18 ~ Kiss

303K 7.3K 666
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"YOU can kiss her now. Come on." Bulong ni Madeleine kay Cassidy na obviously naririnig niya. Nasa Park sila at umaaktong Family Day nga dahil na din iyon ang gusto ng anak niya.

"You want her to punch me?" Cassidy whispered back. "Look at your mom, she melted the hell out me the way she glares at me."

True to his words, she wants to kill him the way she looks at him. Muntik na kasi siya nitong halikan kanina mabuti na lang nagising siya agad. Ang walanghiya, ang lakas ng loob.

Maang na tumingin sa kanya si Madeleine pero pinilit niyang ngumiti dito na parang isang mabait na anghel.

"Hindi naman po ha. Nag smile nga po ang mommy ko sa akin."

"Sayo lang siya nag smile." Pinalungkot pa ng damuho ang boses nito. "Masakit ba ako sa mata, anak?"

"Hmn..." Nag-iisip na naisatinig ni Madeleine. "Opo may sakit ka sa mata kasi hindi mo nakikita na naka smile ang mommy ko. Malabo po ang mata mo, daddy." Kinagat niya ang loob ng pisngi niya upang hindi siya matawa, minsan talaga nalilito pa ang anak sa salitang Tagalog. "But don't worry, handsome ka pa din po kahit mahina ang eyesight mo." At binuntutan pa ng bungisngis iyon.

Nangingiti na nakatitig lang si Cassidy sa anak nila sabay napailing-iling. Siya naman ay tahimik lang na nag-aasikaso ng makakain nila.

"Hindi pa siya masyado magaling makaintindi sa salitang Tagalog." Tumango-tango naman ang lalaki sa sinabi niya ngunit nanatiling pormal lang ang pakikitungo niya dito.

"But I can speak different languages." Madeleine said.

"Really?"

"Yes dad, a little. Some basics words."

"Okey let me hear it."

"Sure." Pumalakpak pa ang anak niya at umayos ng upo sa blanket na nakalatag na siyang inuupuan nilang tatlo.

"Game!"

"Besos! Beijo! Celuvki! Jupjup!" Sunud-sunod na sambit ni Madeleine habang nakanguso na parang manghahalik at tinapik-tapik ang sariling pisngi.

Namamangha na nakatingin lang si Cassidy sa anak nila at may pilyong ngiti sa labi nito ng sumulyap sa kanya at alam niya ang nais nitong iparating. Sa dinami-dami ng sasabihin ng anak, eh bakit ang salitang 'halik' pa sa iba't-ibang lenggwahe?

"Anak, he can't understand you." Aniya.

"I understand her." Sansala naman ni Cassidy.

"Oh really?" She asked, lifting her eyebrow.

"Besos in Spanish. Beijo in Portuguese. Celuvki in Bulgarian. Jupjup in Thai and..." Unti-unting dumukwang si Cassidy sa kanya. "Kiss in English..." He whisper making her shiver as his minty breath hits her face. "...Halik in Tagalog."

He gaze longingly into her eyes. Madaming rason para itulak niya ito palayo sa kanya ngunit bakit ngayon niya pa hindi maigalaw ang katawan niya?

"Besos! Beijo! Celuvki! Jupjup!" Paulit-ulit na tili ng anak nila na nagtatatalon pa sa harap nila at kulang na lang ay pagdikitin ang ulo nila ni Cassidy para tuluyan ng maglapat ang kanilang mga labi. "Kiss her now! Come'on dad!" Para bang inip na inip na ang anak niya sa buhay nito sa paraan ng pagbigkas ng mga salitang iyon.

Alam niyang pareho nilang naririnig ang sinasabi ng anak nila pero hindi talaga sila maawat sa pakikipagtitigan sa isa't-isa hanggang sa bumaba ang tingin ni Cassidy sa labi niya. No, no, hindi pwede. She knew that kind of looks.

"Besos! Beijo! Celuvki! Jupjup! Kiss! Halik!" Naramdaman niya ang paglapat ng maliit na kamay ng anak sa likod ng ulo niya at bahagya iyong itinulak palapit kay Cassidy dahilan para maglapat ang kanilang mga labi. Agad na nag-react ang puso niya ng maramdaman ang malambot na labi nito makalipas ang ilang taon. "That's sweet." And with those words she suddenly felt his lips forming a smile.

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon