saulo ko na kaagad ang boses nito dahil boses lang naman nya ang kinaiinisan ko. Dahil mas malaki ang kaya n'yang gawing hakbang kaysa sa akin ay hindi na ako magtatakang nahabol n'ya ako. "Hey you, Lavish. How about we get to know each other over lunch?" nakangiting tanong n'ya na tila ba napakaganda nang idea na sinabi nya.


Nakasimangot ko naman s'yang nilingon. Ugh. Nakakairita yung mga ngiti n'yang tila nang aasar. Bukod pa doon ay tinawag n'ya akong Lavish. Tsh. Maaga ako tatanda dahil sa kakasimangot sa pangit na ito.


"Don't call me Lavish or else your dead." galit kong lingon sa kanya. Inirapan ko nalang ang nakakabwisit na ngiti n'ya. 


"And you think I'm scared?" natatawang tanong n'ya. "Sa halip na matakot ako sa nanlilisik mong mata ay lalo lang akong natutuwa na asarin ka." ngayon ay hindi na n'ya napigil ang tawa.


Suntukin ko nalang kaya ito baka sakaling manahimik tutal hindi naman sya nakukuha sa tingin. Tsh.


Nasulyapan ko si Athena na nakasunod lang sa akin at mukhang libang na libang na kausap si Cedric na hindi na narinig ang kung anong sinasabi nitong pangit na pilit sumasabay sa akin pag lalakad. Lumingon si Athena sa akin ng maramdaman ang masamang tingin ko. Sumabay ito lumakad sa akin at abot tenga ang ngiting lumingon sa akin. Ikinawit pa ang mga kamay nya sa aking braso.


"Naisip kong sabay-sabay na lang tayo kumain since tayo-tayo rin naman ang magkaka-partner." Muli pa s'yang lumingon sa akin at nginitian ako nang pagkatamis-tamis na akala mo ay napakaganda nung sinabi n'ya at dapat namin ikatuwa.


Inalis ko ang nakakawit n'yang kamay sa braso ko at tinalikuran na sila at nauna nang naglakad patungo sa canteen. Sumunod naman sila at ang hinayupak na lalaking pangit ay muli akong sinabayan ng lakad at ngumiti sa akin na animo ay nagtagumpay sa plano n'ya.


"Alam mo ang sungit mo." nakangising sabi n'ya na hindi ko na nilingon dahil sa inis.


"Alam mo para sa isang lalaki, ang ingay mo." nagulat naman ito sa isinagot ko at mukhang naubusan nang isasagot sa akin. I secretly smirked. 


Siguro kung hindi s'ya mayabang at hindi n'ya paulit-ulit na tinawanan ang pagkakabangga ko sa bookshelf ay matutuwa ako sa kanya.


She's a Secret Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon